Twenty.

533K 9.8K 377
                                    

Bukas na!

Bukas na ang pinaka nakaka kabang araw. Ang final exam. Di ko alam kung tama ba 'ko ng na review, o kung sapat na ba yung mga na review ko kasi naman simula ng mag away kami ni Damon until now di pa din kami nag papansinan.

Ito na ang pinaka mahabang araw na hindi kami nag pansinan.

Nakiki join naman siya sa'min sa table kaya lang, pareho kaming tahimik. Minsan napapatingin ako sa kanya, lagi lang tila malalim yung iniisip niya. Minsan din naman nakikita ko siyang nakatingin sa'kin tapos biglang iiwas pag napansin ko.

Yung mga kaibigan naman namin, understanding sa pananahimik namin. Hindi nila kami kinukulit o pinipilit na pinag uusap.

Sa totoo lang gusto ko na siyang kausapin kaso yung pride ko ayaw sumunod kasi kasalanan ko naman kung bakit pati siya galit, nicely siyang lumapit sa'kin para kausapin ako pero tinangihan ko.

Next week bakasyon na, at magkaaway pa din kami. Haay!

"Amber, tara na?" Tanong ni Majah ng makalabas siya ng kwarto niya.

"K." Walang gana kong sabi.

"Wow! Energetic mo ah." She said chuckling.

"Meron kasi ako ngayon."

"Oh! I see."

Lumabas na kami ng Apartment at dumiretso kami sa kotse para masimulan na ang byahe. Siguradong.. mainit whole day ang ulo ko. Goodluck, sa mang ba-badtrip sa'kin ngayon.

"Nakapag review ka na?" Maj asked habang na sa byahe.

"Yah." Matipid kong sagot.

She laughed. "Meron ka nga." Yah Yah! Kahit nga magisip parang wala din ako sa mood. Basta ang gusto ko lang makarating na ng school at ng makaupo na sa silya ko.

Nakarating din kami finally ng school. Pababa palang ako ng kotse ng magpaalam na kay Maj. "Una na ko!" Pagkasabi ko nun, bumaba na 'ko ng kotse at nagsimula ng maglakad. Ayoko sana talagang pumasok ngayon eh, kailangan lang dahil baka mag bigay ng pointers to review yung prof. namin.

"Amber.." i froze as i heard Damon's voice. I face him, slowly. Para akong tinututukan ng holdaper ng kutsilyo sa sobrang kaba, di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil ngayon ko lang ulit narinig na tinawag niya 'ko.

Wag niya lang sana akong simulang pagtripan o awayin dahil meron ako at baka sabayan ko lang na naman siya. Lalo lang kaming di magkakabati.

"B'bakit?"

"Gusto ko lang subukan kung lilingon ka." He seriously said.

"Ngayong lumingon ako, wala ka bang sasabihin?"

"Wala." Wala?? Wala siyang sasabihin sa tagal naming di nag usap? Ayos talaga. Paiinitin na naman niya yung ulo ko. Tumalikod nalang ako at di na pinansin pa yung sinabi niya kasi kunting salita nalang niya na di ko magugustuhan baka sumabog na 'ko.

"Amber.." he called again.

"Ano?!!" I face him, glaring.

"Miss na kita." My face softens as i heard him say the miss na kita words coming from his mouth. Mainit man ang ulo ko o hindi, gusto ko yung narinig kong yun.

Lumapit ako sa kanya at medyo awkward man dahil ang tagal naming di nagusap wala akong pakialam basta gusto ko siyang yakapin. I hugged him on his waist, and sinuksok yung mukha ko sa dibdib niya. Na miss ko din 'tong ganito, lalo na yung amoy niya.

"I miss you too." I whispered. Naramdaman ko yung pagyakap niya din sa'kin at pag halik niya sa ulo ko.

"Bati na tayo?" Tanong niya na dahilan para mapatawa ako ng mahina. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin diresto sa mga mata niya.

"Depende kung magiging honest ka sa'kin kung sa tagal nating di nag usap may hinalikan ka ng iba?" Napaisip siya ng isasagot sa'kin. Aba't loko talaga, don't tell me meron talaga? Hinampas ko siya sa braso niya.

"Aww, biro lang baby. Wala nu!" Sabi niya habang hinihimas niya yung braso niya.

"Okay, then.. bati na tayo." Ngumiti siya ng ubod ng laki na akala mo nakakita ng isang bandehadong chocolate. He holds my chin, and kisses my lips. Even if i wanted this kiss, kailangan ko nang pumunta ng classroom dahil baka malate pa ko. Ako na ang huminto ng halik at hinawakan siya sa magkabilang pisnge at tumingin sa mga mata niya.

"Kailangan ko ng pumunta ng classroom ko." He just nodded his head, looking down at my lips. Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi tsaka nag paalam na sa kanya para pumunta sa classroom.

Narating ko ang classroom na nandun na si Luisa at mukhang masinsinang nag re-review. Tumingin lang siya sandali nung makaupo ako tsaka ibinalik ulit ang tingin sa nire-review niya.

"Okay na kayo nu?" She asked making me looked at her. "You and Damon, laki ng ngiti mo eh."

I blinked at her, shockingly. Ganun na ba niya 'ko kakilala at nalaman niya agad yun o sadyang mabilis lang akong basahin?

"Dahil sa ngiti nalaman mo agad?"

She laughed. "Ngayon ka lang kasi ulit ngumiti nang ganyan, simula nung nagaway kayo."

Oh! talaga? Wow!

"Oo na, okay na ulit kami."

"Mmm.. sana naman bukas ayos pa din kayo." Siguro dahil lagi kaming nag aaway ni Damon kaya nasabi niya yan.

I rolled my eyes. "Basta wala siyang gagawing kalokohan, o bigla na namang susulpot na ex siguradong magiging okay kami."

Our professor finally came in, kaya nahinto kami sa paguusap namin.

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon