It's my Damon's birthday..
Papunta na ko ngayon sa Unit niya, para dun mag luto. May dala na kong ingredients para sa lulutuin kong Sinigang na Baboy na paborito niya buti yun lang paborito niya medyo madaling lutuin, may nabili na din akong gift para sakanya at isang cake syempre hindi mawawala yun.
Alam ni Damon itong plano kong ipagluluto siya kaya excited siya, nag offer siyang sunduin ako kaso tinangihan ko kasi paano ko naman mabibile yung regalo ko para sakanya kung kasama ko siya?
Nakarating ako ng Unit ni Damon at bitbit ang lahat ng dala ko para sa birthday niya. Nag bell na ko at ilang sandali lang pinagbuksan na niya ko.
"Baby ang dami mo namang bitbit, dapat nag pasundo ka." Sabi niya habang kinukuha ang yung mga bitbit ko.
"Ayos lang baby, ngayon lang naman eh."
Sabay kaming pumunta ng kusina niya at nang mailapag niya to sa lamesa, inusisa niya agad. "Ano lulutuin mo?" Tanong niya.
"Sinigang." Tumingin siya sakin ng napakalaki ng ngisi sa mukha.
"Kaya mo?" He asked amused.
"Tinuruan ako ni Majah, at nanuod ako sa internet kaya keri ko yan!" Sana nga!
"Okay, the kitchen is all yours."
"Pero bago yun.." Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa labi ng matagal. "Happy Birthday, Baby. I love you."
He smiles shyly. "Thank you baby, i love you too. Where's my gift?"
"Mamaya na, paglutuin mo muna ko!" I said laughing.
"Let me get your bag."
"No!" Nandito pa naman yung gift niya at base sa itsura niya alam niya yun kaya gusto niyang kunin yung bag ko. Mas lalo siyang ngumiti nang maisip niyang tama ang hinala niya.
"Okay."
"Dun ka muna sa kwarto mo or sa sala, gusto kong mag focus sa pagluluto." Pagtataboy ko.
Sumunod nalang siya at sinimulan ko ng mag luto. Inilapag ko lang sandali yung bag ko at kinuha yung apron ni Damon tsaka inihanda yung mga ingredients.
Huminga ako ng malalim tsaka sinimulan ang paghiwa ng ibang ingredients then hinugasan. Tsaka kumuha ng kaldero at nilagyan ng tubig at nilagay ang pangunahing sangkap ang baboy at sinalang ito sa kawali tsaka isa isang nilagay yung ibang ingredients.
So, habang nag hihintay na kumulo nag saing na din ako. Taray sipag ko ngayon. Haha.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagluluto at sinimulan ko ng tikman yung niluluto kong sinigang, at ayun sa pang lasa ko.. parang may kulang pero di ko nga lang alam kung ano.
"Need help, baby?" I heard Damon's voice. I face him and i saw him wearing his eyeglass again, hula ko habang naghihintay siya nag aaral siya.
I cleared my throat. "No, thanks. I can manage." Lumapit siya sa direksyon ko at tinignan ang itsura ng niluluto ko.
"It looks good." He said.
"Salamat sa pagpapalakas ng loob."
He laughed. "Baby kung ano mang lasa niya titikman ko padin, luto mo kaya yan."
"Sige na dun ka na muna sa sala, inistorbo mo ko eh." I said pushing him on his chest.
"Okay." He said chuckling. Hinalikan niya lang ako ng mabilis sa labi tsaka tuluyang umalis ng kusina.
Okay, back to my sinigang.. i think kulang sa asim.. sana tama.
And when i finally finished my Sinigang na baboy..
Pinuntahan ko na si Damon para simulan na namin ang kumain baka kanina pa yun nagugutom. I saw him on his couch, reading seriously.. and i enjoy the view, perfect view, actually.
"Hey, Hottie Nerdy." I called making him look at me.
"Hey, Pretty cook."
"Let's eat?"
"Tapos ka na?"
"Yup!" Sinarado niya yung librong binabasa niya at tumayo sa couch tsaka nag lakad papalapit sakin tsaka hinawakan yung kamay ko kaya sabay kaming pumunta sa Dining area.
Nasa lamesa na lahat ng foods na pagsasaluhan namin. Nauna akong lumapit sa lamesa at sinindihan yung cake. "Before we eat, blow your candle first.. and don't forget to wish." I said.
He just nods, smiling. Ipinikit niya yung mga mata niya para siguro sa wish niya at pag mulat niya ng mata hinipan na niya yung kandila.
"Happy Birthday, baby." I greeted again.
"Thank you for this baby, i do really appreciate." He seriously said.
"Anything for you." Kinuha ko yung bag ko tsaka inilabas yung regalo ko para sakanya. "Ito na yung kanina mo pang hinihintay na gift."
Ngumiti siya ng sobrang laki at dali daling binuksan yung regalo na akala mo bata.
Since i don't know kung ano ang ireregalo ko, kaya Bonet nalang ang niregalo ko na may nakalagay ng combination ng name namin na AMBON.
Tumingin siya sakin ng napakalaki ng ngiti, i guess na gustuhan niya. "Ambon?" He asked amused.
"Combination of our name. Sana nagustuhan mo."
"I love it, thanks baby." Sinuot niya yung bonet, di ko alam kung dahil lang sa eyeglass kaya bumagay o sadyang bagay lahat ng sinusuot niya sakanya.
Sabay na kaming umupo kaya sinimulan na naming kumain, nag hintay ako ng reaction niya kung anong lasa ba ng niluto ko pero nag tuloy tuloy siya sa pagkain niya.
"Any comment?" I asked.
"This is good." He said chewing.
"Really? Hindi ba yan echos lang?" He shakes his head.
---
Last Update for now. ✌
Keep voting babies.
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...