(DAY ELEVEN)
Steffi, kinausap ko si Mommy. Ang sabi ko, gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. Hindi siya pumayag. Nagalit siya sakin, ayaw niya akong paalisin hangga't hindi ako naooperahan. Miss na miss na kasi kita. Ang hirap kasi wala ka dito. Gusto ko nang makita yung ngiti mo, yung mukha mo.. yung mga mata mo. Gusto ko nang marinig ulit yung boses mo. Kamusta na yung game niyo? Panalo ba? Alam ko namang mananalo kayo ulit at magcha-champion eh.. ang galing galing mo kaya. Sayang lang at hindi kita nakikitang maglaro ulit. I miss you so much..
---
Nakakaguilty pala noh? Buong akala ko, nakalimot na siya sakin noong hindi na siya nagpaparamdam.. buong akala ko, nakalimutan na niyang may babae pang naghihintay sa kanya. Yun pala, hindi siya nakalimot kahit kailan.. na sa bawat araw na lumilipas nang hindi kami magkasama, palagi niya akong naaalala. Hindi man niya pinaramdam sakin noon, nararamdaman ko naman ang pangungulila niya sakin dahil sa binabasa ko ngayon.Sa bawat araw na lumipas, kinakausap niya lang ako kung anong ginagawa niya. Sa mga araw na wala pa rin silang mahanap na donor, kinukwento niya lang kung paano nagsisimula ang araw niya at kung paano ito natatapos nang walang nagbago sa kondisyon niya. Gigising siya, kakain, maghihintay ng balita, wala pa ring donor, magsusulat siya sakin at babalik sa pagtulog.
Ilang buwan niyang kinuwento kung paano sila naghintay. Naghintay ng naghintay nang naghintay.. Hanggang sa matigilan ako nang makita ko ang sunod na pahinang binabasa ko..
(THREE MONTHS, DAY TWENTY EIGHT)
Kumakain ka na siguro ngayon? Tapos papasok ka na sa school.. ano kayang lesson natin mamaya? Sana nagsusulat ka ng maraming notes. Para pagbalik ko, pwede kong hiramin ang notes mo at makapagreview pa ak....
----
Putol ang sulat niya. Kunot noo kong nilipat ang pahina pero wala pa rin akong nakitang kasunod. Mabilis kong nilipat ang mga pahina ng paisa isa.. hanggang sa umabot ako sa kalagitnaan at makabasa ulit ng sulat niya.
(FIVE MONTHS, DAY FIFTEEN)
Hello Girlfriend. Pasensya ka na kung hindi ako nakapagsulat nitong mga nakaraang araw ha? Ang sabi kasi ni Mommy, inatake ako bigla. Ang totoo niyan, sobrang nahihirapan pa akong igalaw ang mga kamay ko. Three days from now palang kasi ako nagigising. Isang buwan akong na-coma Steffi. Ang sabi daw ng doktor, humihina na ang puso ko. Nahihirapan na akong huminga ngayon. Nilagyan na rin nila ako ng oxygen, ito pa naman ang pinakaayaw ko kasi nakikiliti ako sa ilong. Kamusta ka na kaya? Malapit na ang graduation.. alam ko, hindi na ako makakahabol. Nakakalungkot. Hindi tayo sabay na makakatanggap ng diploma. Alam mo bang gustong gusto kong makita yung saya mo habang tumatanggap ng diploma sa taas ng stage? Kung makakauwi lang sana ako, kukuhaan kita ng maraming litrato. Ako ang unang papalakpak sayo. At ako rin mismo ang aalalay sayo pagbaba ng stage. Sayang.. may nangyari na naman sa buhay mo nang hindi ako ang kasama mo. Ayokong umasa na hinihintay mo pa rin ako hanggang ngayon.. pero sana, sana ako pa rin ang mahal mo Steffi. Kasi ako, hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. Iniisip ko palang na may iba nang nagpapasaya sayo ngayon, nahihirapan na akong makahinga. Pero kung sakali mang may iba ka nang minamahal, hinihiling ko na sana maging masaya ka sa kanya. Na sana, hindi ka niya iiwan tulad ng ginawa ko. Malaman ko lang na maayos na ang buhay mo ngayon, hindi na ako manggugulo sayo. Mahal na mahal kita Steffi.. be happy.
----
Nagtuloy tuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. Ang akala ko, hirap na hirap na ako sa sitwasyon naming dalawa noon. Akala ko, masakit na yung pinaasa niya akong babalikan niya ako noon..Mas mahirap pala ang pinagdaanan niya.. na habang nangungulila siya sakin noon, sobrang malala na pala ang kondisyong hinaharap niya dito sa America.
Pero bakit ganun siya? Napakabuti niya. Siya ang nahihirapan ng sobra, pero ako pa rin ang iniisip niya. Kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. Na dibale na kung anuman ang sakit at hirap na pinagdadaanan niya, maging masaya lang ako.. okay na sa kanya.
Doon ko napagtanto lahat kung gaano ako kaswerte sa kanya. Does he even real? Does he really exist? Na meron pang lalaking natitira sa mundo na katulad niya? Handang balewalain ang sakit na pinagdadaanan niya, sumaya lang ang babaeng mahal niya?
And yes, meron pa. At nag iisa siya sa mundo.
Siya si Miggy. Ang nag iisang lalaki na minahal ko ng lubos.
"S-Steffi.."
Umiiyak akong nag angat ng tingin at kinabahan agad ako nang makita ko si Hailey at Ninang na nasa harapan ko.
Nakatingin sila sakin at nag aalinlangan lumapit.. nakatingin sila sakin nang may luhang dumadaloy sa mga mata nila. Nakatingin sila sakin gamit ang malulungkot nilang mga mata.
"A-anong nangyari?" Nanginginig kong sambit saka ako lakas loob na tumayo at lumapit sa harapan nila. Humigpit ang pagkakahawak ko sa notebook ni Nerd nang magsimulang humikbi si Ninang sa harapan ko. Ayokong isiping tama ang hinala ko, ayoko.. ayokong marinig na masamang balita ang hatid nila sakin.. ayokong makarinig ng balitang ikakawasak ng buong pagkatao ko. "N-ninang.. please--"
Natigilan ako nang yumakap bigla sakin si Hailey nang sobrang higpit. Hindi agad ako nakakilos at parang namanhid bigla ang katawan ko. Parang gusto kung tumakbo palayo nang sa ganun ay wala akong marinig sa kanila. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako.
"S-steffi.. the operation was successful."
Para akong nabingi. Paulit ulit akong napakurap. Wala sa sarili kong tiningnan si Ninang at paulit ulit lang siyang tumango sakin habang umiiyak.
Pero ano? Successful?
Tama naman ang pagkakarinig ko diba?
"W-what did you say?"
Humiwalay sakin si Hailey saka niya ako nginitian. This time, alam kong totoong ngiti na ang pinapakita niya sakin ngayon. At dahil sa ngiting yun, napalitan ng lubos na kasiyahan lahat ng takot at kaba na nararamdam ko.
"The surgery was successful Steffi.. magiging okay na ulit ang pinsan ko. Makakabalik na ulit siya sayo.."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...