Sixty One

402K 11.4K 369
                                    

Nagising akong naramdaman ko ang yakap ni Damon sakin. Nakatanday pa siya sakin kulang nalang siya na ang maging kumot ko para mapawi ang lamig ko. Hinaplos ko siya sa pisnge niya para gisingin at naramdaman ko yung init niya. Shit! Mukhang nilalagnat siya.

"Baby.." Pag gising ko sakanya.

"Mmm.." He hummed.

"Mainit ka, kukuha lang ako ng gamot."

"Noo.. stay."

"Sandali lang to, baka tumaas pa yang lagnat mo pag di ka uminum ng gamot." Tinangal ko muna yung pagkakatanday niya sakin at pagkakayakap tsaka dali daling bumangon sa kama.

Sinuot ko muna yung T-shirt niya dahil underwear lang naman ang suot ko mula sa making love namin kahapon. Dali dali akong lumabas ng kwarto at nakasalubong ko si Maj. na halatang nabigla sa nakitang suot ko.

"Seriously Amber? Pinapaalam mo talaga sakin na may ginawa kayo kagabi." She sarcastically said.

"Uh.. sorry, alam mo ba kung nasaan yung mga gamot natin? Nilalagnat kasi si Damon eh."

"Sa drawer sa sala, and i advice pakainin mo muna siya at.. mag bihis ka, utang na loob."

I chuckled. "Okay, sorry. Nawala na kasi sa isip ko eh." She just rolled her eyes. Bumalik na muna ako sa kwarto ko para mag bihis ng matino, para hindi mainis ang kaibigan kong feeling virgin. Haha!

Damon is still sleeping or resting, maybe. Lumapit ako sakanya at hinalikan ko noo niya. "Sa kusina lang muna ko baby, susubukan kong mag luto para sayo para makainum ka ng gamot."

He opens his eyes and look at me. "Magluluto ka ulit?" He asked amused.

I roll my eyes. "It's for you, why not? Stay here okay, dadalhin ko nalang dito yung maluluto ko."

"Okay." Kinuha ko lang muna yung cellphone ko sa drawer at hinalikan ng mabilis sa labi si Damon tsaka tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Habang naglalakad papunta sa sala dinaial ko yung number ni Mama.. plano ko kasing itanong kung paano lutuin yung chicken soup na niluluto niya para sakin noon pag nagkakasakit ako.

"Hello, sweetheart?" She finally answered it.

"Mom, i need your help. Paano po lutuin yung chicken soup? May sakit kasi si Damon eh." Sabi ko habang naglalakad papunta sa kusina kung saan naabutan ko si Maj na nag kakape.

She told me the process..

"Thank you Mom, i love you."

"I love you too, sweetheart. Kamustahin mo nalang ako kay Damon, okay?"

"Opo." I ended the call.

Sinimulan ko na ang pag luluto habang si Maj nanunuod lang sakin at binibigyan din naman ako ng mga kunting advice sa pagluluto.

Nang finally matapos ako sa pag luluto ko, dinala ko na ito kay Damon kasama yung gamot. Pag pasok ko ng kwarto ko tulog pa din si Damon. Inilapag ko muna yung sa side table yung soup para gisingin muna siya.

Umupo ako sa kama at hinalikan siya sa pisnge. "Baby, handa na yung soup, kumain ka na." Minulat niya yung mga mata niya at umupo mula sa pagkakahiga, tinignan niya sa side table yung niluto ko at bahagyang ngumiti.

"Ikaw nagluto niyan?"

"Bakit parang nabibigla ka pa? Pag nag aral akong mag luto matatalo na kita."

He laughed softly. "Sabi mo eh." Kinuha ko na yung soup, at sinusubuan siya sa pagkain hanggang sa maubos niya yung soup. Di na ko humingi ng comment kasi baka di naman niya nalalasahan yung kinakain niya. And since.. tapos ko siyang pakainin gamot naman ang inabot ko sakanya at tubig.

"Thank you sa pagaalaga baby." He said after niyang inumin yung gamot.

"Welcome." Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito.

"Baby.." He called.

"Hmmm?"

"Marry me."

I raised my right eyebrow, amused. May sakit nga siya kung ano ano ng nasasabi niya. Hinaplos ko siya sa noo. "Nag hahallucinate ka ba, baby?" I joke.

"Baby, im serious."

"Oh!" I sounded surprised, i look at his his eyes, he's staring seriously at my eyes. "Uh.." I don't know what to say. "Baby, siguro tsaka na natin pag usapan yan pag wala ka ng sakit." Baka dahil may sakit lang siya kaya kung ano ano nang nababangit niya.

"Okay."

I kiss his cheek. "Magpahinga ka na."

"Tabihan mo ko."

I chuckled. "Okay."

Humiga na ulit kami at kung anong posisyon namin kanina ay ganun din ulit ngayon, trip na trip niya atang nakatanday sakin ngayon.

Ipinikit niya ulit ang mga mata niya para makapag pahinga na siguro ulit.

Ako naman pinag masdan lang siya, napaka gwapo niya talaga. Hindi ako makapaniwalang nainlove sakin tong ugok na to, ano kayang nakita niya sakin eh hindi naman ako maganda. Siguradong sesermunan niya ko pag nalaman niyang iniisip ko na namang hindi ako maganda.

Hmmm.. totoo nga kayang seryoso siya sa Marry Me thing na yun? Now that i think about it more.. Wow! Just wow!

Ibig sabihin nun, ganun niya ko kamahal to think na tinanong na niya ko nun. Ha! Ngayon lang ata ako tatamaan ng kilig sa Marry me words na yun ah.

--

Two Chapters for all of you, for making it on 100K reads. 😍

Keep voting.

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon