STEFFI'S POV:
Days and weeks had passed and we're still here in America. Madalas ako sa hospital at napapadalaw naman minsan sina Jasmine at Grace kay Nerd. Minsan pinipilit ako ni Nerd na sumama kina Jasmine at Grace sa pamamasyal, nung minsan pa nga ay halos ipagtulakan niya na ako para makasama ko naman daw ang mga kaibigan ko. Alam ko naman na ayaw niyang isipin ko na pabigat siya sakin. Sa totoo lang ay hindi siya pabigat. Pero dahil ayokong maramdaman niya yung bagay na yun, minsan sumasama nalang ako sa mga kaibigan ko. Oras lang ang tinatagal nun pagkatapos ay bumabalik na agad ako sa hospital. Saka magtatanong si Nerd kung kamusta ang araw ko, saan kami nagpunta at anong kinain namin na agad ko namang kinukwento sakanya.
Everything was fine. We are so happy talking and laughing about some random things when suddenly....
"N-nerd? K-kamusta ang pakiramdam mo?" Malumanay kong tanong at dahan dahan namang dumilat ang mga mata niya. "M-may masakit pa ba sayo?"
"S-steffi.."
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa palad niya. "N-nandito lang ako, h-hindi ako aalis sa tabi mo.."
Hindi na siya nagsalita at napapikit nalang ulit. Kanina ko pa nakakagat ang labi ko dahil sa pagpipigil ng pag iyak. Kinakabahan ako at the same time, nasasaktan na makita siyang nahihirapan ng ganito.
He is so pale! Halos mangitim na ang mga labi niya sa sobrang pagkaputla. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kirot sa puso niya kanina at pagkatapos nun ay hindi na niya magawang kausapin ako ng tuloy tuloy. Naging mabigat ang paghinga niya at miminsan pa'y para siyang hindi makasagap ng hangin sa paligid niya.
Natatakot man ay wala akong magawa kundi lingunin ang monitor na nakakonekta sa puso niya. Sobrang bagal ng pagtibok ng puso niya-- yung pagtuwid ng linya sobrang mahaba kesa sa pagbaluktot nito. Pinapakita roon na bumabagal ang pagtibok ng puso niya na nagiging dahilan kung bakit nahihirapan siyang huminga.
"N-nerd.." hindi mapakali kong sambit saka ko siya nilingon. This time hindi na niya ako sinagot dahilan para biglang balutin ng matinding kaba ang buong pagkatao ko. "Nerd!"
"Hmn.." rinig kong sambit niya at parang nakahinga na agad ako ng maluwag.
"P-please, magsalita ka lang.. kahit ano, b-basta malalaman ko lang na g-gising ka pa rin Nerd.."
"S-steffi.." nakapikit niyang sambit, halatang nahihirapan na siya sa sitwasyon niya.
Hangga't maaari ayokong umiyak, ayokong marinig niyang humihikbi ako.. ayokong makita niyang lumuluha ako. Ako ang lakas niya at kapag pinaramdam ko sa kanyang nanghihina na rin ako dahil sa nangyayari sa kanya ngayon..
Baka lalo siyang mawalan ng pag asa para lumaban.
"I.. l-love y-you.."
"Damn, na'san na ba si Ninang.." kinakabahan ko nang sambit saka ko nililingon si Nerd, ang monitor, at ang pinto.. umaasang magbubukas yun at papasok na si Ninang kasama ang doktor. "K-konting tiis nalang N-nerd.. tinawag na ng Mommy mo yung doktor--"
"H-hindi n-na a-ako... m-makahinga."
Nakagat ko na naman ang labi ko dahil konting konti nalang alam kong bibigay na ang mga luha ko. Kanina pa naninikip ang dibdib ko at sobra sobra akong nasasaktan sa nakikita ko. "N-nerd, p-please.. k-konti nalang.."
"S-ste..ffi." naghahabol ang hininga niyang sambit saka niya pilit dinidilat ang mata niya. "M-mahal na m-mahal kita, S-steffi.."
"Sshhh, shhh.." usal ko saka ko dinampi sa pisngi ko ang palad niya. "I love you too Miggy, i love you please be s-strong.."
"Ahhh!" mabilis siyang napapikit ng mariin saka siya bahagyang napaliyad dahil sa sakit. Hindi ko na napigilang maluha dahil nararamdaman kong hirap na hirap na siya. "Ahhh! Ahhh!"
"N-nerd.."
Mabilis akong napalingon sa pinto at parang pinasahan agad ako ng pag asa nang makita ko si Ninang na may kasamang doktor at tatlong nurse.
"B-baby! A-anong nararamdaman mo, nandito na si Mommy.."
"M-mommy.." hirap niyang sambit saka niyang sinubukang idilat ulit ang naniningkit na niyang mga mata. "H-hindi ko na kaya M-mom--"
"N-nerd.."
"Shhh, d-don't say that okay, be strong Baby.. h-hindi ka namin iiwan ni Steffi--"
"The patient's condition is getting serious, Mrs. Lustre. We need to do the operation as soon as possible.." biglang sabi ng doktor matapos niyang makita ang sitwasyon ni Nerd.
"H-how soon d-doc?"
"This is urgent. There's a huge possibility that his heart will just stop beating any moment within this day Mrs. Lustre.. he's critical.." nanlaki ang mga mata ko saka ko lalong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa palad ni Nerd. Napansin kong nakakalma na siya dahil sa ininject sa kanya ng nurse pero nang lingunin ko ang monitor niya ay nakikita kong mabagal pa rin ang pagtibok ng puso niya. "We really need to do the operation today or else.."
"B-but.." nahihirapang sambit ni Ninang saka siya napayuko. "Y-yes, yes. We'll do the surgery today."
"P-pero Ninang.." sambit ko at matamlay naman niya akong nilingon. "H-hindi pa po pumapayag yung pamilya ng babaeng na-comatose diba?" Tukoy ko sa isang pasyente dito sa hospital na possible donor ni Nerd. "P-paano natin magagawa ang surgery kung--"
"S-susubukan ko silang kumbinsihin ulit Steffi. Kailangan ko silang makumbinsi."
"P-pwede po bang ako nalang ang kumausap sa kanila?" Desidido kong sambit saka ko naluluhang nilingon si Nerd na mukhang nakatulog na yata. Natutulog na siya pero hindi pa rin kalmado ang ekspresyon ng mukha niya.. halatang nahihirapan pa rin siya. "S-susubukan ko silang kumbinsihin.. h-hindi pa nila ako nakikita kaya sigurado akong h-hindi nila ako magagawang itaboy agad."
"Iha.. s-sigurado ka ba?"
Malungkot akong napatango. "G-gagawin ko po ang lahat para gumaling si Nerd.. k-kung kinakailangan kong makiusap sakanila, gagawin ko.." napayuko ako saka ako napahikbi ng sunod sunod. "H-hindi ko po kakayaning m-mawala ulit sakin ang anak ninyo.. m-mahal na mahal ko po si Miggy at h-hindi ko nakikita ang s-sarili ko sa hinaharap nang hindi siya ang kasama ko."
"Steffi, iha.."
Matamlay kong nilingon si Nerd saka ko siya hinalikan sa noo, pababa sa mga mata papunta sa ilong.. saka ko siya dinampian ng magaang halik sa labi. Matagal akong napatitig sa kanya at napunasan ko pa ang mga luha ko nang bumagsak yun sa kanyang mukha. Pilit akong ngumiti at dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa tenga niya saka ko binulong ang mga katagang matagal ko nang gustong manggaling sana sa kanya.
"K-kayanin mo Nerd.. b-be strong please. Magpagaling ka at magpalakas. Kailangan mong lumakas ulit. At kapag maayos na ang lahat...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Papakasalan kita.."
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Романтика"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...