Sixty Three

466K 9.5K 975
                                    

"AMBER!" I almost jumped in surprised as Maj called me slapping the dining table.

"Ano ba papatayin mo ba ko sa gulat?" Pagaangal ko.

She laughed. "Lutang ka kasi girl, sabihin mo nga nag away na naman ba kayo?"

"Hindi nu!" Paano kasi isang linggo nang nakakalipas nung sinabi ni Damon na Marry me.. and simula na din yun never na ulit naming napag usapan at di na yun maalis sa utak ko. Ayoko namang mag tanong kasi.. haler nakakahiya! Alangan naman sabihin kong, Damon kailan mo ulit ako tatanungin nung Marry me? Promise ngayon Oo na sagot ko! Kakahiya diba?

Siguro nga nasabi niya lang yun dahil may sakit siya. I pout disappointingly, secretly.

"Eh bat lutang ka?" Tanong niya ulit.

"Wala masama bang mag isip?" I notice nakapangalis siya. "May lakad ka?"

"Yup, may date kami ni Mar." Ah kaya pala mukhang good mood siya.

Nag lakad ako papalapit sakanya at bumeso. "Mauna na kong umalis, pupunta ako sa Unit ngayon ni Damon eh."

"Okay ingat."

Naglakad na ko palabas ng Apartment at dumiretso sa kotse ko. Pag kasakay at pagkastart ko ng kotse, kinuha ko yung cellphone ko at tinext muna si Damon na papunta na ko.

Sinimulan ko na ang byaheng medyo traffic.

Nang makarating ako ng Unit ni Damon nag doorbell na ko at ilang sandali lang pinagbuksan niya 'ko. Hinawakan niya 'ko sa kamay at excited na hinila papuntang sala.

"Ano meron bakit parang excited yang mukha mo?" Tanong ko.

"May ibibigay sayo.." laking ngiti niyang sabi kaya medyo na naintriga ako. May kinuha siya sa bulsa at pinakita niya sakin ang isang.. singsing.

OH GOSH!

I stared at the ring, shockingly. "What was that?"

"Singsing." Casual niyang sabi.

I roll my eyes. "Alam ko, what i mean is.. what for?"

"Diba niyaya na kitang pakasalan ako? Kaya ito singsing, suotin mo na.." Kinuha niya yung kamay ay plano na sanang isuot yung singsing sa daliri ko.. pero hinila ko agad yung kamay ko.

"Seryoso ka ba dyan?"

"Mukha ba kong nagbibiro?" Hindi.. kita naman sa mata niya eh.

"I mean.. we're still studying."

"So?"

"My Dad will going to freak out!"

"I'll talk to him."

"Ah.. talaga lang ah, eh nung bumibisita ka nga sa bahay pag nandyan si Papa para kang statwa, ngayon pa kayang gusto mong pakasalan ang unicahija niya?"

"Ako ng bahala dun." Hinawakan niya ulit yung kamay ko para isuot yung singsing pero hinila ko ulit yun.

"Teka mag propose ka nga ng maayos!"

"Baby, siguro naman aware kang hindi ako marunong nun."

"Subukan mo pa din, ikaw lang ata ang lalakeng di romantic mag propose."

Napakamot siya ng ulo. "Okay sige na nga." Abat parang napilitan pa ang ugok. Lumuhod siya sa harap ko gamit ang isang tuhod, tsaka tumingin sakin.

Eto na! Hihi!

"Amber Tuazon, would you like to change your last name to Lawrence and be my wife, and give me twelve children?"

My mouth fell. "Twelve children? Ano tingin mo sakin baboy, nanganganak ng anim na biik kada buntis?" Grabe siya ayos na yung una niyang mga sinabi eh kinikilig na ko eh, dinagdagan pa ng Twelve children.

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon