Nagising akong ang higpit ng yakap sakin ng boyfriend ko. Ang sarap pa din ng tulog niya marahil sa puyat, late na kasing nag siuwian yung mga biglaang bisita niya kahapon. At yung pustahan namin, hindi natuloy dahil marami na kaming kainuman.
Pasimple kong inabot sa side table ni Damon ang cellphone ko nang hindi siya nagigising at tinignan ang oras, maaga pa naman para sa school. Ibinalik ko nalang ito ulit sa side table dahil plano kong umidlip pa ng kunti, pero bigla kong narinig na may nag text sa cellphone ni Damon. Tumingin ako sakanya kung napansin ba niya yun pero hindi kaya kinuha ko yung cellphone ni Damon at tinignan kung sino yung nag text.
Oo na, alam ko cellphone niya to at di ko dapat pakialamanan pero titignan ko lang naman kung sino yung nag text hindi ko naman babasahin.
Napataas kilay ako nang makita kong si Kelly yung nagtext sakanya. Yung totoo, tempted na kong basahin yung text lalo na't galing yun sa ex niya, but still i respect his privacy. Ibinalik ko nalang din yung cellphone niya sa side table at pinagmasdan siya.
Anong kailangan ni Kelly at nag tetext pa siya kay Damon? Okay.. ayokong mag over think, mag ex nalang sila at mukhang kahit playgirl si Kelly di naman siya yung tipong binalikan yung ex.
I mean.. akin na si Damon wala ng bawian!
Haay! Di na ko makakaidlip nito. Hinalikan ko si Damon sa labi para gisingin, he opens his eyes and smiled at me.
"Good morning." I greeted.
"Good morning." He greeted back. Bumangon ako na kama at itinali yung buhok ko, tsaka lumabas ng kwarto para dumiretso ng kusina para uminum ng tubig.
Nang makainum ako bumalik din naman agad ako sa kwarto para mag lambing sa boyfriend ko na ipagluto ako, tapos na birthday niya kaya ako naman magpapalambing.
Pag pasok ko ng kwarto i saw him sitting seriously on his bed handling his cellphone, nang makita niya ko inilapag niya yung cellphone niya sa side table at nag lakad papalapit sakin at inilagay ang mga kamay sa bewang ko.
"May problema ba? May nag text ba sayo?" Tanong ko kahit naman alam ko ng meron.
"Wala, tinignan ko lang kung anong oras." He forced a smile. Ay, ano to? Kailangan mag sinungaling? Ano bang tinext sakanya ni Kelly at kailangan pa niyang mag sinungaling sakin?
"Pancakes gusto mo?" Pagbabago niya ng topic. Tumango na lang ako sakanya, at di pinahalata yung inis kong pinipigilan kong ilabas dahil sa pagsisinungaling niya.
Hinalikan niya ko ng mabilis sa labi tsaka lumabas na ng kwarto niya.
Siguro naman may dahilan kung bakit siya nag lihim, wala lang siguro yun. Kaya ayaw kong mag over think dahil away lang kalalabasan nun. Pero sana nga wala lang yun.
Inayos ko nalang yung kama niya at dun nag focus para iwas isip. Nang matapos ako, kinuha ko yung towel niya at pumunta sa bathroom para mag makapag shower na muna.
Lumabas ako ng bathroom ng matapos akong mag shower at kumuha na ko ng masusuot pang pasok, pants and white T-shirt, keri na. Nag bibihis na ko nang biglang pumasok si Damon ng kwarto.
"Kain na tayo baby." He said.
"Okay, sunod ako." I said without looking at him.
"Maaga pa bakit nag shower ka na?" Tanong niya.
"Para hindi na tayo mag unahan sa shower."
"Pwede naman tayo mag sabay."
"Damon alam kong may nangyari na satin at nakita mo na lahat sakin pero di naman ibig sabihin nun na pwede na natin gawin yun." Hindi ko na naialis ang irita sa boses ko.
"May problema ba? Bakit parang bad mood ka?"
"Wala!" I lied.
I heard him sighed. "Alam kong pag sinasabi mong wala, meron talaga."
I look at him trying to hide my annoyed. "Hindi lang maganda gising ko or pwedeng malapit na kong magkaroon kaya ganito."
"Ganun ba.." Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Nakaka kaba pala pag magkakaroon ka na, nag susungit ka bigla." He tries to jokes pero di ako natuwa.
"Sige na, hayaan mo muna akong mag bihis susunod nalang ako."
Bumitaw siya sa yakap at hinalikan ako sa pisnge. "Okay." Pinagmasdan ko lang siyang maglakad papunta sa pinto at bago siya lumabas kumindat muna siya sakin.
Shocks! Ano ba tong kinikilos ko? Mukha naman wala lang talaga yun base sa kilos niya kaya bakit ba ganito ako mag react? Parang nilihim niya lang naman na nag text sakanya si Kelly eh. Baka alam niyang ganito ng magiging reaction ko pag sinabi niyang nag text sakanya si Kelly.
Haay! Pambihira, Amber umayos ka nga! I scolded myself.
Nang matapos akong nag asikaso sa pag pasok, pumunta na ko sa dining at nakita ko dun si Damon na nakaupo lang at hinihintay ako. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Sorry kanina." I apologized.
"Sorry para saan?"
"Nagtaray ako."
"Ayos lang, naintindihan kong may topak talaga kayong mga babae." He said making me smile. "Ahhh.. finally, ngumiti ka."
Bigla akong na conscious. "Kumain na nga lang tayo."
He chuckled and kiss my cheek. "I love you, topak."
"I love you too."
---
Last Update.. Birthday ko, pagbigyan. 😄😄
Keep voting babies.
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...