Fifty Seven

337K 8.5K 111
                                    

Nang dumating oras ng uwian, i decided na puntahan sa Unit niya ang boyfriend kong wala pa ding mag paramdam hanggang ngayon. Nag aalala na ko, dahil until now naka off padin yung cellphone niya.

Alam kong parang ang O.A ko na nito dahil hindi lang siya nag paparamdam eh pupuntahan ko na, hindi lang ako sanay na hindi siya nag paparamdam dahil hindi siya ganun.

Nag doorbell na ko at nag hintay ng magbubukas para sakin pero wala, sinubukan ko pa ding mag doorbell dahil baka tulog lang yun or may sakit kaya hindi nag paparamdam. Pero fifteen minutes na kong nag stay dito sa labas ng Unit niya wala pa ding nag bubukas para sakin.

Wala siguro siya dito.

Pero saan naman yun nag punta? Hindi manlang siya nag paalam? Kung saan man siya nag punta, isa lang sigurado ko.. away to!

I decided na mag hintay parin sa labas ng Unit niya habang naka sandal sa pader at naka tingin sa elevator nag babaka sakaling siya yung lalabas dun.

Isang oras na.. isang oras na kong nag hihintay pero wala pading prisensya niya so, i just decided na umuwi nalang dahil mukhang wala naman akong mapapala.

I stand in front of elevator, feeling hopeless. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sakanya, nakakabaliw na tong hindi niya pag paparamdam.

The elevator finally open, i was about to enter pero napahinto ako nang makita ko si Kelly na inaalayan ang lasing na lasing na si Damon sa pag tayo. Halata sa mukha ni Kelly ang pagkabigla ng makita ako.

"A'Amber?" She said.

"Bakit siya lasing?" Tanong ko. Bakit sila magkasama? Buong araw akong nagaalala sakanya at iniisip siya pero si Kelly lang pala ang kasama niya?

"Uh.. siya nalang siguro ang tanungin mo." Seryoso niyang sabi.

Lumapit ako sakanila at tinulungan siyang buhatin si Damon papunta ng Unit niya. Kahit dalawa na kaming umaalay kay Damon, medyo nahihirapan pa din kami dahil hindi manlang siya makalakad sa kalasingan niya. Kinapa ko sa bulsa niya yung susi ng Unit, tsaka namin sinimulang ipasok si Damon direkta sa kwarto niya.

Ibinagsak namin siya sa kama dahil sa kabigatan niya. "Salamat sa pag hatid sakanya." I said to Kelly. Gusto ko siyang tanungin kung alam ba niya yung problema ni Damon kung bakit siya nagpakalasing ayaw ko namang gawin dahil paniguradong kung alam niya yun masakit sa pride.

"Wala yun." She forces a smile. "Okay, may gusto lang akong iklaro.. you maybe thinking kung bakit kami magkasama ni Damon, sinamahan ko lang siyang uminum wala ng iba."

"Okay." Matipid kong sabi.

"One thing for sure, he needs you now. Mauna na ko, ikaw nang bahala sakanya." Pagkasabi niya nun umalis na siya. He needs me now? Why? Wait.. so alam nga ni Kelly ang problema ni Damon?

I look at Damon, chuckling bitterly. Buti pa si Kelly alam kung anong tumatakbo sa utak niya pero ako itong girlfriend niya.. wala!

Lumapit nalang ako sakanya at hinubad yung sapatos niya at yung medyas niya tsaka inilapag ito sa gilid. Sunod kong hinubad yung T-shirt niya, sa sobrang kalasingan niya ni parang di niya damang may nag huhubad ng damit niya.

Kinuha ko din yung wallet at susi niya at inilagay ito sa side table niya sunod naman yung cellphone niya chineck ito at nananatili itong naka off. Inilapag ko nalang din ito sa side table at di na tinangkang buksan pa.

Kumuha nalang ako ng basang bimpo at pinusan siya sa mukha, leeg at katawan niya. I wonder kung anong oras siyang nag simulang uminum at ganito nalang siya kalasing.

Nang matapos ko siyang punasan, hinalikan ko lang siya sa pisnge niya at pinagmasdan ang maamo niyang pag tulog.

Kumuha ako ng pirasong papel at nag sulat para sakanya..

- Just in case na gusto mong malaman kung paano ka nakauwi si Kelly ang tumulong sayo sa pag hatid. Alam kong wala kang naaalala kapag nalalasing ka kaya binibigyan kita ng info.

And kung iniisip mong galit ako, you're right, im mad at you.

Amber -

Inilapag ko yung sulat sa ilalim ng cellphone niya para siguradong mababasa niya tsaka ako lumabas ng kwarto para hayaan na siyang makapag pahinga na ng tuluyan.

Gustuhin ko mang tabihan siya ngayon sa pag tulog, i don't think na kaya ko lalo na't alam kong si Kelly yung kasama niya the whole time na umiinum siya.

And isa pa.. for sure mag aaway lang kami sa pag gising namin.

Umuwi nalang ako, at habang nasa byahe di ko maiwasang isipin ang mga nakaka disappoint na nangyayari at kinikilos niya. Sana lang may magandang paliwanag ang lahat ng ito, dahil marunong naman akong makinig. Alam niya yun.

Nakarating ako ng Apartment at wala akong naabutang tao sa sala o sa kusina manlang, siguro nasa kwarto na niya si Maj. tutal ayaw ko pa din naman ng kausap di na ko nag abalang ipaalam na nakauwi na ko.

Pumasok nalang ako ng kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama ko.

--

Hi babies eto na ang UD.. since di ko kayo matiis. 😁

Keep voting. 😘

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon