Nang makarating ako sa bahay nila Majah, ang Mama niya ang sumalubong sakin. Pina diretso nalang niya 'ko sa kwarto ni Maj kasi daw natutulog pa 'to. Mukhang sinusulit niya ang bakasyon dahil tanghali na pero tulog padin siya.
Binuksan ko yung pinto ng kwarto ni Maj at ang sarap pa din nga ng tulog niya, ibinagsak ko yung katawan ko sa kama niya.
"Maj, wake up!"
She groans. "Amber naman eh, natutulog pa 'ko eh." Pagaangal niya.
"Wala kasi akong makausap tungkol kay Damon eh. Kaya gumising ka na dyan." Di niya pinansin yung sinabi ko at nag bago lang ng posisyun sa pag higa. Ewan ko lang di pa 'to magising sa sasabihin ko.
"May nangyari na samin ni Damon." Mahina kong sabi.
Napaharap siya sakin sa gulat. "Ano??????"
"Oh ngayon, nagising ka!"
"Seriously Amber? Playboy siya! Kaya bakit ka agad pumayag na may mangyari sainyo?"
"Wala eh, nadala sa moment at.. sa feelings."
"Urgh! Naloko na." Ibinagsak niya yung ulo niya sa unan niya, pareho na kami ngayon nakatingin sa kisame ng kwarto niya. Tahimik lang kami ng ilang minuto habang nakatitig sa kisame.
"Anong plano mo ngayon niyang may nangyari na sainyo?" She asked breaking our silence.
"Di ko alam, natatakot lang ako na baka dahil nakuha na niya 'ko maging katulad siya ng ibang lalake dyan na iiwan nalang yung babae."
"Ganun si Damon, nakalimutan mo na?"
"Bakit nararamdaman ko na parang ayaw mo sakanya?"
"No, i like Damon for you. Natatakot lang akong saktan ka niya."
"Ganun din naman ako, kaya nga napapraning ako ngayong magkalayo kami."
"Don't worry pa babantayan ko siya kay Mario." She said making me giggle. "Alam na ba ni Damon ang feelings mo para sakanya?"
"No, baka kasi pag nalaman niya bigla niya 'kong iwan. Baka kasi mas gusto niya lang kung ano kami ngayon at pag nalaman niyang may feelings na 'ko para sakanya mag freak out siya at iwan ako."
"Nakakabaliw yan."
"Tama ka." I agreed. Natahimik kami ulit. Isipin ko palang na sabihin kay Damon yung feelings ko parang naiimagine ko na yung itsura niyang gulat na gulat.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at tinignan kung may text mula kay Damon pero wala padin.. tsk! Tulog pa din ba siya ngayon?
Ibinalik ko nalang sa bulsa ko yung cellphone at nag isip ng ibang topic.
"Nakita ko pala kanina sila Andrew at Ronald."
"Talaga? Kamusta na daw sila?"
"Si Ronald ikakasal na daw kay Cynthia.. sino nga ulit yung Cynthia? pamilyar name niya eh."
She laughed. "Siya yung muse dati sa intrams natin."
"Ah.. mahilig talaga sa muse si Ronald, ikaw din yung muse ng klase natin diba?"
"Ewan! Si Andrew kamusta?" Tanong niya.
"Ewan di naman siya nagkwento sa buhay niya. Pero nag yaya silang uminum mamaya, siguro isasama nila si Ian."
"Ian? Ex mo? Nandito din siya?" Gulat niyang tanong. Tumango lang ako. "Anong sasabihin mo pag nagkita kayo?"
"Wala, dapat ba meron?"
"Kung sabagay may Damon ka na, sa pagkakatanda ko iniyakan mo ng bonga yun."
"Past is past, kalimutan na ang lahat." Sabi ko habang tumatayo sa kama niya. "Uuwi na 'ko, nailabas ko na 'tong tungkol kay Damon kaya nakaluwag luwag na sa dibdib."
"Okay, puntahan niyo nalang ako dito mamaya." Tumango lang ako sakanya at bumeso tsaka lumabas na ng kwarto niya.
Nagpaalam lang ako kay Tita na uuwi na ko at nang magawa ko yun lumabas na ko ng bahay nila tsaka sinimulan ang pag ba'bike pauwi.
Five minutes lang ata ang inabot ko sa pagba'bike pauwi. Pinark ko lang katabi ng kotse ko yung bike tsaka ako pumasok ng bahay.
"Ma, im home." Sabi ko pag kapasok ko. Palakad na ko papunta sa kwarto ko ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses ng lalake.
"Amber?"
I face him and i saw.. Ian, sitting on our sofa. Na lock ang paningin namin sa isat isa at walang nag sasalita kahit isa. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ulit ngayon, ang gwapo niya padin, bagay parin sakanya yung moreno niyang balat, medyo lumaki na yung katawan niya siguro nag g'gym na siya, yung pagkabadboy look niya noon hindi padin nawawala. Wow!
"Hi." He greeted interrupting me from checking him more.
"Hi." I greeted back.
"Sweetheart nandito ka na pala, sakto dating mo." Mama said making me look at her, may bitbit siyang juice and slice of cake for Ian.
"Salamat po." Ian said. Lumapit na ko sakanya at umupo sa upuan sa tapat niya.
"Iwan ko muna kayo dyan, nasa kusina lang ako pag may kailangan kayo." Mama added pagkalapag niya ng juice at cake sa lamiseta namin.
"Kamusta ka na?" Ian asked smiling.
"Ayos lang naman, ito one sem nalang graduate na. Ikaw?"
"Ayos lang din, ito medyo tumataba."
I chuckled. "Pansin ko nga." Hindi naman taba nadagdag sakanya, kundi muscles.
"Kamusta ang buhay sa Manila?" Tanong niya.
"Maingay, magulo uh.. masaya."
"Halata nga sayo, lalo kang gumanda."
"Bolero ka padin."
"Gwapong bolero." He confidently said making me laughed softly.
"Sige, push mo yan." He joins me to laugh.
"May boyfriend ka na ba?" Bigla niyang pag iba ng topic kaya napahinto ako sa pag tawa.
I cleared my throat. "Wala, but im hanging out with someone." Assuming lang ba ako o talagang feeling ko disappointed siya sa sagot ko?
"I'm happy for you."
"Thank you, ikaw.. may girlfriend na ba?"
"Wala, di uso."
I chuckled. "Nauuso lang ba yun?"
"Oo nung tayo."
---
Yan na lang kinaya ng utak ko. Watcha think? Please do vote and comment.
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...