Fifteen.

627K 10.9K 235
                                    

Majah woke me up again, sabay kasi kami ngayon ng schedule kaya ito ang aga na naman niya 'kong ginising, inuhan pa niya yung totoong alarm clock ko.

So, ako na ang unang nag shower. Tulad ng mga nakaraan na nag hintay siya sa tabi ng bathroom paglabas ko, tsaka naman ako dumiretso sa kwarto ko para nag bihis na.

I heard my phone ring on my side table kaya kinuha ko yun. Unknown number ang tumatawag..

"Hello?" I answered it.

"Eh.. you're already awake?" I know that voice, it's kagigising lang na voice ni Damon. Yah! As i remember bago sila umuwi ni Mario kagabi, hiningi niya number ko.

"Bakit parang disappointed ka?" I asked, putting my pants on.

"Plano ko sanang maging alarm clock mo kaso, sa boses mo mukhang nauna ka pang nagising sa'kin."

I giggle. "Blame Maj, she wakes me up so early."

"Gigising ako ng mas maaga bukas!"

"Okay." I said chuckling.

"See you at school, baby."

"See you at school, Damon." I ended the call. Pinartneran ko ng gray T-shirt ang pants ko tsaka rubber shoes. After kong mag lagay ng simpleng make up, lumabas na 'ko ng kwarto ko para hintayin si Majah sa sala.

Habang nag hihintay kinalikot ko yung cellphone ko, sinave ko yung number ni Damon tsaka tinext siya..

** Bumalik ka ba sa pagtulog? **

i texted, grinning like an idiot.

Ilang minuto din bago siya nagreply.

** I wish i can but its hard, ginugulo mo kasi isip ko eh. **

** Isa ba yan sa mga pick up lines mo para makakuha ng chicks? hindi kasi effective sa'kin eh. **

** Iisip pa 'ko ng iba, yung e-epekto sayo. **

I laughed at his text. Oh boy! Goodluck! Alam ko karakas niya kaya malamang yung mga sasabihin niya, walang epekto sa'kin.

"Saya mo teh!" I heard Maj voice.

"Katext ko kasi si Damon." I said looking at the screen of my cellphone at nagiisip ng pwedeng i-reply.

"Aminin mo nga yung sa inyo ni Damon, seryosohan ba?" She asked, interrupting my thought about what should i reply to Damon.

"What do you mean?" I asked.

"Well.. Damon is obviously a player and ikaw ay mukhang nahuhulog na sa kanya."

"Halata na ba sa'kin?"

"Yah!" She said nodding.

"Halata kaya niya?"

"I don't know."

"Well.. sa ngayon ine-enjoy ko lang 'tong nangyayari samin and yes nagugustuhan ko na siya pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko nang magkaroon kami ng commitment."

"Hanggang kailan naman kaya yan?" She seriously asked.

"I don't know, i really don't know." I said shaking my head.

"Paalala lang Amber, mag hunos dili ka sa pagkakaroon ng feelings sa kanya.. ayokong maging nega pero, alam naman nating lahat na pinaglalaruan niya lang yung mga babae."

"Alam ko naman yun, kaya nga pinalayo ko siya sa'kin noon diba? Na mukhang nagbigay lang ng dahilan para magustuhan ko siya at mamiss yung halik niya. Pero, don't worry kaya ko pang i-handle."

Huminga siya ng malalim. "Okay, sige alis na tayo." I just nodded my head. Inilagay ko na sa bag ko yung cellphone ko tsaka tumayo. Sumunod lang ako sa paglabas niya ng Apartment hanggang sa makarating kami ng kotse. As usual, passenger seat ako. Di ko na din pinilit na ako ang mag drive kasi naman, i don't think na makakapag maneho ako kung ganito kagulo ang pagiisip ko sa pinagusapan namin.

Napapaisip ako kung alam na kaya ni Damon na gusto ko siya? Well siguro may idea na siya kasi hindi naman siya siguro magiging confident na papayag akong halikan niya kung wala.

Siya kaya anong nararamdaman niya sa'kin maliban sa naadik siyang halikan ako? Natatakot akong magtanong dahil baka bigla siyang lumayo.

Mabilis naming narating ang school, hindi ko alam kung mabilis nga ba o sadyang masyado lang napalalim yung pagiisip ko kasi di ko talaga namalayang nandito na kami.

Bumaba sabay kaming bumaba ng kotse at ang energetic na si Luisa sinalubong kami. "Hi, ladies pwede ba kong sumabay?" She asked playfully.

"Energetic mo ah." Majah said chuckling.

"Well, sabihin nalang natin na nagkaroon kami ng not so called date ni Justin kagabi." Oh wow! That serious in life Justin na classmate ni Majah?

"Justin you mean, classmate ko?" Majah asked, shockingly. She nods saying siya-nga.

"Bakit not so called date?" I asked confused.

"Well, kasi for him daw hindi yun date."

"I'm confused... so, he labeled it as not a date. Bakit parang ang saya mo pa?"

"Well for me it's a date."

"Why?" Majah asked confused.

"Because he kissed me!"

"Oh my GOD!" Both me and Majah said.

She laughed hard. "I knew it ganyan ang magiging reaksyon nyo."

"Unbelievable, that serious in life Justin?" Majah said, she's still surprised.

"Ginayuma mo nu?" I joke. Hinampas niya 'ko ng mahina sa braso.

"Grabe ka! Hindi ba pwedeng na akit lang?" We all laughed. Pero napahinto kami sa pag tawa ng may lumapit sa'ming babae, siya yung babaeng kasama lagi ni Damon noong pinalayo ko siya sakin. Ano ulit pangalan nito? Nabangit na niya yun eh.. di ko lang maalala.

"Hi, ikaw si Amber diba?" She asked, nicely. I just nodded my head.

"Ako nga pala si Lexi." Pagpapakilala niya.

"Okay Lexi, may kailangan ka ba?" I nicely asked. I hope hindi 'to tungkol kay Damon.

"I was just wanted to ask kung, nag di-date ba kayo ni Damon?" Kakasabi ko lang na wag sana tungkol kay Damon eh. Tinanong naman niya agad.

"Why are you asking?" Mataray na tanong ni Luisa.

"Luisa kalma!" Majah said.

"Ano lang kasi.. uh.. i like Damon." Diyos ko lord! Ano bang dapat sabihin ko dun? Dapat ko bang sabihin sa kanya na gusto ko din si Damon and we kiss most of the time na magkasama kami, in a very rude way? Or just nicely shut my mouth?

"Damon and i.. we're not dating!" I said coz it's true. Isa pa yung tanong lang naman niya kung nag di-date kami.

"Okay, thanks.. that's all i want to know." She said and walked away.

"Aba't bruhang yun!" Luisa said, irritatingly.

"Bakit di mo sinabing gusto mo din si Damon?" Maj asked.

"Di naman niya tinanong, ang tanong niya kung nagdidate kami."

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon