Sam decided na ihatid ako ng school. Nung dumating kasi yung kaibigan niyang nagaayos ng kotse ko, sumama ako ng shop at sinamahan din naman ako ni Sam papunta dun kaya sa kotse niya ko sumakay.
Nung sinabi nung Mark na matagal maayos yung kotse naisip kong pasukan pa yung iba kong subject at babalikan ko nalang yung kotse ko pag uwian na, kasi panigurado daw ayos na yung kotse ko nun.
Kaya nakakahiya dahil kanina pa ko sinasamahan ni Sam mula ng tumirik yung kotse hanggang sa madala yun sa shop at hanggang sa pag hatid sakin. Sobrang thankful ako sakanya dahil kung hindi baka until now nasa kalsada padin ako at hinihintay na madaanan nila Maj.
"Salamat talaga sa pag hatid ah." Sabi ko ng makarating kami sa gate ng school, di naman kasi pwedeng ipasok yung kotse niya eh kasi walang siyang gate pass.
"Welcome."
"Nakakahiya dahil baka nakaistorbo ako ng bongga sayo."
He chuckled. "Hindi nu, wala naman akong trabaho ngayon eh."
"Okay" Aakma na sana ako sa pagbaba ng kotse pero pinigilan niya ko.
"Wait, pag bubuksan kita." Laking ngiti niyang sabi, hinayaan ko na siya kasi mukhang gusto niyang magpaka gentleman.
"Salamat, Mr. Gentleman." I said smiling as he open the car door.
"Welcome, Ms. Beautiful." He said with a bow making me giggle.
Bumaba na ko ng kotse at humarap sakanya. "Mag ingat ka sa byahe."
"Okay." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo na ikinailang ko. "Masaya akong nakita kita ulit. Bye."
"Bye." Hinintay ko lang munang makaalis siya bago tuluyang pumasok ng campus pero nakakailang hakbang pa nga lang ako nang makita ko ang masamang awra ni Damon habang nakatingin sakin.
Hmm.. so, pumasok pala siya ngayon.
Hindi ko na pinansin yung awra niya at nag patuloy nalang ako sa pag lalakad nang di siya pinapasin dahil base sa awra siguradong hindi lang kami magkakasundo. Pero bigla niya kong hinawakan sa braso at pilit na pinatingin sakanya.
"Bakit kayo mag kasama ng Sam na yun? Nag aalala kaming lahat sayo dahil kanina ka pang umaga umalis sa Apartment niyo pero ngayon ka lang nakarating, tapos makikita ko lang na kasama mo lang pala yung gagong yun at nakasakay ka pa sa kotse niya!" He angrily said.
I grabbed back my arm. "Pwede ba, yung gagong sinasabi mo nag magandang loob lang naman na tulungan akong dalhin yung kotse kong nasiraan sa kaibigan niyang may shop."
"Edi sana tinawagan mo nalang ako na nasiraan ka pala hindi yung humingi ka ng tulong sa iba. Ako boyfriend mo Amber at hindi yung gagong yun!"
I chuckled sarcastically. "Oh! Thank you sa pagpapaalalang boyfriend kita ah, kasi akala ko wala lang ako sayo eh. Dahil kahapon halos mabaliw ako kakaisip kung anong nangyayari sayo tapos makikita kitang kasama ang ex mo, and oh.. siya may alam ng problema mo at hindi akong girlfriend mo!"
"Alam kong galit ka tungkol kahapon pero di naman ibig sabihin nun na sa Sam na yun ka humingi ng tulong! Ako dapat ang tinawagan mo!"
"Para lang sa kaalaman mo Damon Lawrence, nakita niya lang ako sa daan at siya ang nag offer ng tulong. Yung sinasabi mong pag tawag sayo, malabong magagawa ko yun dahil iniwan ko yung cellphone ko sa kwarto ko kasi wala rin naman silbe yun dahil yung hinihintay kong text or tawag para sa explanation na gusto kong makuha sayo eh wala naman." I pointed his chest as i said the word sayo.
"Pero bakit ka pa nag pahatid dito?"
"He offered it."
"Dahil nag papacute pa din siya sayo kaya siya nag offer."
"I told him na may boyfriend ako."
"He stills likes you! Hindi mo ba naisip na kaya ka niya sinamahan dahil gusto ka padin niya."
I groan, angrily. "Atleast di ko siya ex. at di ako nakipag inuman sakanya." Pabalang kong sabi tsaka nag simula ng maglakad palayo sakanya.
This is officially not my day.
I knew it, i knew it na ganito ang mangyayari. Sana pala hindi nalang ako pumasok at hinintay nalang yung kotse ko na matapos baka sakaling hindi ganito kalala.
Dumiretso ako sa canteen dahil nagugutom ako, wala pa kong kain mula kaninang umaga at oras ng break time para sa mga morning classes, at sila Maj paniguradong papasok palang ng klase.
Bumili muna ko ng makakain ko tsaka mag isang kumain sa table at di pinansin ang mga tingin ng studyante sakin.
"Amber.." I heard Luisa's voice. Tumingin ako sa direksyon niya. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya.
"Mahabang istorya." Sabi ko tsaka pinagpatuloy ang pag kain. Wala pa ko sa mood mag kwento at tingin ko nahalata niya yun kaya umupo nalang siya at sinabayan akong kumain.
Nang matapos naman kaming kumain dumiretso na kami sa next class namin. Wala pa din ako sa mood, at ewan ko kung gaganda pa tong mood ko ngayon araw. Feeling ko kasi hindi na.
--
Nearly end.. don't expect a dramatic ending. 😁
Keep voting babies. 😘
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...