Nasa tabi kami ngayon ng kotseng dala nila Mar at Damon ngayon na kasi ang araw ng pag alis nila pauwi ng Manila. Nakakalungkot kasi matagal bago ko ulit na naman siyang makikita. Nakakalungkot kasi magkalayo na naman kami.
Sana talaga matapos na 'tong bakasyon na 'to para bumalik na kami ng Manila.
Hinawakan ni Damon ang mga pisnge ko at pinatingin sa mga mata niya. Nahalata niya ata yung lungkot ko sa pag uwi nila.
"Baby, babalik kami kaya wag ka na malungkot."
"Okay, mag behave ka dun ha!" Pagpapaalala ko.
"I uh.. will."
I slapped him on his arms. "Bakit parang nag isip ka pa?" Inis kong sabi.
He laughed. "Biro lang, baby." Hinalikan niya ko ng mabilis sa labi. "Wag ka ng iinum kasama ng ex mo ha!" Pagpapaalala niya.
"I'll try." I joke. Sinamaan niya 'ko ng tingin pero in a very sweet way naman. This time ako naman ang tumawa sakanya. "Biro lang din, baby."
"I'm serious!" He scolded.
"Okay, hindi na po." Paniniguro ko. Grabe siya magselos, sino magaakalang may seloso palang Playboy.
"Damon, tara na!" Mar yelled.
"Okay!" Damon yelled back.
"Tawagan mo 'ko pag nakauwi ka na." I said.
"I will." Hinalikan niya ulit ako sa labi tsaka sila sumakay ni Mar ng kotse. Si Damon sa passenger seat, habang si Mar ang magmamaneho.
Sinimulan na nila ang magmaneho.
Lumapit sakin si Maj at inagkla yung kamay niya sa braso ko habang nakatingin sa boyfriends naming palayo. "Single na ulit tayo." Maj said making me laughed.
"Pag sinabi mo yan sa harap ni Mar siguradong mag aaway kayo."
She laughed. "True! Kung sabagay never pa naman kaming nagaaway."
"Buti pa kayo." Kami kasi lagi ni Damon lagi nalang, ni hindi ata matatapos ang isang linggo na hindi ko siya inaaway. Oo na, inaamin ko kasalanan ko kung bakit kami laging nagaaway. Pasensya, Babae eh.
Nag paalam din naman agad ako kay Maj pagkaalis nila Damon at Mar. No choice kundi maglakad dahil naglakad lang naman kami ni Damon papunta kela Maj.
Nasa kalagitnaan na 'ko ng paglalakad pauwi ng makasalubong ko si Ian na mukhang papunta ng basketball court kasi may bitbit na naman siyang bola.
"Amber, di mo ata kasama boyfriend mo?" Tanong niya.
"Umuwi na sila kasama nung boyfriend ni Maj."
"Ah.. so wala ka na palang gwardya ngayon, todo bantay kasi sayo boyfriend mo eh daig pa security guard." He jokes. Kung alam mo lang, selos na selos siya sayo.
"Ganun lang talaga siya." Tumitig siya sa mga mata ko at biglang sumeryoso yung mukha kaya medyo nakaramdam ako ng pagkailang, grabe siya makatitig parang wala ng bukas.
"Honestly Amber, umaasa pa 'kong magkakabalikan tayo.."
OH MY GOD!
"Pero nahuli na pala 'ko, ang tanga ko kasi pinakawalan pa kita samantalang akin ka na noon. Kundi ko lang siguro pinilit na dapat sa iisang school tayo baka tayo padin hanggang ngayon." Huminga siya ng malalim. "Pero masaya na 'ko ngayon para sayo, sana sumaya ka sa piling niya. Sana pasayahin ka niya, dahil kung hindi nandito ako para saluhin ka."
OH MY GOD!
Okay, that was a uh.. unexpected. Akala ko kasi naka pag move on na siya tulad ko.
"I uh.. honestly don't know what to say." I frankly said.
He chuckled. "Friends?" He extends his hand to offer a shake hands?
"I thought we're friends?" I asked confused.
He laughed. "Yah, i was just confirming it."
Inabot ko yung kamay niya at nakipag shake hands. "Okay, friends."
"Sige mauna na 'ko, maglalaro pa 'ko eh." Tumango lang ako sakanya at pinanuod siyang maglakad palayo habang dinidrible yung bola. Bigla kong naalala yung mga dahilan kung bakit ko siya minahal noon dahil sa pagamin niya, yung badboy look niya, husay niya sa basketball, gwapo syempre pero higit sa lahat dahil malambing siya. Pinagtatawanan na nga siya noon ng mga kaibigan namin dahil ang clingy niya daw sakin samantalang wala sa itsura niya ang maging clingy, pero wala siyang pakialam dun basta gusto niyang maglambing sakin gagawin niya.
Siguro kung sinabi niya yan noong wala pang Damon sa buhay ko baka pumayag akong makipag balikan sakanya.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pauwi ng bahay. Nang makarating ako dumiretso ako sa kwarto kung saan nag stay si Damon. Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama.
Haay! Miss ko na siya agad.
Tumingin ako sa oras ng cellphone ko wala pang kalahating oras mula ng makaalis sila kaya paniguradong malayo pa ang ibabyahe nila pauwi.
Tsk!
Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at naamoy ko pa yung amoy ni Damon sa unan niya. Hmm! Dito nga makatulog mamaya.
Nagising mula sa pagtulog dahil narinig kong nag ring yung cellphone ko. Kinapa ko lang yun sa tabi ko at sinagot without looking at the screen.
"Hello?"
"Hi baby, nagising ba kita?"
"Mmm.. baby ikaw pala, nakauwi ka na?"
"Yup, I'm laying on my bed now."
"Nakahiga din ako sa kama kung saan ka nagstay at inenjoy ang naiwan mong amoy sa unan."
I heard him laughed. "Namiss na naman tuloy kita, baby."
"I miss you too baby."
"Sige matulog ka na muna ulit."
"No, gusto pa kitang kausap."
I heard him chuckled. "Okay, what do you want to talk?"
"Mmm.. i don't know." Natahimik siya sa kabilang linya na tila nagiisip ng sasabihin o pag uusapan kaya ako naman si ito nag hintay. "I love you." I suddenly said. Tinakpan ko yung bibig ko dahil sa biglang lumabas sa bibig ko. Shocks! Walang preno yung bibig ko.
I tried to listen more para marinig mabuti kung anong sasabihin niya. Pero tahimik pa din siya, hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa sa pananahimik niya. Baka bigla nalang siyang mag freak out dahil sa sinabi ko tulad ng kinakatakot ko noon. Paano kung hanggang like lang ang kaya niyang marinig? Shit! Bakit ba kasi bigla bigla nalang yun lumalabas sa bibig ko?
"Thank you." He said from the other line.
Thank you? Seriously? Ngayon lang may nag thank you sakin sa pag sabi ko ng I love you.
"Welcome." Matipid kong sabi. Yun naman ang best na sabihin sa pag t'thank you diba? "Hindi ka ba natakot sa narinig mo?" Di ko maialis ang pag kainis sa tono ng boses ko.
"No, I'm.. happy."
"Happy?"
"Ibig sabihin lang nun na hindi mo ko iiwan." Oh! Bakit naisip ba niyang iiwan ko siya? Kung ganun takot siyang iwan ko? Unti unting lumalabas ang ngiti sa labi ko. Kahit thank you lang sagot niya, masaya na 'ko. Pwede na sa ngayon.
---
Keep voting, po. ★
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...