Dumating ang break time at sabay na kaming pumunta sa canteen. Nakita na namin dun sila Majah sa table namin kasama ang mga closes classmates niya. Luisa and i decide na bumili muna ng kakainin bago kami lumapit sa kanila.
Puro sandwiches lang ang in-order ko ganun din si Luisa tsaka juice kaya dumiretso na kami sa counter para mag bayad.
Siniko ako ni Luisa na dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Look.." tinuro niya ang mga tables banda sa right side ko gamit lang ang labi niya. Tumingin ako kung saan siya tumuro at nakita ko si Damon na naglalakad kasama yung Lexi. Hindi ko maiwasang mainis sa nakita lalo na't alam kong gusto ng Lexi na yun si Damon. Hindi ko alam kung alam na ba yun ni Damon o hindi, dahil baka pag nalaman niya yun magbago ang isip niya at mag date na siya ng schoolmate niya dahil aaminin ko maganda naman kasi talaga yung Lexi na yun.
Nakapag bayad na kami ni Luisa kaya dumiretso na kami sa upuan kasama sila Majah. "Ayos ka lang?" Maj asked, whispering. I just nodded my head.
Bigla nalang akong may naramdamang tumabi sa'kin, tumingin ako sa kanya at nakita ko si Damon. "Yan lang kakainin mo, baby?" He asked, looking at my sandwiches.
"So?" Pagtataray ko. Pagkatapos niya kay Lexi makipagkwentuhan, sa'kin naman siya tatabi? Ayokong isipin na reserba ako dahil sinabi niyang hindi pero.. tempting na isipin yun ngayon.
"May nagawa na naman ba 'ko?" Pagtataka niya.
"Wala!" Inis kong sabi. Sinimulan ko nalang kainin yung sandwich ko at alam kong nakatingin siya sa'kin.
He kissed my shoulder. "Sorry.." he murmured."What?" I asked looking at him.
"Sorry sa kung ano mang nagpainis na naman sa'yo, dahil sa'kin."
Tumayo ako at kinuha yung sandwiches ko pati yung juice. "Sa iba nalang ako kakain." Pagkasabi ko sa kanila nun umalis na 'ko at di na pinansin pa yung pagtataka nila at pagtawag ni Damon sa'kin.
Dumiretso ako sa open space at naghanap ng malilim na upuan tsaka dun umupo. Kinuha ko nalang yung notebook ko para magreview muna. Huminga ako ng malalim para makapag focus sa pag re-review at hindi sa pagiisip kay Damon at Lexi.
"Pwede bang malaman kung ano na namang ginawa ko?" I heard Damon's voice. I didn't bother myself to look at him.
"Amber!" He called.
I sighed heavily. "Kinausap ako ni Lexi." I said looking to at him.
"Ano namang paguusapan nyo na ikinainis mo sa'kin?" Pagatataka niya.
"She told me, she likes you!"
"So?" Sa tono niya parang wala siyang pakialam at di manlang siya nabigala.
"Alam mo na ang tungkol dun?" Gulat kong tanong.
"Tinext na niya sa'kin yun." Kita mo nga naman, may number din siya nun?
"And you just stayed talking, entertaining her.. kahit na alam mo ang tungkol dun?"
"Ano naman? Hindi naman ako katulad ng iba dyan na kapag nalamang gusto ka ng tao eh iiwasan mo na. Kapag ex ko siya siguradong iiwasan ko siya! Dahil ayokong kinukulit ako, at di naman niya ginagawa yun."
"Bakit di mo siya idate? Tutal gusto ka naman niya!"
"What??" He asked angrily. "Are you pushing me to her?"
"She asked me if we were dating.. she maybe asked that because she's open on dating you. And you looked like enjoying her company, so what's the point of not dating her?!" Shit! Bakit ko ba 'to sinasabi?
He chuckled bitterly. "This is absurd! I don't care about her or whatever she felt from me. I already told you this, IM NOT INTO DATING MY SCHOOLMATES!" He's mad.
"Hindi mo pwedeng sabihin wala kang pakialam dahil kinakausap mo padin naman siya!"
"You know what.. this is going out of nowhere!" He walked out.
I sighed, angrily. I almost throw my notebook buti nalang napigilan. We fought again! What's new? Lagi naman kaming nag aaway dahil lagi ko siyang inaaway! Ang pinagkaiba lang ngayon pati siya galit as in galit.
Bakit pa kasi ako kinausap ng Lexi na yun eh.. ang ganda ng simula namin kaninang umaga mula sa pagtawag at pag text niya sa'kin, tapos nabura dahil kinausap ako ng Lexi na yun. Na naging dahilan para mainis ako at magselos. Oo na selos 'to, inaamin ko. Mahirap lang aminin pero ito talaga yung nararamdaman ko.
But in some point naintindihan ko yung galit ni Damon kasi nga pinagtulakan ko siya kay Lexi.
Pumuta nalang ako sa classroom ko tutal malapit na ding mag bell, nawala na ko sa mood kumain bwiset talaga.
Hindi ako ang nauna sa classroom kahit na wala pang bell. Mas nauna yung matitinong magaral. Minutes after dumating na si Luisa.
"Saan ka kumain?" She asked.
"Nawalan ako ng ganang kumain, kaya dumiretso ako dito."
"Dahil ba yan dun sa Lexi?"
"Isa siya sa dahilan pero ang pinaka dahilan nag away kami ni Damon."
"Oh! Again?"
"Yah!" I said sighing.
Dumating na yung professor namin kaya nahinto kami sa pagkukwentuhan. Tsaka naman ito agad agad na nagsimulang magturo.
Natapos ang lahat ng klase namin at may sundo kami ni Luisa.. sila Majah and ang alipores niyang mga lalake.
Sila.. Raffy, Lucas, Justin and sino pa nga si Mario.. maaga daw silang pinalabas kaya naisip nilang sunduin kami.
Kapansin pansin ang pangungulit ni Lucas kay Luisa, para siyang nagpapacute kay Luisa at dumadamoves.. i wonder kung alam niya ang tungkol kay Justin at Luisa.
Pero wala namang reaksyon si Justin sa ginagawa ni Lucas.
Nakarating kami sa parking at laking pagtataka na makita si Damon na nakasadal sa kotse namin ni Majah. Tumingin siya sa direksyon namin ng makita kami.
"Dude, may hinihintay ka ba?" Mario asked.
"Si Amber." He answered, walking closer to me. "Sabay ka na sa'kin?" Tanong niya. Hindi na ba siya galit dahil gusto na niyang sumabay ako sa kanya?
Tumango ako sa kanya kahit di ko alam kung tama na bang sumama ako. Nag paalam nalang na muna kami sa mga kaibigan namin, bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...