Chapter 33

92 4 0
                                    

STEFFI'S POV:

Silence.

Awkward.

Heavy.

Uneasy.

Kalahating oras na kaming bumabyahe pero wala pa ring nagsasalita samin.

Ako ang nagd'drive. Nagpapanggap nalang na seryoso sa pagmamaneho. Si Nerd na nakapikit sa tabi ko habang nakikinig ng songs.. at si Mommy na parang SOCO kung matyagan ang bawat paggalaw ng mga daliri namin ni Nerd. Nasa backseat siya kaya kitang kita niya talaga ang kilos naming dalawa ni Nerd.

Hindi ko alam kung anong problema ni Mama. Obviously, hindi niya gusto si Nerd. Well, kahit yung ex boyfriend kong si Andrew ay hindi niya nagustuhan. Sa pagkakakilala ko sa kanya, sobrang mataas ang standards niya sa pagkilala at pagtanggap ng tao sa buhay niya.

She is my mother. I'm her daughter. Only daughter and only child. Hindi na rin ako magtataka kung mapili talaga siya sa mga taong malalapit sakin. Even Grace and Jasmine, hindi pumasa sa taste niya. She even asked me to stay away from my friends. Yes, they are also rich. Maraming businesses ang family ni Jasmine at lahi naman ng politicians sila Grace. Hindi lang gusto ni Mama yung ugali ng dalawa.

Childish daw kasi and immature. Ang kaibigan ko daw dapat, professional and classy. Yung matino at mature mag isip. Hindi daw yung mga isip bata at walang plano sa buhay.

But anyway, kahit naman ganun ang gusto niya ay hindi ko rin naman siya sinunod. Pinalayo niya ako sa mga kaibigan ko, hindi ko naman ginawa. Pinagsabihan niya akong hiwalayan si Andrew, hindi ko rin naman pinakinggan.

Kung matigas siya, mas matigas ako.

Anak niya nga ako diba?

"We're here." Sabi ko nang makapasok na kami sa malaking gate ng bahay nila Grandma. Hindi siya bahay, mansyon siguro sa paningin ng iba. Sobrang laki at taas ng gate nila at mapapagod ka muna bago ka makarating sa mismong harap ng pinto nila. Ang lawak ng hardin na halatang alaga ng mga hardinero dahil sa ganda ng mga dahon at bulaklak. Nangingibabaw ang kulay nito kahit sa gabi dahil sa mga lights na nakakabit sa mga halaman at puno.

"Nerd.." mahina kong tapik kay nerd at napadilat naman siya agad. Mukang nakaidlip siya at nahimasmasan pa. "Nandito na tayo.."

"N-nandito na tayo?"

"Paulit ulit ka ba talaga iho?" Sabat ni Mama at inis naman akong napalingon sa kanya na nakangisi lang sa likuran. Bakit ba hindi pa bumababa to?! "You're glaring at me again Steffi, napaka-protective mo naman sa boyfriend mo."

"Aren't you going inside?"

"Right. Mauuna na ako, ayusan mo muna yang boyfriend mo. Yung maayos, Steffi. Maraming bisita ang grandma mo, baka pagkalaman siyang driver--"

"Ma! Ano ba?!"

She just smirked saka siya bumaba ng kotse ko. Buntong hininga ko namang nilingon si Nerd na nag uunat na pala. "P-pagpasensyahan mo na si Mama, medyo prangka lang talaga siya--"

"Anong medyo. Pfft, prangka talaga siya Steffi." Natatawa niya pang sagot. Aba't?! Bakit parang hindi siya apektado? "Tingnan mo nga yung mukha ko Steffi, may muta ba?"

Napailing nalang ako saka ko siya tinitigan sa malapitan. "Wala naman Nerd."

"O-okay." Mahina niyang sagot saka niya nilayo yung ulo niya. Napangisi nalang ako nang may naisip akong kapilyuhan. Nilapit ko ulit ang mukha ko sa kanya hanggang sa mapasandal na siya sa pinto ng kotse ko. "A-anong ginagawa mo?"

"Bakit ka lumalayo?"

"H-hindi naman ako lumalayo ah?"

"Nahihiya ka ba?"

She's Inlove With A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon