Thirty Five.

436K 9.2K 385
                                    

Isang linggo.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang magaway kami ni Damon. Until now hindi siya nag paparamdam, siguro nga totoong nawala ang cellphone niya. Pero bakit hindi manlang siya makitawag kay Mar? Kung sabagay kung makikitawag man siya di ko rin naman siya makakausap dahil wala dito si Maj. Nasa bakasyon siya kasama ang mga magulang niya. Pero ang alam ko ngayon na din ang uwi niya. Buti nalang kasi wala na 'kong ginawa dito kundi mag basa sa kwarto ko habang pinapakingan ang making out anthem namin ni Damon.

Na mimiss ko na talaga siya, napapraning na 'ko dahil di ko siya kasama na nagiging dahilan para mag away kami na hanggang ngayon wala padin siyang ginagawa para kontakin ako. Wala pa naman akong number ni Mar. Gusto ko na talaga siyang makita.

Nakarinig ako ng katok mula sa kwarto ko, nag bukas ito at nakita ko si Mama. "Sweetheart, nandito si Majah binibisita ka."

"Nakauwi na sila?" Tumango lang siya. Great! Sa wakas may makakausap din at nakakalabas labas ulit ng bahay. Sana naman may pasalubong siya sakin.

Dali dali akong lumabas ng kwarto ko at pinuntahan si Maj. "Maj may pasalu-" I didn't finished my words kasi kinagulat ko yung dalawang lalakeng kasama ni Maj na nakaupo sa sofa. She's with Mario and... Damon.

Oh my God! My Damon is here, was i dreaming or it's for real? Oh my God! Somebody slap me!

My stare locked only to Damon. I don't even want to blink kasi baka bigla nalang siyang mawala sa paningin natatakot akong baka namamalikmata lang ako.

Until he finally speaks. "Hi." Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya. Oh my God, siya nga! Siyang siya nga! Yung amoy niya, yung bisig niya siyang siya talaga. Hindi ako namamalikmata.

"Bati na tayo?" He whispered making me laughed. Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at hinawakan siya sa magkabilang pisnge.

"Pumunta ka ba dito para makipag bati?" I asked chuckling.

"Oo." He said nodding, smiling widely.

"Sweetheart?" I heard Mom's voice. Napabitaw agad ako sa pagkakahawak sa pisnge ni Damon at dahan dahang humarap kay Mama ng very awkward. Shocks! Nakalimutan kong nandito pala siya, na sobrahan ako sa pagka excite na makita si Damon.

"Y'yes, Mom?" Nauutal kong sabi.

"Would you like to introduce that guy?" She said looking directly at Damon.

I cleared my throat. "Uh.. he's Damon, uh.. schoolmate namin."

"Magandang araw po ulit." Damon greeted nervously. Bigla kong naalala yung sinabi niya noon na hindi pa niya kayang harapin ang parents ko kaya di siya makakabisita pero kita mo nga naman nandito siya ngayon at halatang ngayon lang niyang nagawang humarap sa magulang ng babae dahil sa nerbyos.

"Magandang araw din hijo. Kukuha lang ako ng mimeryendahin niyo."

"Tulungan na kita, Ma." I offered.

"Ako din po tutulong." Maj offered. Sabay sabay kaming tatlo na pumunta sa kusina at iniwan na muna namin ang boys.

Tumawa si Maj nang makarating kami sa kusina. "Grabe epic yung itsura ni Damon." She said laughing.

"Grabe ka!" Pagaangal ko.

"Yung Damon na ba yun ang special friend na tinutukoy mo, sweetheart?"

"Uh.. opo." Nahihiya kong sabi.

"Make sure na ipakilala mo siya sa Papa mo."

"Yes, Mom." Mahina kong sabi. Natapos kaming asikasuhin ang miryenda at kami nalang ni Maj ang bumalik sa sala at inilapag namin sa lamiseta yung pagkain, tsaka kami nag kanya kanya ng upo. Si Maj katabi malamang kay Mar at syempre ako, kanino pa ba edi sa namiss kong si Damon.

Sa totoo lang kanina ko pa siya gustong halikan pero malamang nakakahiya kasi nandito kami sa bahay, baka kung nasa Apartment kami nito kanina pa kami nagkikiss kahit nandyan sila Maj.

"Na miss kita, baby." Mahina niyang sabi.

"Na miss din kita, Damon." Hinawakan niya yung kamay ko at pinaglaruan niya ang bawat daliri ko.

"Buti nagkalakas ka ng loob na harapin sila Mama, alam mo kasi talagang nakakapraning kapag nasa malayo ka."

"Hanggang ngayon nga kinakabahan pa din ako eh."

"Halata nga eh." I joke.

"I wanted to kiss you."

"Mee too." Kaya lang paano namin gagawi yun?

"Guys, gusto niyo pumuntang tabing dagat and mag swimming?" Maj said interrupting our conversation. Sabay kaming tumingin sakanya ni Damon.

Mukhang magandang idea ang pumunta ngayon ng dagat, doon mahahalikan ko si Damon ang hirap kumilos dito eh, lalo na't ang alam lang ni Mama eh special friend ko lang si Damon. Siguro kung boyfriend baka hindi pa ganun nakakailang. "May baon kayong damit?" Tanong ko kay Damon.

"Yup, two nights kami dito eh." Oh! Kung ganun, kahit papaano matagal tagal ko siyang makakasama. Sa wakas! Eenjoyin ko bawat minutong nandito siya.

"Magpapaalam lang ako kay Mama." I said to Maj. She just nodded her head. Tumayo muna ko at nag lakad papunta sa kusina kung saan nag hahanda si Mama ng lulutuin niya para mamayang gabi.

"Ma, ayos lang bang pumunta kami ng tabing dagat?" Tanong ko kaya tumingin siya sakin.

"Anong oras kayo uuwi?"

"Uh.. siguro bago mag gabi, ayos lang din bang dito mag dinner si Damon mamaya?"

"Oo naman para makilala na siya ng Papa mo."

"Salamat po."

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon