Natapos kaming kumain so we decided to stay at his Unit, actually siya lang nag desisyon nun nag yaya kasi akong lumabas at gumala kami kaya lang yun nalang daw ang paulit ulit niyang ginawa noong birthday niya kaya ang gusto naman niya ngayon ay mag stay sa bahay kasama daw ang pinaka magandang babae.. siya nag sabi nun hindi ako. Well since birthday naman niya pagbigyan na.
So habang nasa nandito lang kami sa Unit niya nakahiga lang ako sa kandungan niya at pinagmamasdan siyang magbasa.
"Baby gusto mo uminum?" Tanong ko na dahilan para mawala siya sa focus sa pagbabasa.
"I told you i want to stay here with you."
"Edi dito tayo uminum, one on one tayo, payag ka?" I wink.
"Hmmm.. sounds fun, okay I'll buy our drinks."
"No! ako na, dapat sitting pretty lang ang birthday boy." Sabi ko tsaka tumayo mula sa pagkakahiga sa kandungan niya.
"Ako na baby, baka mabigatan ka."
I cross my arms. "Ako na!"
"Tayo nalang kayang dalawa?"
"Okay, much better." Walang pag dadalawang isip kong sabi. Tumayo siya mula sa pag kakaupo at inakbayan ako tsaka namin sinimulang maglakad palabas ng Unit niya.
Dumiretso kaming dalawa sa parking at kotse niya ang ginamit namin. Nang makasakay kami nag simula na kami bumyahe papunta sa isang Convenient store na malapit lang syempre.
Nang makarating kami, siya ang pumili ng iinumin namin. Incanned beers ang binili niya at ako naman pumili ng chichiryang ipupulutan namin. Dahil trip ko din kumain ng Nova Chips kaya yung big size na yung binili ko.
Nang makapag bayad kami bumalik naman agad kami sa Unit ni Damon para masimulan na namin ang uminum. Habang nasa byahe nagsalita ako..
"Sino kaya unang malalasing satin?"
"I think ikaw." Pagmamalaki niya.
"No, i think ikaw!" Pagmamalaki ko din.
He laughed. "Gusto mo bang mag pustahan tayo? Pag ikaw unang nalasing sating dalawa isisigaw mo sa school na patay na patay ka sakin."
My mouth fell, like seriously? Patay na patay talaga? Di ba pwedeng in love na in love lang? Well kung hindi challenging yung pusta walang thrill.
"Game ako dyan, pag ako nanalo wala kang kiss ng isang linggo."
"What?" Gulat niyang tanong kaya natawa ako.
"Bakit baby, hindi ka na ba confident ngayong mauuna mo kong malasing?" Natatawa kong sabi.
"Ang daya!" He said pouting.
"Game or not?" I asked smirking.
"Game!"
"Okay! Hmm.. no kiss for one week, mukhang exciting yun." I joke.
"Ha.Ha!" He said sarcastically. Mas lalong lumakas yung tawa ko dahil sa reaction niya.
"Oh baby you're so cute." I said laughing. He just smiles at me.
Nang makarating kami sa unit niya, dumiretso siya sa sala niya para dun uminum at inasikaso na muna niya yung iinumin namin sa sala habang ako magbibihis muna para comfi pag iinum, tutal may damit naman na ko dito eh.
Nang matapos akong nag bihis lumabas ako ng kwarto kung saan nag hihintay si Damon.
"Handa ka nang matalo, baby?" Damon asked smiling.
I chuckled. "Handa na 'kong matalo ka." Umupo na ko sa tabi niya at pinag buksan niya ko ng beer tsaka inabot ito sakin. Ganun din ang ginawa niya sa beer niya at bago kami uminum, nag cheers muna kami.
Ininum ko yung beer ko ng hindi inaalis ang tingin sakanya at ganun din siya sakin.
Ibinaba ko muna yung beer para kumuha nung chips pang paalis ng lasa sa beer. Naramdaman ko pag halik ni Damon sa balikat ko kaya napatingin ako sakanya. Hinalikan niya ko sa labi, nag respond naman agad ako. He slowly laying me down to his couch, kissing me passionately.
I break the kiss. "Hey we're supposed to drink." I said.
"Baby, aminado akong baka matalo mo ko kaya susulitin ko na." He said making me laughed.
He kissed me again and his hand move at my skin, but our kiss interrupted by a doorbell.
"Who the hell is that?" Inis na sabi ni Damon na halatang nabitin kaya di ko maiwasang matawa.
"Pag buksan mo na yun." Tinulungan niya kong umupo tsaka siya tuluyang pumunta sa pinto para pag buksan yung nag bell. Inayos ko lang yung buhok ko tsaka uminum ulit yung beer.
Nakarinig ako ng ingay mula sa labas kaya di ko maiwasang mapatingin sa direksyon ng pinto, isa isang nag sipasukan ang mga kaibigan namin na may dalang more beers and pizza.
So, sila pala yung istorbo.
"Amber siguro naman tapos ka ng solohin boyfriend mo.. makiki join na kami ha." Lucas said smirking teasingly.
"Ewan ko sayo."
"Nasaan yung niluto mo patikim naman kami." Majah said to me.
"Aking lang yun!" Pagdadamot ni Damon.
"Hala siya pinagdamot ng bata!" Pagbibiro ni Luisa na dahilan para tumawa silang lahat.
"Nagiinum na pala sila eh, simulan na natin." Mario said. Nag kanya kanya na sila ng upo, kaya ako pumwesto na sa gilid para magkasya kami. Tumabi pa din naman sakin si Damon at may binulong.
"We're not done yet." He winks.
--
Keep voting po. 😘
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...