Eighteen.

587K 10.4K 373
                                    

Ring sa cellphone ko ang gumising sa'kin, kinapa ko yun mula sa side table ko at sinagot. "Hello?" My eyes are still closed.

"Wake up baby." Boses yun ng kagigising lang na si Damon. Tinutoo niya yung sinabi niyang gigisingin niya 'ko ah. Kaya lang sobrang aga naman ata.

"Ang aga pa, Damon."

"Mmmm?" Mukhang inaantok pa siya.

"Just go back to sleep, and ako din."

"Mmmm.." i grin at his respond.

"See you at school and thank you for waking me up."

"Mmm." Yan palang ata ang kaya niyang sabihin, kaya para makatulog na siya ibinaba ko na yung tawag niya.

Ibinalik ko yung cellphone at ipinikit na muli yung nga mata ko kaya lang parang yung diwa ko hindi na makatulog. Haay! Feeling ko aantukin ako nito mamaya sa classroom, paano naman kasi late na nga niya 'ko hinatid kagabi pag kagaling namin ng unit niya, ang aga pa niya 'ko ginising.

Tingin ko mga fifteen minutes lang ata ang nakakalipas when Majah wakes me up, but she's too late dahil gising na ko. So.. di naman pala ganung kaaga ang pag gising ni Damon, sakto lang.

"Aga mo ah!" She said, surprised.

"Ginising ako ni Damon."

"So he's not just a decorative player, useful din pala."

I chuckled. "Decorative?" I asked amused.

"Yah, very." She said nodding, smiling. "Mag shower ka na!" She throws me a pillow.

"Oo na po!" Lumabas na siya ng kwarto ko ako naman nag stay pa sandali sa kama ko, pero tumayo din naman agad ako kasi baka bumalik pa si Majah at talakan pa 'ko.

Kinuha ko lang yung towel ko tsaka dumiretso lumabas ng kwarto para makapag shower na sa bathroom.

Kung di lang malamig siguro matagal pa 'ko sa pag shashower kaya lang sobrang lamig talaga kaya ang bilis kong natapos.

Nag bihis at nag asikaso lang ako ng sarili ko nang nanginginig pa, ang lamig talaga ngayon. Lumabas ako ng kwarto ko at nag stay lang muna sa sala habang nakikinig ng music sa IPod ko. Now playing.. How many drinks by Miguel.

Then bigla akong may narinig na kumatok mula sa labas ng Apartment. Laking pagtataka ko dahil ang aga aga may bisita na agad kami.

Tinangal ko ang isang earphone sa tenga ko tsaka pinag buksan ko yung kumatok at mas laking bigla na ang dumating ay si Damon.

"A'anong ginagawa mo dito ng ganitong kaaga?"

"Maaga akong nagising.. at sinusulit ko ang mga oras na may pasok pa dahil pag bakasyon na, matagal bago kita ulit makita." Nasa utak padin pala niya yung about sa bakasyon.

"Gusto kong i-offer na pumasok ka kaya lang, i don't know kung tapos ng mag shower si Maj."

"I understand, ikaw lang ang gusto kong makita na nakatapis." I grin at him. Ang aga aga ang pilyo na naman ng mga sinasabi niya.

"I'll stay at my car, sa'kin ka na sumabay.. okay?" He added.

"Okay, kakausapin ko lang si Maj." He nods and kissed my forehand. Hinintay ko muna siyang makalayo bago ko sinarado yung pinto. Inilagay ko lang sa bag ko yung IPod tska kumatok sa pinto ng kwarto ni Maj kung tapos na siyang maligo at ilang sandali lang din naman pinagbuksan niya 'ko ng pinto. "Sinundo ako ni Damon, okay lang bang sumasabay ako sa kanya?" Tanong ko.

"Aba't, una ginising ka niya, pangalawa sinundo ka. May sakit ba yang playboy mo?"

"Sinusulit niya lang daw na may klase pa kasi pag bakasyon matagal bago kami magkakasama ulit, alam mo naman uuwi tayo ng Batangas."

"Hmmm.. kung sabagay, alam mo nawala na sa isip ko yang pag uwi natin."

"Pareho tayo, dati excited akong laging umuwi. Ngayon hindi na."

"Dahil sa kanya?" She asked smirking, teasingly. I nodded. "Sige na puntahan mo na si Damon at baka naiinip na yun."

"Okay, see you at school." I kissed her cheek tsaka tuluyang lumabas ng Apartment. Nakita ko si Damon na nakasandal lang sa kotse niya, tumingin siya sa direksyon ko nang makita ako.

"Kain na muna tayo?" Tanong niya nang makalapit ako.

"Uh.. actually hindi ako kumakain ng breakfast kasi sumasakit yung tyan ko kapag kumakain ng kanin."

"Kahit tinapay or coffee lang?"

"Bread is fine."

"Okay, let's eat bread." Hinawakan niya yung kamay ko at nag paka gentleman kasi pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse.

Gutom siguro siya kaya nag yayang kumain.

Sumakay na siya ng driver's seat at pagka start na pagka start niya ng engine, nagpatugtog ako ng music.. na ang bigla namang tumugtog ay, Body Party ni Ciara.

Aba't totoo pala yung sinabi niyang favorite na niya 'to?

"Lagi mo ba 'tong pinapakingan?" Tanong ko.

"Yup!"

I giggle. "Para ka talagang sira."

Nagpatuloy na kami sa pagba-byahe. Hanggang sa finally nakarating din naman kami agad sa isang Cafe. Magkahawak kamay kaming pumasok sa Cafe tsaka siya nag order for us.

Hindi ko mapigilang mapa buntong hininga habang hinihintay yung inorder namin, heto na inaatake na ko ng antok dahil bitin sa tulog.

"Feeling sleepy, baby?" Damon asked chuckling. I nodded my head.

"Mmm.." i hummed.

Dumating na yung order namin, Damon ordered a big ensaimada and coffee for two. Napapatitig ako sa tinapay dahil talaga namang katakamtakam. I slice it in two and started to eat the half of it. Yum!

Bigla may umupo sa same table kung nasaan kami na dahilan para mapahinto kami sa pagkain. I saw a short hair girl, giving us a maldita look. "Kita mo nga naman oh! Kakahiwalay lang natin may niloloko ka na agad na iba?" That girl says to Damon. What the hell is going on?

"Wala ako sa mood, tigilan mo 'ko." Kalmado pero nandun ang inis sa boses ni Damon.

Tumingin sa'kin yung babae, yung tingin niya parang sinasabing anong-meron-tong-babaeng-to. "Matagal na kayo?" Tanong nito sa'kin.

"Hindi kami ni Damon."

"Oh! Good for you kasi for sure pag nakahanap siya ng mas maganda sa'yo, bigla ka nalang niya iiwan. Kasi ginawa niya yun sa'kin."

"Masisi mo ba ko?" Pabalang na sabi ni Damon at sinamaan ng tingin yung babae. "You're nothing but a desperate girl." Damon added.

"Ang lakas ng loob mong sabihin yan!"

"Nasasaktan ka sa katotohanan? Kaya lang naman naging tayo dahil kinulit mo 'ko."

"Kung magsalita ka parang hindi mo rin naman in-enjoy tong katawan ko!" Fuck!! Ayokong marinig tong usapan na 'to!

"Ni wala nga kong nahawakan sa'yo." She slapped him.

"How dare you, ilang araw palang nung nag hiwalay tayo at sariwa pa sa'kin yung ginawa natin-"

"Tama na!" I yelled, standing, interrupting their shitty conversation. Napatingin sa'kin si Damon na tila kinahabahan sa reaksyon ko. "Nakakadiri kayo!"

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon