Fifty Six

348K 8.5K 144
                                    

Nagising ako na ang una agad na pumasok sa isip ko ay ang boyfriend ko, kaya kinuha ko agad yung cellphone ko sa side table para batiin siya, pero naunahan na niya ko sa pag text.

** Hindi kita mahahatid sa school ngayon, sorry. ** He texted. Good morning too! (Sarcastic way) wala manlang kasing good morning baby, hindi kita mahahatid i love you. Oh kaya kahit yung may baby lang ayos na, kaso wala eh.

** K. ** I replied. Kakapanginit ng ulo eh.

Bumangon nalang ako sa kama at lumabas ng kwarto ko para uminum ng tubig at nakita ko ang lovers sa kusina. Siguro dito natulog si Mario kaya ang aga niya dito, pag nalaman ng parents namin na nilalabag na namin ang nag iisang rule dito sa Apartment siguradong lagot kami.

"Good morning." Maj greeted me.

"Morning." Walang gana kong sabi. Nag patuloy lang ako sa paglalakad papunta sa ref para kumuha ng tubig.

"Ang aga aga, pero nakasimangot ka na." Maj said.

"Wala lang ako sa mood ngayon." Sagot ko sabay inum ng tubig. Tumingin ako kay Mario na nakatitig lang kay Maj. Alam kaya niya kung anong problema ni Damon?

"Mar, may nabangit ba si Damon sayong problema?" Tanong ko na dahilan para mapatingin siya sakin.

"Wala naman, bakit?"

"Para kasing may problema siya eh, na until ngayon iniisip pa din niya."

"Bakit hindi ba niya sinasabi sayo kung anong problema niya?" Maj asked, i just nodded my head to her. "Bigyan mo lang ng time, mag kukwento din yun." She added.

"Sana nga." Dati naman lahat ng tanong ko sinasagot niya kahit na minsan alam kong hindi ko magugustuhan yung isasagot niya, pero ngayon wala talaga siyang sinasabi.

Kung sabagay hindi naman problema ang tanong ko sakanya dati kundi mga nakaraan niya. Ang tanong problema nga ba yun kaya di niya masabi or- No, wait ayoko ng negative thought.. ekis na yun.

Bumalik nalang ako ng kwarto ko para di maistorbo yung dalawa. Umupo nalang ulit ako sa kama at tinignan ulit yung cellphone ko baka sakaling may text mula kay Damon pero wala.

Haay! Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama at tumingin sa kisame ko. Wala akong ibang naiisip kundi si Damon at kung anong gumugulo sa isip niya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag stay na nakahiga sa kama ko hanggang sa oras na ng pagasikaso ko sa pag pasok. Gusto ko ng iwasan ang mag isip kasi wala naman akong mapapala kung mag iisip ako kasi wala din namang sasagot.

Natapos ako sa pag aasikaso at lumabas na ko kwarto bitbit ang gamit ko ng makasabay ko sila Maj.

"Wala kang sundo?" Tanong niya.

"Wala eh." Sagot ko. Bumeso lang ako sakanya at nauna ng lumabas ng Apartment at dumiretso sa kotse ko.

Pag kasakay ko ng driver seat kinuha ko lang yung cellphone at susi ng kotse tsaka nilapag yung bag sa passenger seat. Inistart ko muna yung makina, tsaka planong painitin muna yung makina at habang mag hihintay tinext ko na muna si Damon.

** Papasok na ko, ikaw? **

I waited for his reply, hanggang sa abutin na ata ng limang minuto still wala padin. Langya, nakakainis na talaga!

Narinig kong may kumatok mula sa binatana ng kotse ko at nakita ko si Maj. Ibinaba ko yung bintana.. "Bakit di ka pa umaalis?" Tanong niya.

"Pinapainit ko lang yung makina."

"Okay sige, mauna na kami." Tumango lang ako sakanya. Tumingin ulit ako sa cellphone ko at dinial ang number ni Damon at ngayon alam ko na kung bakit hindi siya nag rereply yun ay dahil naka off yung cellphone niya.

Inilapag ko nalang sa inis sa ibabaw ng bag ko yung cellphone at sinimulan na ang mag maneho.

Disidido na kong tanungin siya kung anong problema niya at pag di niya sinabi kung ano talagang gumugulo sa utak niya, mag kakaroon ng war.

Nakarating ako ng parking sa school at ang una ko agad na hinanap yung kotse ni Damon, pero hindi ko yun nakita. Dalawa lang yun, either wala pa siya or hindi siya papasok.

Dumiretso nalang ako ng classroom ko at kunti palang kaming magkakaklase.

Umupo ako sa upuan ko nang nakakunot ang noo. Maliban sa nagaalala ako para sa boyfriend ko kung nasaan na, na papraning na ko sa di niya pagpaparamdam.

Ilang sandali lang at dumating na si Luisa at napataas kilay siya ng makita ako. "Alam mo kung di kita kilala iisipin kong mataray ka." She said.

"Nagaalala kasi ako kay Damon eh, nag text lang siya this morning na hindi na niya ko mahahatid after nun wala na siyang paramdam, tinawagan ko naman siya nakaoff naman yung cellphone niya."

"Baka naman lowbat lang nung tinawagan mo. Sinubukan mo na ba ngayon?" She's right, baka lowbat lang kanina at ngayon baka naka open na.

Kinuha ko nalang ulit yung cellphone ko at dinaial muli sa pangalawang pagkakataon ang number niya.. but still..

"Naka off pa din." I said.

"Edi hintayin mo nalang mag break time, magkikita naman kayo nun mamaya."

"Ang tanong pumasok ba siya? Kasi pag dating ko sa parking, kotse niya ang una kong hinanap pero wala naman."

"Mmm." She just hummed, nawalan na ata siya ng positive na sasabihin.

Dumating ang oras ng break time..

Nag madali akong pumunta ng canteen, buti nalang at di umaangal si Luisa sa pag mamadali ko. Alam niya kasing nagaalala na talaga ako kay Damon, pero pag dating namin ng canteen wala akong ibang naabutan kundi sila Maj lang at yung boys.

Umupo ako sa tabi ni Majah at yumuko sa table. Shit! Ano ba kasing nangyayari sakanya?

"Tawagan mo nalang ulit." I heard Luisa said.

"Bakit anong nangyayari?" I heard Maj asked.

"Di kasi niya makontak si Damon eh." Luisa said.

"Try mo ulit tawagan." Maj said. Inangat ko yung ulo ko at tumingin sakanila, lahat sila nakatingin sakin.

Kinuha ko yung cellphone ko at sinubukang idial muli yung number niya.. still naka off.

--

PLEASE READ:

Babies, baka matagalan akong mag update kasi po isusulat ko na yung ibang chapter nito hanggang sa ending..

Yup, lapit na siyang mag end. 😭

And also.. yung iba kong story isusulat ko na din yung ibang chapter kasi yung iba nag rerequest na din ng UD, so.. i hope maintindihan niyo. ✌

Keep voting po. 😘

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon