MIGGY'S POV~
I can hear words.
I can clearly hear them.
"Ninang.. bakit hindi pa po siya nagigising?"
Steffi. My Steffi.
"Hindi ko rin alam iha. Siguro, nagpapahilom pa si Miggy.."
Mom. Mommy..
"Pero bakit ang tagal naman yata niya magpagaling Auntie? Apat na araw na siyang naoperahan pero ni small movements, wala pa siyang pinapakita."
Hailey.
I tried to open my eyes but it was so hard for me to do. Parang may nakapatong na bato sa mga talukap ko dahilan para mahirapan akong idilat ang mga mata ko.
"Nerd.. we miss you so much, gising ka na.. sige na, please."
I tried so hard to move my hands.. even my fingers.. but i really can't do it. I want to show them that i could barely hear everything they're saying but.. i can't do such things.
I feel numb. I feel so weak. I feel useless.
"Hailey, bili tayo ng lunch?" That's my mom's voice. "Hindi pa tayo nakakapagbreakfast, medyo nagugutom na rin ang tita mo."
"Yeah, yeah. Sure." Mabilis namang sagot ni Hailey. "Hmn, Steffi. Bili lang kami ni Auntie.. okay ka lang ba dito?"
"Ofcourse." I can't see Steffi, but I can feel that she's smiling. "Okay lang.. ako munang magbabantay sa kanya.."
And the next thing i heard was the sound of the door that has been closed. My room was filled of silence for a moment until i've felt a warm thing that holds my cold hand.
Steffi is holding my hand.. again.
"How are you Nerd? May masakit pa ba sayo?"
Yes. Medyo masakit pa ang dibdib ko. Pero yung sakit na yun, hindi na nagmumula sa loob. Masakit nalang yung tahi, but I feel better right now compare to last week, Steffi.
"Bakit hindi ka pa nagigising? Namimiss ko nang titigan yung mga mata mo."
And I miss you more my love. Sinusubukan kong dumilat pero hindi ko magawa.
"Hay, kung pwede ko lang sanang ilipat sa katawan ko ang paghihirap mo.. matagal ko na sigurong ginawa."
Don't. Hindi ako papayag Steffi. Mas okay nang ako nalang kesa ikaw. Mas masasaktan ako kapag nakita kong nahihirapan ka.
"Alam mo Nerd.. tumawag si Mama kahapon, ang sabi niya.. umuwi na raw ako. Kailangan ko na raw palitan si Papa sa company. Bukod dun, namimiss na raw nila ako. Gusto ko na rin sanang umuwi.. pero sa tuwing iniisip kong maiiwan ka dito at malalayo na naman ako sayo, nanlulumo na agad ako. Ayokong malayo sayo Nerd."
Gusto na rin kitang makasama Steffi. Babalikan kita, babalikan kita. Can you please wait for me even just a little bit longer?
"Let's plan our wedding Nerd." I can feel that she's smiling again. "Saan mo gustong ikasal? Sa simbahan? or pwede ring garden wedding.. beach wedding. Hm? Which do you prefer?"
Anything. As long as ikaw yung bride.. okay lang kahit saan Steffi. Kung gusto mo, gawin natin lahat okay lang.. kung yun ang magpapasaya sayo.
"Yhiie, i'm so excited to be your wife!"
And I'm also excited to be your husband.
"Ano kayang pakiramdam? Yung gigising ako sa umaga na ikaw agad yung makikita ko? Yung pwede kitang yakapin buong magdamag? Yung tipong pwede kitang makasama habang buhay."
I'm sure that will be the happiest moment in our life, Steffi. I can't wait to experience that moment with you, my love. I miss you so much.
"I love you, Nerd. Mahal na mahal kita."
"I l-love y-you t-too.."
STEFFI'S POV~
"I l-love y-you t-too.."
(O___O)!??
Mabilis akong napatayo saka ko siya tinitigan sa malapitan. "Nerd!? Nerd!" Halos maduling na ako sa lapit ng mukha ko sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali! Narinig ko talagang nagsalita siya! "N-nerd.."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pagkibot ng mga pilik mata niya. Alam kong sinusubukan niyang magising pero parang nahihirapan siya. "N-nerd.. oh god!" Sunod sunod kong pinindot ang buzzer na nakakonekta sa nurse station nang kumunot ang noo ni Nerd. He's waking up! "N-nerd.. ako to, si Steffi."
"S-steffi."
Kagat labi akong naluha nang banggitin niya ang pangalan ko. Bigla akong napayakap sa kanya saka ko siya paulit ulit na hinalikan sa pisngi niya. "Y-yes its me.. it's me.. i'm here Nerd."
Mabilis akong napalingon sa pinto nang pumasok ang doktor na may kasamang nurse. Sandali akong tumabi para gumilid at hinayaan silang tingnan ang kondisyon ni Nerd.
Ilang sandali lang ay nakangiting lumingon na sakin ang doktor. "He's stable now. He's also awake. Any moment he could open his eyes already."
"Thank you.. thank you so much, doc."
"M-mom.." sabay sabay kaming napalingon kay Nerd and on cue, unti unti nang dumidilat ang mga mata niya.
Mabilis akong lumapit ulit sa tabi niya saka ko hinawakan ng mahigpit ang palad niya. Naluluha kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya saka ko inabangan ang pagbukas ng mga mata niya.
"N-nerd.." paulit ulit kong sambit nang tuluyan na siyang magising. Nakatitig siya sa kisame na parang sinasanay pa niya ang sarili niya sa liwanag ng paligid. Hindi ako nakatiis kaya bahagya akong tumayo saka ko hinarang ang mukha ko sa paningin niya..
dahilan nang unti unti niyang pagngiti sakin. "B-Beautiful.."
Marahas kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko saka ako yumuko para mahalikan ko siya sa noo. Mariin akong napapikit, lihim na nagpapasalamat sa diyos dahil sa wakas.. ay nasa maayos na ang lahat. "I m-miss you.. i miss you so much.."
"I m-miss you m-more.." mabagal at mahina niyang sambit pero sapat na para maging panatag ang kalooban ko. Marahan akong lumayo saka ko siya tinitigan sa mga mata niya. "C-can you d-do me a favor?"
Mabilis akong tumango. "Anything.. say it."
"C-can you.. k-kiss me?"
Pagak akong natawa.. maging si doc at iilang nurse ay natawa dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko namang nahiya siya bigla. "You want me to kiss you?"
"I.. I mean. N-no.."
I lovingly cupped his face with my hands saka ko siya nakangiting tinitigan sa mga mata. I'm so happy right now! He's really back! "Why? Nahihiya ka ba sa kanila?"
"Y-yes." Bulong niya nang kami lang ang nakakarinig.
Tumango naman ako saka ko nilingon si Doc na nakangiting napailing lang. Mukhang naiintindihan niya naman ang tingin ko kaya lumabas muna sila ng mga nurse.
Nakangisi kong binalik ang tingin ko kay Nerd na ngayo'y namumula na. Pakiramdam ko, pinagsisisihan na niya kung anuman yung hiniling niya kanina.
"Ano nga ulit yung favor mo?"
"W-wala.."
"No, meron eh. Ano ulit yon?"
"W-wala nga Steffi--"
Nakangiti kong dinampi ang labi ko sa labi niya dahilan para manlaki ang mga mata niya. Ilang sandali lang ay nakita kong pumikit na ang mga mata niya and like him, I also closed my eyes to feel the magical moment that is happening right now.
Yes. Magical.
This is magical.
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...