One.

1.9M 25.2K 3.4K
                                    

IF YOU READ THIS DI KA MALILITO PROMISE!!!

Guys.. before reading this, kung may nabasa ka ng iba kong story wag na po maconfused kung mabasa mong same names lang nun dito. Ibang story po yun. Hihi.

Kung wala ka pa namang nababasang ibang story ko, ngayon alam mo na. Hahaha. ✌

WARNING:

READ AT YOUR OWN RISK.

Unedited to at madaming typo errors and grammatical errors. Medyo madami ding stories kaya nawawalan nang time mag edit. Kung gusto niyo COMMENT my errors then i-e-edit ko agad. Don't worry di po ako magdadamdam, papasalamat pa 'ko. Haha.

Salamat sa pag intindi. 😃

Please do not copy this story,
PLAGIARISM IS A CRIME

---

My alarm wakes me up, as always. She's not a clock, buhay siya, siya ang humihinga kong alarm clock, ang best friend kong si Majah Mendez.

Mas maaga kasi siyang nagigising sa'kin para paunahin akong mag bihis kasi alam niyang pag kakagising ko lang para akong pagong sa kupad kong kumilos. She hates that about me but still she, loves me.

Nakatira kami sa iisang Apartment since nasa same school kami at mahal kami ng mga magulang din naming mag best friend din tulad namin kaya hinayaan nila kaming dalawa ni Maj na mag Apartment kasi daw ganun din naman ang ginawa nila noong mga studyante palang sila.

Kaya eto.. i-ni-spoiled kaming dalawa.

"AMBER!! DON'T TELL ME NATUTULOG KA LANG DYAN SA BATHROOM? ANG TAGAL MO!" Maj screams, knocking on the Bathroom. Grabe siya! Ganyan yan kahard sa'kin. Alam naman niyang di ako morning person eh, tsaka paano naman ako makakatulog sa lamig ng tubig na dumadaloy sa katawan ko mula sa shower? Haler? Etong best friend ko minsan, ewan parang out of this place na ang utak.

"OO NA ETO NA PALABAS NA!" i screamed back. Itinapis ko yung tuwalya sa katawan ko plus tuwalya sa ulo ko para sa basa kong buhok. Tsaka lumabas ng bathroom kung saan nakasandal sa pader ang best friend kong halatang naiinip na sa kakahintay sa'kin.

"Ikaw naman." Pa'sweet kong sabi para mabawasan ang init ng ulo niya, kaaga aga ang init agad ng ulo eh.

"Whatever, Tuazon!" Hala init pa din ng ulo. Sorry naman kasi. Haha!

Pumunta na 'ko sa kwarto ko para naman makapag bihis na. Isa lang ang kinatuwa ko sa school namin, hindi na kailangan mag uniform kaya nakaka porma ako ng gusto ko, kahit na hindi naman ako magaling pumorma.

Pinatugtog ko muna yung cellphone ko para habang nagbibihis, kumakanta ako na may kasama pang pag sasayaw. Kasi naman yung mga tugtugan ko eh yung mga pang chugchug sa Club... I mean yung mga pinapatugtog sa club.

Black pants, and grey v-neck shape T-shirt ang suot ko pinartneran pa ng rubber shoes ko na black. Bonga na sa'kin 'to, walang kaarte arte.

Sunod make up naman, eyeliner, masccara lang then cherry flavored lipstick na niregalo pa sa'kin ni Maj. Tapos na 'kong mag asikaso, ano pa ba sunod? Uhmm.. pabango nga pala. Nag spray na 'ko ng pabango.

Kinuha ko na yung bag ko at yung binabasa kong novel 'tsaka lumabas ng kwarto ko.

Ha! Naunahan ko pa si Maj, improving mabilis na ko mag bihis, sa pag ligo lang talaga ako mabagal.

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon