Nang matapos ang bakasyon...
Malapit na kaming makarating ni Maj sa Apartment namin. Nakasunod lang ang kotse ko sa kotse niya, di ko maiwasang maexcite dahil finally magkikita na ulit kami ni Damon.
Two weeks na din kasi mula ng huli kaming mag kita eh. Yup, ilang beses siyang bumalik sa Batangas para magkasama kami at sa bawat araw na magkasama kami mas lalong lumalim ang pag tingin ko sakanya.
Sobrang saya ko dahil kahit alam na niya na mahal ko siya hindi pa din niya 'ko iniiwan. Playboy siya at paniguradong ang mga salitang pagmamahal ay wala sa bokabolaryo niya.
Pero aaminin ko, umaasa akong sana lumabas sa bibig niyang mahal niya 'ko kahit alam kong suntok sa buwan na mangyari yun.
Nakarating kami ng Apartment at ang mga boyfriend namin ang nakita namin sa tapat ng pinto na halatang kanina pa hinihintay ang pag dating namin. Dumiretso si Mar sa kotse ni Maj samantalang sa kotse ko naman si Damon.
Pinagbuksan niya 'ko ng pinto ng kotse habang napaka laki ng ngiti sa labi. Bumaba ako ng kotse ko at hinalikan siya agad sa labi. He hugs my waist and kisses me back.
"I miss you so much, baby." He said after the kiss.
I giggle. "I miss you too, baby."
"Guys mamaya na yan, pasok na muna tayo sa loob." Maj yelled.
"Okay!" I yelled back. "Pasok na daw muna tayo, nagagalit na si Mama Maj." I joke making him laughed.
Kinuha lang niya yung maleta ko tsaka mag kahawak kamay kaming pumasok ng Apartment. Pag pasok namin inilibot ko ang tingin sa Apartment pagkapasok namin, siguradong puro linis ang gagawin namin nito bukas ni Maj dahil sa alikabok.
"Haay, nakakamiss 'tong Apartment." Maj said as she seats at our couch. "Maalikabok nga lang."
I laughed. "Tama ka."
"Magluluto lang muna ako tapos maglilinis na ng kwarto." Maj said.
"No, ako na ipagluluto ko si baby." Damon said. Sabay kaming napatingin sakanya ni Maj.
"Ipagluluto mo 'ko? Di mo ata ako naabisuhan tungkol dyan?" I asked chuckling.
"Surprise yun baby." He winks.
"Tutulong ako, dude." Mar said. Bago pa kami makapag react ni Maj nakapaglakad na yung dalawa papunta sa kusina. Nagka tinginan kami ni Maj at hindi maiwasang tumawa.
"Mukhang trip tayong ipagluto nung dalawa." I said laughing.
"Tama ka." She said laughing.
Umupo ako sa tabi niya. "Anong gagawin natin ngayon?" I asked.
"Magpaka prinsesa muna, tinatamad pa 'ko maglinis ng kwarto eh."
"Pareho tayo."
"Gusto mo bang panuorin yung dalawa magluto?" Tanong niya.
I giggle. "I love that, idea." Na miss ko pa naman ang Damon cooking show.
Sabay kaming pumunta ni Maj sa kusina kung saan nakita namin ang boys na busy sa pagluluto, si Mar ang taga hiwa si Damon ang tagaluto. Sabay kaming umupo ni Maj at pinag masdan ag boys sa pagkilos sa kusina.
Ako nakatitig lang kay Damon, talagang naeenjoy ko 'tong panunuod sakanya sa pagluluto ang hot kasi tignan para sakin.
"This is fun." Maj said grinning.
"I know right." I agreed.
Natapos din naman agad yung pagluluto nila buti nalang kasi nakakagutom na kasi talaga eh.
Tumulong na kami ni Maj sa paghahain para masimulan na namin ang pagkain. Magkatabi kami ni baby syempre, pinagsandok pa niya 'ko ng kanin. Plano ba niya 'kong maspoiled? Well magtatagumpay siya. Haha!
Ang sarap kayang magpa spoiled.
Tahimik lang ako habang kumaikain at ninanamnam ang luto ng boyfriend ko, ang sarap talaga. Nakakasira man ng pride dahil mas magaling siyang mag luto sakin, keri lang basta araw araw kong matikman 'to at ipagluto niya.
Nang matapos kaming kumain, dumiretso na kami sa kanya kanya naming kwarto kasama ang boyfriend namin para maglinis ng kwarto. Gusto daw kasi nilang tumulong, si Mar paniguradong tutulong sa paglilinis kay Maj, itong si Damon mukhang malabo.
Tinatali ko lang yung buhok ko habang tumitingin sa paligid ng kwarto ko at handa na sa paglilinis. Bigla kung naramdaman ko ang pagyakap ni Damon sa bewang ko at bigla niyang hinalikan ang pisnge ko.
"Ang hot mo talaga baby." He whispered.
"Baby, mamaya na yang paglalambing mo maglilinis muna 'ko."
Mas hinigpitan niya ang yakap sakin. "Mamaya na yang paglilinis mo maglalambing muna 'ko."
Haay! Sabi ko na nga ba eh. Wala na 'kong magagawa, siguradong di niya 'ko bibitawan. Mamaya nalang ako mag lilinis.
Humarap ako sakanya at inilagay ang mga kamay sa balikat niya. "Osige, maglambingan muna tayo."
Ngumiti siya ng sobrang laki sa sinabi ko at halatang na excite. Grabe siya! Haha.
He kissed my lips. I kiss him back, in just a seconds we both moan. We slowly walk to my bed, not breaking our kiss. Inihiga niya 'ko sa kama ko kaya nahinto ang halik hindi dahil sa pag higa niya sakin kundi dahil sa alikabok na naramdaman namin.
"Sabi sayo eh, maglinis muna eh." I said.
He groans disappointingly. "Urgh! Badtrip naman oh!" Tinulungan niya 'kong tumayo ng kama ko. "Sige maglinis muna tayo, bilisan natin dahil nabibitin na 'ko!" He impatiently said making me laughed.
"Oh baby, you're funny." Hindi niya pinansin yung sinabi ko at sinimulan na ang paglilinis. I just watch him grinning, hindi siya masyadong obvious na gustong gusto na niya 'kong ihiga sa kama at mag make out ulit ah.
Oh i love this Playboy!
Nakarinig kami ng katok mula sa labas ng kwarto ko. Pinagbuksan ko yun at si Maj ang nakita ko.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Uh.. alam kong may rule dito sa Apartment na bawal mag patulog ng lalake sa kwarto pero.. pwede bang sa kwarto ko matulog si Mar?" She asked shyly.
I laughed. "Oo naman nu. Pinagbigyan mo 'ko noon kaya, pagbibigyan din kita."
She smiles. "Okay, in exchange-"
"Damon will sleep here." Ako na ang tumapos ng sasabihin niya. Tumango lang siya at hinalikan ako sa pisnge tsaka bumalik ng kwarto niya. Saya niya ah! Haha.
Sinarado ko nalang ulit yung pinto at pinagmasdan ang boyfriend kong busy pa din sa paglilinis.
"Baby, wag kang magmadali sa paglilinis dito ka naman matutulog eh." I said making him look at me. Ngumiti siya ng sobrang laki at naexcite na naman.
"Talaga?"
"Yup!"
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...