"Baby.. are you naked?" Damon said as he enter my room. Yan nalang lagi niyang binabangit ngayon pag papasok siya dito ng kwarto ko. Masaya naman akong balik na siya sa pagiging pilyo at hindi ang dramatic Damon, kaya lang talaga minsan ang sarap niyang batukan.
"You're late, im fully dressed up."
"Urgh! Aagahan ko bukas." He makes a fake disappointingly face.
"Wala ka na ngang sakit, puro kamanyakan na naman lumalabas sa bibig mo eh." Parang nung nakaraang araw lang ang hina hina niya.
Lumapit siya sakin at niyakap ako mula sa likod ko. "Ang galing kasi nung nurse ko eh." He said then kisses my shoulder, not breaking our eye contact in the mirror.
I bite my lower lip, bigla ko kasing naisip yung uh.. Marry me words niya. Kailan kaya ulit namin pag uusapan yun? Ayoko namang iopen yung topic na yun kasi baka isipin niya excited ako.
"Gusto mo bang halikan ko labi mo kaya kagat kagat mo yan?" He asked teasingly.
Napabitaw agad ako. "Hindi nu." Humarap ako sakanya at tinulak siya ng mahina. "Hayaan mo nga muna akong matapos dito sa pagaasikaso sa pagpasok, umupo ka muna sa kama." Utos ko.
He pouts. "Di ka na malambing."
Hinampas ko siya sa braso niya. "Pinapaupo lang kita di na agad malambing, tumigil ka nga dyan!"
Humarap nalang ulit ako sa salamin at pinagpatuloy ang ma'make up ko habang yung boyfriend ko nakatitig sakin habang nakaupo, kita ko yun mula sa reflection sa salamin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang kasi hindi ko mabasa yung mukha niya o kung ano mang iniisip niya.
Teka! baka nga mamaya niyan iniisip niyang di na nga ako malambing. Hmm.. papatikimin ko na nga to ng tadtad na halik.
Humarap ako sakanya at umupo sa kandungan niya tsaka hinawakan ang magkabilang pisnge niya at tinadtad ko na siya ng halik sa labi. Hindi ko siya tinigilan sa pagtadtad ng halik hanggang sa mapahiga siya sa kama, this time nilaliman ko na yung pag halik sakanya. I enter my tongue to his mouth, circling sensuously making him moan softly. Okay.. enough na sakin yun! Hihi.
I break the kiss. "Satisfied?" I asked smirking, teasingly.
He smirks back, chuckling a little. "No!"
"Wha-" i didn't finished my word kasi this time siya ang pumaibabaw sakin at hinalikan ako sa leeg. "Teka baby, may pasok pa tayo!" Pagpapalala ko.
"You started it baby, no stopping!"
"But-" i didn't finished my words again because he kissed me. Damn it! I hold his both cheeks to stop him from kissing me. "Malalate tayo sa klase, mamaya na to."
"No!" Hinawakan niya yung mga kamay ko at isinandal ito sa kama tsaka hinalikan ulit ako. Ibinaba niya ang halik sa jaw ko kaya nagkaroon ulit ako ng chance na makapag salita.
"Baby, pag di ka huminto wala kang kiss ng isang linggo!" I warned.
Dali dali siyang tumayo na halatang natakot sa sinabi ko kaya di ko maiwasang matawa. "May panakot ka na sakin ah." He said making me laugh more, hard.
"Tama ka."
He grins down at me, helping me to stand. "Mabuti pa umalis na tayo, baka di ko na talaga mapigilan at ihiga kita ulit sa kama mo."
"Okay." Pinunasan ko gamit ang thumb ko yung labi niya kasi naman naiwanan siya ng lipstick dahil sa paghalik ko and I'm still laughing.
Lumabas na kaming dalawa sa kwarto ko bitbit niya yung bag ko, at nagtuloy tuloy kami sa pag lalakad palabas ng Apartment hanggang sa kotse niya. Kagat kagat ko lang yung labi ko kasi naman, until now natatawa pa din ako pero syempre ayoko namang isipin ng iba na nababaliw ako kaya pinipigilan ko.
Pinagbuksan niya ko ng pinto sa passenger seat. "Ang obvious mong nagpipigil ka ng tawa ah." Pagaangal niya. Pasenya, masaya lang dahil finally balik na ulit siya sa dati.
"Sorry, Sorry." I bite my lower lip again. Pumunta na siya sa driver seat tsaka naman namin sinimulang bumyahe.
Nang finally makarating kami ng school, hinatid ulit ako ni Damon hanggang classroom ko.
Hinalikan niya lang ako ng mabilis sa labi tsaka umalis. Pumasok na ko sa classroom at umupo sa upuan ko, wala pa si Luisa kaya tahimik pa ko.
Di rin naman nag tagal at dumating din si Luisa kaya lang nakasimangot siya.
"Anyare girl?" I asked as she sits.
"Justin and i fought."
"Oh! Don't worry sandali lang yan, susunod niyan lambingan na ulit."
"Base on experience ba yan?" She asked chuckling.
"Yah, im already expert." We both laughed. Huminto lang kami sa pag tawa nang dumating ang prof. namin.
Nang matapos ang lahat ng klase namin..
Dumiretso na kami ni Luisa ng canteen para makasama ag boyfriend namin, pero nasa kalagitnaan palang kami ng paglalakad lumapit samin si Kelly."Amber, pwede ba tayong mag usap?" She asked nicely.
"Uh.. yah, sure." Tumingin ako kay Luisa. "Mauna ka na sa canteen."
"Okay." Pinagmasdan lang muna naming umalis si Luisa tsaka kami tumingin sa isat isa.
"Okay lang bang sa open space tayo?" Tanong niya.
"Oo sige." Pagkasabi ko nun, sinimulan na namin ang maglakad. Ano kayang pag uusapan namin? Baka tungkol to dun sa naging problema ni Damon noong mga nakaraang araw.
Nang makarating kami ng open space, umupo kami sa iisang bench at sa totoo lang nakakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin tapos tahimik pa kami. Akala ko ba maguusap kami?
"Sorry nga pala kung binigyan kayo ng kunting problema tungkol sa mga kabaliwang desisyong ginawa ko noon, alam mo na siguro kung ano yun." She finally speaks. I knew it, tungkol nga to dun.
"Ayos lang."
"Anong naisip mo tungkol dun?"
"Uh.. honestly, naisip kong ang sama mo."
She chuckled. "Ganyan din ang inisip ko sa sarili ko. I was too immature to have a baby, kaya nung nalaman kong buntis ako nagalit ako kay Damon at sa sobrang galit ko hinawalayan ko siya.. and because of immaturity, alam mo na kung anong nangyari." Kita sa mga mata niya ang lungkot or maybe.. pagsisisi.
"Bakit hindi mo sinabi kay Damon noon?"
"Inisip ko kung ako nga nag freak out nung malaman ko siya pa kaya? Kaya naisip kong wag nalang ipaalam sakanya. Pero mali pala ako, nagalit siya sakin at halos isumpa ako sa ginawa ko noong sinabi ko sakanya. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit."
"Nasabi niya lang siguro yun dahil sa galit and for sure naman may natutunan ka na sa pag kakamaling yun."
"Yah, i learned to use condom." Oh Gosh!
She laughed at my reaction. "I'm sorry, ang seryoso kasi ng pinaguusapan natin eh."
"Ayos lang."
"Well hindi naman kita kinausap dahil sa nakaraan namin ni Damon, i just want to give you an assurance na wala akong planong guluhin kayo ni Damon, naisip ko lang talaga na kailangan na talagang malaman niya ang tungkol sa baby and kahit ano naman atang kembot ko waley effect because he's so crazy about you."
"Uh.. y'you think so?"
"Yah, nung nag mumokmok siya about sa sinabi ko at nagpapakalasing.. ikaw lang ang bukang bibig niya. You really change him from a playboy to a.. lover boy."
I chuckled. "Malay mo may mahanap ka ding makakapagpabago sayo."
She makes a disgusted face. "Eeww! Super eeww!" She said making me laughed. She stands, offering her hand. "So, are we still good?" She asked smiling.
I chuckled. "Yah." Inabot ko yun at nakipag shake hands.
--
😭😭 Two chapters left.
Pero ayos lang, we made it on rank number 7.. the last time i checked, thanks babies. 😍Keep on voting. ☆
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...