Nagising ako ng mataas na ang araw mula sa labas. Wala namang pasok kaya, tinanghali na ko nang gising. Buti di na 'ko ginising ni Majah para lang sabihin na paalis na siya.
Lumabas ako ng kwarto ko para dumiretso sa kusina para magluto ng pwedeng kainin.
Naisip kong magluto ng tocino, fried egg and fried rice. Hmm, yummy. Ito lang din kasi ang alam kong lutuin eh.
Nang matapos akong kumain, bumalik din naman agad ako sa kwarto ko at kinuha yung tuwalya sa likod ng pinto ko para makapag shower.
Isinabit ko lang yung mga suot ko sa sabitan sa banyo tsaka sinimulan mag shower ng may kasamang pag sayaw at pagkanta. Feeling baliw na naman ako, purket magisa lang ako.
Natapos din naman ako sa pag sha-shower at nag bihis na sa kwarto, shorts at sando lang ang sinuot ko dahil wala naman akong planong gumala ngayon.
Kasi ang plano ko ngayon ay... mag review! yes, ayaw kong bumaba ang grades ko dahil baka matalakan ako nila Mama.
So, nung natapos akong mag asikaso sa pagbibihis dumiretso ako sa sala at nagpaka feeling matalino tulad ni Majah at nag review. Habang nakikinig ng music, ganito kasi ako mag review eh.
Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal na nakaupo sa couch at nag rereview nang may marinig akong nag doorbell mula sa labas ng Apartment. I stand, stretching my body. Tsaka ko pinagbuksan yung nag bell.
"Hi, baby!" Bati ni Damon nang pagbukas ko ng pinto may bitbit siyang two boxes of pizza. I wonder kung alam niyang mahilig ako sa pizza.
"What are you doing here? May pasok ka diba?"
"Wala na, tapos na lahat ng classes ko." Pumasok na siya kahit hindi ko pa siya pinapapasok. Dumiretso siya sa couch ko at inilapag yung pizza sa lamiseta.
"Nagrereview ka?" He asked, looking at my books. I nodded, sitting besides him. In-open ko yung box ng pizza dahil nakaramdam ako bigla ng gutom, ha! Buti nalang nagdala siya ng pizza.
"Want juice, baby?" He asked.
"Pwede mo ba kong igawa?" I asked, chewing.
"Yes, anything for you baby." He said chuckling. Nag simula na siyang pumunta sa kusina habang ako kumuha ulit ng piece of pizza habang nagbabasa.
"Here's your juice baby." Damon said putting my juice on the small table.
"Thank you. Aren't you going to eat?"
"Later." Tumabi siya sa'kin at hinalikan ako sa balikat.
"Bakit ka pala biglang pumunta dito at may bitbit ka pang pizza?"
"Wala ka kasi sa school eh. Tsaka inaantok ako school." Bigla siyang humiga sa kandungan ko, tsaka ipinikit yung mga mata. Plano pa niya atang matulog sa kandungan ko. Pambihira.
Kinuha ko nalang yung juice ko at ininum, natuluan ko siya nung juice sa pisnge niya kaya napadilat siya ng mata. "Sorry." I said chuckling. Pinunasan ko yun gamit ang thumb ko, tsaka niya ipinikit ulit yung nga mata niya.
"Bakit ba inaantok ka na naman? Ano bang ginagawa mo para mapuyat ka?" Tanong ko.
"Nanunuod ng porn." Hinampas ko siya sa dibdib niya na ikinagulat niya. "Aww, baby!!" Pagaangal niya.
"Ang seryoso ng tanong ko, kapilyuhan ang isasagot mo!"
"Sorry." He said laughing, softly.
"So.. ano nga?"
"Late na ko nakauwi galing Club eh." Seryoso niyang sabi at ipinikit muli ang mga mata. Sa Club? Dun siya galing? Anong ginawa niya dun? Di kaya nag chick hunting na naman 'tong ugok na 'to.
"Nag hanap ka na naman ng malalandi nu?" Tanong ko, di ko maialis ang tono ng pagkairita sa boses ko.
"Hindi naman mawawala yun eh." Aba't umamin talaga ang ugok, pinapainit na naman ata nito ang ulo ko. Alam kong wala akong karapatang magalit dahil naghahanap siya ng chicks kasi naman hindi naman kami, i mean.. im not saying na gusto kong maging kami.. ano lang uh.. ano nga ba? Hindi ko din alam.
"Enjoy ka naman?" Sarkastiko kong sabi.
"Are you jealous baby?" He asked, opening his eyes.
"Pwede ba itigil mo nga kakasabi ng mga jealous jealous na yan kasi hindi naman!" Tumawa lang na naman siya, papaltukan ko na 'to eh.
"Don't worry baby, wala naman akong hinalikan kagabi."
"Para namang may pakialam ako dun! Halikan mo kung sino mong gustong halikan dahil di naman tayo!"
"Talaga ayos lang?" He asked smirking. Tumayo ako sa sobrang inis kaya nahulog siya sa couch.
"Alam mo umalis ka nalang kung mangbubwiset ka lang! Ginugulo mo pag rereview ko eh!"
Umupo siya sa sahig. "Tss.. wala daw pakialam pero nagagalit siya."
"Anong sabi mo??!!" I irritatingly asked looking down at him with my hands on my waist. He holds up his hands.
"Kalma baby, don't worry from now on.. ikaw nalang hahalikan ko. Kasi naman itong mga mata ko makasalanan talaga eh di mapigilang tumingin sa chicks pero yung labi ko, ikaw lang ang gusto."
"Aba't anong tingin mo sa'kin? Reserba mo? Loko ka ah!"
Tumayo siya at hinawakan ako sa mag kabilang pisnge. "No, i was just giving you an assurance na.. wala akong ibang hahalikan maliban sa'yo!"
Tinanggal ko yung nga kamay niya sa pisnge ko. "At tingin mo gusto ko yun?"
"Ano bang gusto mo?"
"Gusto kong umalis ka na!" I angrily said, pointing the door. He sighed heavily, running his hand to his hair. Okay, that's kinda hot to see. Damn it Amber you're mad at him. I scolded myself.
Tinignan niya 'ko ng blangko at bigla niya 'kong hinawakan sa chin at hinalikan ang labi ko. I tried to push him, but syempre napakalakas niya kaya waley din. And for some nakakainis na pakiramdam, i find myself kissing him back.
Pinaupo niya 'ko sa couch, ng hindi inaalis ang halik sa labi ko. Ang mga kamay niya ay nasa sandalan ng couch. Dahan dahan niya akong inihiga habang hinahawi yung mga librong nakalagay dito. He positions himself, between my legs. He breaks the kiss for us to catch some air.
He down his kiss to my jaw, down to my shoulder. "Ito ang epekto mo sa'kin." He murmured on my neck.
"What?" Tumingin siya sa mga mata ko.
"Your lips is like a drugs, nakakaadik at hinahanap hanap ko. Hindi pagiging reserba ang gusto kong iparating sa sinabi ko kanina-"
I put my pointing finger on his lips. "Just shut up and kiss me, Damon." I snapped.
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...