Fifty Eight

377K 7.4K 480
                                    

Nagising akong mula sa pagkakatulog at maliban sa una agad na pumasok sa isip ko ay si Damon, lagi nalang. May bago ba dun? Siya naman oras oras, minu-minutong pumapasok lagi sa utak ko eh.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at kinuha yung cellphone ko sa side table nag babaka sakaling may text mula sa boyfriend ko, and sa wakas meron na..

** Sorry. **

Nice text, i want to throw my phone with irritation. Hindi ko alam kung anong gusto ko ba talagang ma received na text sakanya pero isa lang ang sigurado, hindi lang sorry yun. Maybe an explanation, about what the hell is happening with him?

Itinago ko nalang sa drawer ko yung cellphone since wala rin namang silbi yun, gustuhin ko mang magmukmok sa kama ko at mainis lang ng mainis kay Damon di naman pwede dahil may morning classes ako ngayon, dagdag panira ng araw.

Bumangon na ko ng kama ko at dumiretso na ng bathroom para makaligo na. Nang matapos naman ako dali dali akong bumalik sa kwarto ko para makapag bihis na.

Sinuot ko ang black v-neck shape T-shirt ko, pantalon at rubber shoes. Make up kunti tapos gora na.

Nakasalubong ko pa si Maj sa sala na halatang kakagising lang. "Wala ka paring sundo?" Tanong niya.

"Oo." Matipid kong sagot. Bumeso lang ako sakanya bilang pagpapaalam at nag madaling lumabas ng Apartment. Sumakay ako sa kotse ko, pinaandar ang makina tsaka sinimulan ang byahe papunta sa school.

Sa tansya ko.. malalate ako.

Nasa kalagitnaan na ko ng byahe ng magloko ang makina ng kotse ko. Ang saya talaga nito, ang galing talaga tumayming nang pangiinis ng panahon sakin.

Bumaba ako kotse at tinignan ko yung makina at mas lalong kinainis ko ang makitang umuusok ang makina. Haay! Nakakainis wala pa naman akong alam pag dating sa makina ng kotse.

Kinuha ko yung bag ko sa loob ng kotse para kunin yung cellphone ko para tawagan si Maj at humingi ng kunting tulong pero bigla kong naalala na iniwan ko pala sa drawer ko yung cellphone.

Paano na ngayon?

Tinignan ko ulit yung makina ng kotse at kahit wala namang mangyayari kung titignan ko lang to.

"Amber?" I heard a man voice. Nilingon ko yung lalakeng tumawag sakin at di ko maiwasang mabigla nang makita ko ang matagal ko ng hindi nakikita na si Sam.

"I knew it, it was you." He said smiling, widely.

"S'Sam, ikaw pala, what are you doing here?" I asked.

"Well, i was driving and i saw a very familiar beautiful girl, so i decided to stop and say Hi." Tumingin siya sa direksyon ng kotse ko at naglakad pa ng mas malapit para tignan yung makina ng kotse.

"Nasiraan ka?" He asked.

"Yah." Matipid kong sagot.

"Uh.. meron akong kakilalang mekaniko, pwede ko siyang papuntahin dito at ipatow yung kotse mo at dalhin sa shop niya kung gusto mo."

I sighed in relief. "Yan na ata ang pinaka magandang narinig ko ngayong araw."

He laughed. "Hindi ba maganda araw mo ngayon?"

"Ganun na nga, may klase ako ngayon at super late na ko."

"Okay, sige tatawagan ko na yung kaibigan ko para mag madaling pumunta dito. But at this rush hour baka matagalan sila."

"Ayos lang, ang importante maalis tong kotse ko dito at maayos."

Kinuha lang niya muna yung cellphone niya sa bulsa niya para siguro tawagan na niya yung kaibigan niya.

"Mark it's Sam, nasa shop ka na ba?.. may kaibigan kasi akong nasiraan sa kalsada baka pwede mong puntahan dito.. Oo, okay.. salamat." He ended the call. "Papunta na daw sila."

"Salamat."

"Anything for you." He said staring me in the eyes. Nakakailang naman yung mga tingin niya sakin. "Kamusta ka na pala?" Tanong niya.

"Magsisinungaling ako pag sinabi kong okay ako, pero physically im okay."

"Ayos lang bang itanong kung bakit di ka nag rereply sa mga text ko?"

"Uh.. honestly kasi.. may boyfriend na ko." Nakakabwiset nga lang siya ngayon. Gusto ko sanang idagdag yun kaso di ko na tinuloy.

"Siya ba yung nakipag agawan sayo sakin noon sa dance floor?"

"Oo."

"Siya ba ang dahilan kung bakit malungkot ang mga mata mo?"

I bite my lower lip. "Ganun na ba ka obvious?"

"Oo." He said nodding. Nakakainis na pati ibang tao nakikita na yung lungkot ko. "Ang swerte niya sayo." He said making me look at him.

"Paano mo naman nasabi yun?"

"Kasi mahal mo siya, simple as that."

"Ikaw wala ka bang dinidate ngayon?" Pagbabago ko ng topic, ayokong pag usapan sa ngayon ang lovelife ko.

"Wala eh."

I raised my right eyebrow teasingly. "Really, bakit naman?"

"Walang matipuhan eh."

"Baka choosy ka lang." I joke.

He laughed. "Hindi naman, wala lang talagang mahanap. Actually nahanap ko na siya may boyfriend nga lang siya." Ako ba yun o iba? Ayokong mag assume eh.

Bigla siyang tumawa ng malakas kaya di ko maiwasang mag taka. "Napaisip ka nu?" He said laughing. Is he teasing me?

"Hindi nu."

"Sabi mo eh." He's still laughing kaya di ko maiwasang mapangiti.

--

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon