Nakarating kami ng school, ayaw man naming pansinin di namin maiwasan kasi kapansin pansin talaga ang pag dikit ng boys kay Kelly. Malakas talaga ang appeal niya sa guys, wow! Bago palang siya ng school pero napansin na agad siya, paano pa kaya pag tumagal na?
Tumakbo naman agad siya papalapit samin nang makita kami. "Lawrence, may plano ka na bukas sa birthday mo?" Kelly asked making me look at Damon in shocked.
Birthday niya bukas? Bakit wala manlang siyang binangit? Kung di pa babangitin ni Kelly di ko pa malalaman. Nakakainis!
Tumingin sakin si Damon at tila nasesense ang iniisip ko kaya pinisil niya sandali yung kamay kong hawak niya sigurgo ibig sabihin nun mamaya-na-natin-pagusapan.
"No plans yet." He answered.
"Why? Don't you want to go to Club?"
"No, I'd rather want to spend it with my girlfriend."
"Okay, kung may iba mang plano sabihan niyo lang ako." She said then nag simula na siyang maglakad palayo samin. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya ng kamay sakin at pumwesto sa harap niya.
"Bakit di mo sinabing birthday mo pala bukas? Kung di pa babangitin ni Kelly di ko pa malalaman!" Inis kong sabi.
"Sorry baby, i wasn't really into uh.. celebrating my birthday."
"But it's your 21st birthday!"
"I know."
I sighed heavily. "Wala ka talagang plano bukas?" He shakes his head. "Well bukas, meron na tayong plano!"
"Ano naman?" He asked chuckling.
Ano nga ba? Wala din naman akong maisip na plano, bahala na. "Uh.. ako ng bahala dun."
"Okay, sige na.. baka malate ka pa sa klase mo at ako pa ang sisihin mo." He jokes.
"Okay." I agreed. Hinawakan niya ulit ako sa kamay at tsaka namin sinimulang maglakad papunta sa classroom ko. Nang makarating kami, hinalikan lang ako niya ko ng mabilis sa labi tsaka nag paalam na sakin.
Dumiretso ako sa upuan ko at nakita ko na si Luisa na nakaupo at busy sa cellphone niya, na mukhang katext jowa niya.
"Luisa, may alam ka bang pwedeng iplano sa birthday?" Tanong ko ng makaupo ako.
"Sinong may birthday?" Tanong niya.
"Si Damon, birthday na niya bukas."
"Ipagluto mo siya."
"Seryoso ka dyan? Ako magluluto? Eh mas marunong ngang magluto sakin yun eh."
"Hmm.. ang boys naman kasi in my opinion hindi sila masyadong materialistic or mahilig sa surprises, mas gusto talaga nilang pinagluluto sila and uh.. uminum."
"Sigurado akong puro inum ang ginagawa niya sa mga nakaraang birthday niya kaya babaguhin ko yun. Ipagluluto ko nalang siya, bahala na!"
She laughed teasingly. "Goodluck sana magustuhan niya."
Goodluck talaga dahil baka pag pumapalpak ako baka hindi happy ang birthday niya. Shocks! Ngayon lang ako nainis na hindi ako masyadong nag aral magluto. Kung di lang siya masarap magluto edi sana di ganito kahirap.
Dibale hihingi nalang ako ng advice kay Majah, tutal lumelevel naman kay Damon ang husay niya sa pagluluto eh.
Natapos ang mga classes namin ni Luisa kaya dumiretso na kami ng canteen at habang nasa kaligitnaan kami ng paglalakad di ko maiwasang sumama ang mood ng makita ko si Damon na kausap yung Lexi, again. Bakit nakakainis? Malamang dahil alam kong may gusto sakanya yung babaeng yun!
"Kalma girl." Luisa said sensing my.. inis.
"Paano ako kakalma, tignan mo nga kung paano siya makipag tawanan? Unti nalang lalapitan ko yan at hihilain ang tenga niya!"
She laughed. "Nag jowa ka ng playboy eh, dapat handa ka na sa mga ganyan." Pero ang alam ko nag bago na siya, i mean siguro nabawasan dahil mahal na niya ko. Siguro nga mahirap ng mawala sakanya yun.
Tss.. kung ako nag iisip ng plano sa birthday niya siya naman itong petiks lang.
Nag patuloy nalang kami sa paglalakad at hindi na ko nag abalang tawagin yung ugok dahil baka magdilim lang yung paningin ko at batukan ko siya.
"Baby.." I heard his voice. Akalain mo nga naman oh!! Humarap ako sakanya at ang laki ng ngiti ng ugok. Pagkalapit na pagkalapit niya, binatukan ko siya kaya tumawa ng malakas si Luisa.
"Aww, para saan yun?" He asked.
"Para yan sa pakikipag usap mo kay Lexi!"
He laughed at my reaction. "Ang cute mo talaga pag nagseselos, baby."
"Shut up!"
"Wag ka na magalit baby, alam naman na niyang girlfriend kita eh."
"Buti naman kung ganun!" Hinila ko nalang yung kamay ni Luisa para ipagpatuloy lang ang paglalakad.
"BABY!!" Damon screams making me look at him. What the hell is he doing? "I LOVE YOU AMBER TUAZON!" He shouted.
Oh my God.
Naglakad ako palapit sakanya kasi naman pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin studyante at baka mamaya niyan pagalitan pa kami ng professor pag may nakakita.
"Tumigil ka nga!"
"Bakit? I was just informing everyone na mahal kita." He said smiling widely.
"Oo na sige na i love you too, tumigil ka na pumunta na tayo ng canteen."
"I want you to shout it."
"What??" I asked, shockingly.
"Go, do it!"
"No!"
"Please, bilang gift mo nalang!"
"Tumigil ka nga, bukas na ang gift dahil bukas pa ang ang birthday mo!" I grabbed his hand pero hinila niya din naman agad ito.
"Do it or I'll talk to Lexi again." He warns, jokingly.
"Susunod ka sakin o magagalit ako!" I warn back, seriously.
"Uh.. sabi ko nga eh, susunod na ko." Yun naman pala eh.
---
Keep voting babies. 😘
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...