Hinayaan na muna ako ni Damon na ipagpatuloy ang pag re-review ko. Siya naman hinayaan kong matulog sa couch, habang naka yakap sa bewang, sa ilalim ng damit ko. Ganyan siya kaenjoy na hawakan ng skin ko.
Well sige aaminin ko na, gusto ko din naman 'to.
Ang totoo napapaisip ako sa sinabi niya kanina na binibigyan niya 'ko ng assurance na ako lang ang hahalikan niya, sa katulad niyang playboy hindi na 'ko nag e-expect ng kahit na anong malalim na relasyon. Nakakainis aminin pero, mukhang nagugustuhan ko na 'tong ugok na 'to kaya ganun nalang ang inis kong pumupunta pa siya ng Club para lang mag chick hunting. Pwede namang ako nalang!
Pero syempre ayaw ko namang aminin sa kanya yun dahil baka matulad lang ako sa mga babaeng pinaglaruan niya.
Tsaka sa ngayon tingin ko kahit nagugustuhan ko na siya okay na sa'kin yung ganitong setup, at enjoy-in lang muna ang assurance na binibigay niya.
Biglang nag bukas yung pinto ng Apartment at pumasok ang nagtatawanang si Majah at Mario. Sabay silang napatingin sa'kin kaya nilagay ko yung hintuturo ko sa labi ko para patahimikin sila.
"Kanina pa siya dito?" Mahinang tanong ni Maj. Tumango lang ako.
Mario chuckled. "So, kaya pala siya nawala nung break time kasi pinuntahan ka." Ngiti lang ang sagot ko sa kanya.
"Dun nalang muna kami sa kitchen, ang sarap ng tulog niyang Playboy mo eh." Maj said. I just nodded again.
I look at Damon; he's sleeping like an angel. He's so good damn handsome. I touch his soft skin using the back of my fingers to wake him up. He just tightened his hugs on my waist, making me grin.
Ibinaba ko yung paghaplos sa labi niya. "Damon, wake up." I softly said. I don't know but, kusang kumilos yung katawan ko para i-bend ang ulo ko at halikan siya sa labi niya. Ganun na siguro ako ka-komportableng mahalikan siya.
He finally opens his eyes and, gives me his kagigising lang na smile. "I like the way you wake me, baby." Mahina nitong sabi.
"Nandito na sila, bumangon ka na dyan."
"Five minutes." He murmured.
"What are you, four years old?" I joke. Umupo na siya mula sa pagkakahiga at isinandal ang ulo sa balikat ko tsaka ipinaglapat ang palad na namin na parang isang couple.
"Aren't you hungry?" I asked.
"No." Tinangal niya ang pagkakasandal sa balikat ko at tinignan ako ng diretso sa mata. He kissed my lips, i respond without any hesitation.
We heard someone faking a coughs, disturbing our kiss. "Uh.. i was just wanted to ask kung anong ulam ang gusto niyo." Maj asked.
"Anything!" Both me and Damon said.
Maj chuckled, amusingly. "Okay."
"We should continue this later." Damon said, grinning.
"Yah!" I agreed, grinning. Aakma na sana siya sa pagtayo nang pigilan ko siya. Tumitig ako sa mga mata niya ng seryoso.
"Bakit baby?"
"Uh.. mapagkakatiwalaan ko ba yung assurance mo sa'kin na, ako lang ang hahalikan mo?"
"Oo, baby." He smiled and kissed my forehead to reassure me.
"Okay.." hinalikan ko ng mabilis ang labi niya. "Makakaasa ka din na ikaw lang makakatikim ng labi ko."
"Mabuti kung ganun." He said chuckling, amusingly at the same time. Hinayaan ko na siyang tumayo at pinanuod siyang maglakad papuntang kusina. Inayos ko lang muna yung sala, niligpit yung mga libro ko at ipinasok sa kwarto ko. Tsaka bumalik ng sala para linisin yung lamiseta, may isang box pang pizza ang di nakain. Mamaya nalang siguro.
Natapos ako sa paglilinis tsaka ko pinuntahan yung tatlo sa kusina. Nagkakasiyahan sila paglapit ko.
"Ano meron?" Tanong ko.
"Inaaway nila 'ko, baby." Panunubong na parang bata ni Damon.
"Gusto mo tulungan ko pa sila?" I joke, walking closer to Maj. They laughed except sa'min ni Damon, nakatitig lang siya sa'kin at nakangiti lang. Parang yung mga mata namin naguusap pero wala naman kaming pinaguusapan. Ganito ba epekto pag ilang beses mo ng natikman ang labi nung tao? Haha!
"You're so mean." He mouthed.
"I know!" I mouthed back, grinning.
Natapos si Majah sa pagluluto kaya tinulungan ko siyang maghain para sa aming apat. Syempre tabi kami ni Damon, not by choice kasi hinila niya 'ko papalapit sa kanya.
"Wow! Walang biro, masarap luto mo ah." Mario said admiringly. Malamang sasabihin niya yan kasi nililigawan niya yung nagluto. Pero realtalk din naman, masarap talaga luto ni Majah.
"Salamat." Nahihiyang sabi ni Majah.
"Marunong kang magluto, baby?" Damon asked chewing. Bakit bigla niyang natanong turn on kaya sa kanya yung masarap magluto?
"Mga prito lang." I shyly said.
"Mas magaling pala ako sayo kung ganun." Pagmamayabang niya.
"Marunong kang magluto?" Gulat kong tanong.
"Masarap din yang magluto si Damon." Mario said. Oh wow! So it's true. Akalain mong may hidden talent pala 'tong ugok na 'to?
"Really?" I'm still surprised!
He nodded. "Nagagamit ko din yun sa mga chicks." Kompyansa niyang sabi na nagpainit lang ng dugo ko. Kailangan pang sabihing ginagamit niya yung skills na yun para sa mga chicks? Lanya talaga 'tong ugok na 'to!
"Oo na, kumain ka nalang dyan!" Irita kong sabi. Nahalata niya yun kaya sinunod na niya yung sinabi ko. Buti naman dahil baka paltukan ko siya pag nag salita pa siya about sa chicks.
Natapos kaming kumain, ako na ang nag hugas. Ito kasi ang gawain ko, since si Majah naman ang nagluluto. Tinulungan naman ako ni Damon. "Hindi ka pa ba hinahanap sainyo?" Tanong ko habang nag sasabon, siya ang taga banlaw ko.
"Wala naman akong kasama sa Unit ko eh, kaya malamang wala."
"Bakit nasaan yung nga magulang mo?"
"Nasa America si Mama bilang nurse, ang Papa ko wala na."
"Hindi ka kinukuha ng Mama mo para dalhin sa America?"
"No! Ayoko dun. Di ko type ang mga Amerikana, mas gusto ko yung nga pinay." He winks at me. Ahh.. so about pala 'to sa pang chi-chick niya na naman. Bwiset lagi nalang niyang binabangit yan.
His phone suddenly rings on his back packet. Pinunasan niya lang yung kamay niya at sinagot nito yung tawag.
"Hello?.. Bakit?.. What are you doing there?.. That's because im busy.. K, fine goodbye too." He ends up the call. Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng bahagya.
I raised my eyebrow confused. "Sino yun?"
"My ex."
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...