Steffi's Pov:
Today yung re-schedule ng game namin. Worst, dito sa kabilang university gaganapin yung game.
Para malinaw, dito gaganapin yung game sa university nila Erika. Well, nandito rin naman yung mga kaschoolmates namin para sumuporta, its just that. Mas marami pa rin yung nanonood ngayon na sumusuporta sa kalaban. Ofcourse, balwarte nila to. Ang weird lang ng feeling kasi nangingibabaw yung cheer nila, nakakarindi rin at the same time.
"Uy Steffi, hindi ka pa ba magwawarm up?"
Napabuntong hininga nalang ako at hindi nalang sumagot.
Actually, I don't know why I am not feeling good right now. Alam ko sa sarili kong wala akong sakit pero.. wala talaga akong ganang kumilos.
"Steffi, pinapa-remind lang ni coach na kasama ka pa rin daw sa first six." Biglang lapit sakin ng isa ko pang kagrupo. "Baka daw kasi iniisip mong hindi ka na kasali kaya hindi ka niya nakikitang nagwa-warm up."
"N-nakita mo ba si Nerd?" Wala sa sarili kong naiusal. "Napansin mo ba siya?"
"Sorry Steffi, hindi ko napansin eh."
"Ganun ba?" Matamlay kong sagot saka ko pinilit ngumiti bago tumayo. "Ah, sige, magwa-warm up na ako. Ilang minutes pa ba bago mag-start yung game?"
"30 minutes pa naman.."
"Okay, sige. Salamat."
Bumuntong hininga ako saka ko pinilit kumilos.
Siguro, isa sa dahilan kung bakit ako nawawalan nang gana ay dahil wala pa si Nerd. Pero nakausap ko pa siya kahapon, tinanong ko kung manonood siya ng game, ang sabi niya ay manonood siya. And I trust his words, once na sinabi niyang manonood siya, manonood talaga siya.
I am busy warming up nang mapalingon kaming lahat sa kabilang court and there they are.. Erika's squad. Everyone is cheering and shouting their team name as if they already won the competition. Tss, pathetic.
"Steffi!" Napalingon ako sa kasamahan ko nang tawagin niya ako, nagtaka pa ako nang makita ko siyang nakatingin sa taas, sa mismong audience area.
"Bakit? Tawag mo ba ako?"
"Yes!" Masaya niyang sabi saka siya nagturo sa kung saan. "Ayun na yung Nerd mo oh!"
At mabilis akong napalingon sa tinuturo niya. Sinubukan ko pang pasingkitin yung mga mata ko para mahanap siya and there he is.. smiling at me habang kumakaway kaway nang nakatayo.
"Yhiiie! Nakangiti na rin si Steffi." Mas lumawak yung pagkakangiti ko nang magsimula na silang asarin ako. I'm so happy na nandito siya! He did not break his words. And i'm so happy that he make it real!
"Okay team! Same goal, okay!?" Masigla at masaya kong sigaw sa mga kasamahan ko. Lahat naman sila ay napatingin sakin while smiling. "CHAMPIONSHIP!"
"CHAMPIONSHIP!"
Masigla akong tumango. Pakiramdam ko, buong buo na agad yung fighting spirit ko. Napatingin ako kay coach at nag approve sign lang siya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya saka ko ulit tiningnan si Nerd.. mas lalo akong na-inspire na matapos agad yung game para makalapit agad ako sa kanya.
Tatapusin ko to agad Nerd, tapos makakasama na kita ulit.
I am busy talking to him in my mind nang mapansin kong may babaeng tumabi sa kanya. She's not just an ordinary girl. She's Hailey.
Anong ginagawa ni Hailey dito? Ang akala ko ba nasa America siya?
"Steffi! Magsisimula na yung game!"
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Nerd
Roman d'amour"The right man will come at the perfect time." "Being part of her life was the happiest memory i can bring in my next life." "True love can make one lonely person alive." "I'm born to make her life worth living for." "I need him." "She needs me." "H...