Three.

786K 16K 1K
                                    

OH MY GOD! He kissed me in front of so many students. That jerk, im going to kill him!

"Oh my god!" Majah shockingly said.

"You really have a soft lips, baby." Damon said, smirking down at me.

Inuubos talaga ng mokong na 'to ang pasensya ko. I stand and planned to slap him pero nahawakan niya yung kamay ko kaya napigilan niya. Pero nakalimutan niya atang dalawa ang kamay ko kaya nasampal ko padin siya nung isa kong kamay.

Ha! Since parang gusto niyang ipahiya ako sa buong school pwes ipapahiya ko din siya sa pag sampal sa kanya!

Naglakad nalang ako paalis ng canteen at di na pinansin yung nga tinginan at bulungan ng mga studyante. For sure ang mga iniisip nun, another prospect na naman ako ni Damon.

Akala lang nila yun, never akong magiging prospect ng kahit na sino.

"Amber!!" I heard Majah's voice. I face her. "Are you okay?" She asked amused.

"Tingin mo magiging okay ako, after akog halikan ng gagong yun sa harap ng mga schoolmates natin?" Inis kong sabi.

"Woe, calm down.. im not Damon." She said raising her both hands na parang sumusuko. I rolled my eyes.

I saw the corner of my eyes ang papalapit na si Damon sa direksyon namin. "Fuck! What does he want?" Irita kong sabi. Napatingin sa likod niya si Maj.

I continue walking, grabbing Majah's hand. Gagawin ko ang lahat para lumayo sa'kin ang gagong yun, hindi ako papayag na lumapit pa sa'kin yun dahil baka halikan na naman niya 'ko.

Enough with all the kisses dahil baka hanap hanapin ko. Joke yun syempre!

"Amber, wait!!" Damon called. Akalain mo nga naman oh, hindi baby ang tawag niya kundi Amber. Teka paano niya nalaman pangalan ko? Kanina sa rooftop tinatanong niya yun eh. Baka tinanong sa kaibigan niyang classmate naman nitong ni Maj.

Biglang sumulpot sa harap ko si Damon kaya napahinto ako sa paglalakad at paghatak kay Majah. "Ano bang kailangan mo? Nakakairita ka na ha!" I frankly said.

"Sorry sa nangyari kanina, baby." Hindi siya sincere, paano ko nasabi? Nakangisi na naman kasi siya eh. Sana mabura ko yang ngisi sa mukha niya. Sana may eraser para sa mukha para pag nasusura kasa mukha ng tao buburahin mo nalang.

"Talaga bang nag so-sorry ka?"

He chuckled "No!"

"Bakit ka pa nagso-sorry kung hindi ka naman pala sincere?" Irita kong sabi.

"Uh.. ewan ko din." Baliw talaga! Haaay! Feeling ko magkakaroon na 'ko dahil nagiging maldita na naman ako, ganto pa naman ako pag malapit ng magkaroon.

"Umalis ka nga sa daan ko! Baka di kita matansya at masampal na naman kita!" I warned again kahit na alam kong useless kasi di naman siya natatakot sa banta ko.

"Baby, aren't you flattered? I never dated anyone at school, only you."

"Who said we're dating?" I shockingly asked.

"Okay, we're not technically dating.. but we already ma-" Tinakpan ko yung bibig niya mula sa malaswang sasabihin na naman niya.

"Shut your mouth!" He just nods. Kahit na natatakpan ko yung bibig niya alam kong nakangisi siya.

"So.. i was saying-"

"Enough!" Pagpuputol ko. I sigh, frustratingly.

"Baby, i was just saying na sinira ko ang rule ko.. for you." He winks. What the hell is he talking about? Napaisip ako sa lahat ng sinabi niya.

"I never dated anyone at school, only you." What the hell is the meaning of that? He's well known playboy at school kaya paanong wala siyang dinate manlang kahit isa?

"You never dated anyone at school?" Gulat kong tanong.

"Not even planning to kiss them." Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Only you, baby." He winks again.

I slapped him on the back of his head. "Aww! What was that for?"

"I warned you not to touch me!" Pagpapaalala ko.

"Okay, I'm  not going to touch you unless you beg for it." I laughed at his joke.

"Oh boy, never ever akong mag mamakaawang hawakan mo ko! Dream on!" I said smirking. Inilapit niya yung ulo niya na ikinabigla ko kaya napaatras ako ng ulo.

"Believe me; you'll going to beg for it." He confidently said, looking down at my lips. "But don't worry baby, hindi ko ipagdadamot yun para sa'yo."

Sinipa ko siya sa binte niya. "Aww! Pang apat na 'tong pananakit mo ah, ang balik nito halik."

"Wala kong pakialam sa sinasabi mo!"

"Uh.. guys nakalimutan niyo atang nandito ako!" Maj said. Sabay kaming napatingin sakanya. Oo nga pala, hila hila ko nga pala siya dito. Nawala siya sa isip ko dahil sa ang annoying nitong si Damon.

"Pupunta na ko ng klase ko." Maj said giving me a ikwento-mo-sakin-yan-mamaya look. I just nod to her, sighing. Nagsimula na siyang maglakad palayo sa'min.

"Hatid na kita?" Laking ngisi niyang sabi.

"No thanks, may mga paa ako!" Binanga ko siya sa paglalakad para lang alam niyang hindi siya pader para humarang sa daan ko.

--

Sorry sa maiksing update. Anyways thank you for reading guys. 😊

Pag napunta kayo sa iba kong story, wag na kayo mabiglang same names lang kasi.. lahat ng story ko ang bida same names lang talaga. Haha! Pakiintindi nalang.

my_love_letter.

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon