Steffi's Pov:
Nakaburol ang labi ni Ninang sa bahay namin. Nung una ay nagulat ako nang malaman kong si Mama pa mismo ang nagsabi na sa bahay ibuburol ang katawan ni Ninang.. hindi ko na siya nagawang tanungin kung bakit dahil wala na rin akong lakas makialam pa sa bagay bagay na nasa paligid ko.
Sa mga oras na ito, kailangan ko munang dumepende sa iba, para magawang dumepende sakin ng asawa ko.
Until now, he's still not okay. Natatakot ako sa katahimikan niya. Nagagawa niyang hindi magsalita sa loob ng isang araw. Ni hindi na niya nagagawang asikasuhin ang mga kamag anak nila na nagmula pa sa malalayong probinsya. Ni hindi ko na nga rin kilala ang mga kamag anak nila dahil sabi ni mama ay bata palang ako noong makita ko silang lahat... noong maayos pa ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Ninang.
Naiintindihan ng mga kaanak niya ang sitwasyon niya ngayon. Kaya imbes na siya ang kausapin tungkol sa nangyari kay Ninang ay kay Mama nalang sila nagtatanong. Si mama na rin ang nag asikaso sa kanilang lahat na para bang wala talagang nangyaring gulo sa pagitan ng dalawa naming pamilya noon. Na para bang nakalimot na silang lahat.
Napabuntong hininga nalang ako nang makita ko ang asawa ko na nakaupo sa harapan ng kabaong ni Ninang.
Agad kong inawat ang maid nang makita kong dala dala niya ang tray na agahan ni Nerd. "Ako na.."
"S-sige po Maam.."
Dahan dahan akong lumapit at naupo sa tabi niya. Hindi man niya ako nilingon ay alam ko namang naramdaman niya ako. "N-nerd.. kumain ka muna.."
"Hindi ako gutom.."
"P-pero... kagabi ka pa hindi kumakain.."
"Wala akong gana.."
Agad akong nanlumo. Sa totoo lang, namumutla na ang labi niya. Miski tubig ay wala pa siyang naiinom mula kagabi. Natatakot ako na baka mapabayaan niya ang kalusugan niya. "Kung ayaw mong kumain, m-magpahinga ka nalang muna please?" pakiusap ko sa kanya. Dahan dahan naman siyang napalingon sakin. "Wala ka pang tulog, Love. Nangingitim na ang ilalim ng mga mata mo.."
"Bakit ganun Steffi?"
"Hmn?"
"Wala akong maramdaman.."
"N-nerd.."
Dahan dahan siyang nagbaba ng tingin sa tray na hawak ko. Mabilis ko namang kinuha ang sandwich at agad na inalok sa kanya. "S-salamat.."
Napangiti ako nang sa mabagal na paraan ay nginuya niya iyon. "Ubusin mo yan ha?"
He nodded. "Mommy doesn't want me to be hungry. Nagagalit siya sakin kapag nalilipasan ako ng gutom. Ayaw kong magalit siya sakin."
"Y-yes, g-good boy.." kagat labi kong sambit habang pinagmamasdan ko siya.
....
Dalawang araw ang lumipas ay walang nagbago sa kanya. Oo, nakakatulog na siya at nakakakain kahit papaano pero hindi pa rin ako kumbinsido na maayos na ang lagay niya. Sa tuwing kakausapin mo siya ay nagagawa ka naman niyang sagutin, pero kapag wala siyang kausap ay hindi mo rin siya maririnig na magsalita.
Ibang iba sa Miggy na masigla at madaldal na una kong nakilala.
"Love.." sambit ko saka ko siya tinabihan sa upuan. Agad naman siyang naglipat ng tingin mula sa kabaong papunta sakin. "P-pupuntahan ko lang sa ospital si Hailey ha? Tumawag kasi ang doktor niya kaninang umaga, nagkaroon daw ng improvements si Hailey."
"T-that's good.."
"Gusto mo bang sumama sakin?"
"I-i'll just staying here.."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Romance"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...