Seven.

697K 15.5K 446
                                    

Walang bakas na kahit na sino mula sa labas. Kaya nabigyan na kami nang pagkakataon ni Damon na umalis sa pinwestuhan namin para mag make out na naman.

Kung di pa kami umalis dito baka di nalang make out ang gawin namin dahil ang likot ng kamay niya.

I must admit.. i kinda liked it.

Nag dirediretso kami sa paglabas ng girl's room nang wala manlang naka pansin na sabay kaming lumabas dito.

Tumingin naman agad ako sa Bar Station kung nandun pa si Sam pero wala na. Baka di na 'ko hinintay. Okay na din yun kasi pangit naman kung makikipag kontakan ako sa kanya kung sa simula palang hindi na 'ko naging honest sa kanya.

"Hinahanap mo ba yung kasama mong lalake kanina?" Damon asked, from my back. Hindi nalang ako sumagot at nag continue nalang sa paglalakad papunta sa mga kasama namin.

Laking bigla ko at hindi ko maiwasang mapangiti nang makita kong si Majah hinahayaan mag paakbay kay Mario. Kita mo nga naman oh! Ngayon alam ko na kung bakit excited siya kanina dahil pala kay Mario, mukhang may nagugustuhan na ang best friend ko.

Bigla akong tumabi sa kanila kaya parang nakaramdam ng ilang si Mario. "That's alright, pagpatuloy mo lang yan." I joke. He grins at me. I give him my approval smile and elbowing my best friend teasingly.

"Nasaan na yung ka-fling mo?" Majah asked, changing the topic.

"No idea, baka umalis na." I answered then uminum ako ng beer.

"Tama na kakainum baby, baka malasing ka." Damon whispered. Hindi ako nakinig at pinagpatuloy lang yung pag inum ng beer, minsan lang 'to eh kaya dapat sulutin na.

"I think we should head out." Majah said as she stands.

"Already?" That i don't know the name said.

"Raffy, masyado ng late kaya we really need to go." Majah said.

"Kaya mong magdrive?" Mario asked, concerned. Kaya di ko maiwasang mapangiti, nangangamoy pag ibig kasi.

"Amber will drive."

"Kaya mo pang mag drive baby?" Damon asked.

"Yah!" I confidently said.

"Ihatid nyo nalang, delikado na kaya." Justin said.

"Good idea!" Mario said. Woe what??

"How? May kanya kanya tayong dalang sasakyan." Majah asked.

"Baby will ride at my car!" Damon exclaimed, raising his hand.

"What? Who told you that?" I asked.

"Me!" He pointed himself. I roll my eyes. Basta talaga gusto niya, gagawin niya. Haay!

"Okay, yung dala nyo nalang kotse ang gamitin natin." Mario said to Majah. Akalain mo nga naman oh, unti nalang iisipin ko nang pumaparaan 'tong si Mario.

"Paano naman yung kotse mo?" Majah asked.

"That's alright, babalikan ko nalang tutal ihahatid din ni Damon si Amber kaya magpapahatid na 'ko dito para balikan yung kotse ko."

"Okay, yun nalang. Kayo boys, di pa ba kayo uuwi?" Majah asked to them.

"No! Not yet, iinum pa kami." Lucas said.

"Okay, mauna na kami." Mario said. They just nodded their heads. Tinunga ko lang yung beer ko at nang maubos ko 'to tsaka ako tumayo.

"Grabe kang uminum!" Damon said disapprovingly.

"So?" Pabalang kong sabi. Para namang may pakialam siya maliban sa paghalik sa'kin. Sinundan ko nalang sa paglalakad sila Majah papunta ng parking, alam kong ganun din si Damon nakasunod lang sa'kin.

Narating namin ang parking at hinintay lang kami nila Majah at Mario sa tabi ng kotse namin.

Naramdaman ko ang paghawak ni Damon sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Guys, mauna na kami.. hindi dyan nakapark yung kotse ko eh." Damon said.

"Okay, sige.. magiingat kayo." Majah said.

"Mario, iuwi mo ng diretso yung kaibigan ko ha!" I warned, jokingly.

"Oh just shut up, Amber!" Majah said embarrassingly. I laughed at her reaction.

"Don't worry, diretso uwi kami." Mario said chuckling. Hinila na 'ko ni Damon palayo sakanila. Excited lang peg? Kinakausap pa yung dalawa eh.

Narating namin ang kotse ni Damon at nag feeling gentleman siya kasi pinagbuksan pa niya 'ko ng pinto sa kotse. Sumakay ako ng kotse at nang makapag seat belt ako saktong sakay ni Damon sa driver seat.

Sinong magaakalang sa bandang huli kami parin ang magkakasama nitong mokong na 'to. Kasi kanina lang may kanya kanya kaming uh.. kausap. Well ako kausap at kainuman lang siya kaharutan at kahalikan niya. Malandi kasi.

"What are you thinking baby?" Damon asked as he starts the engine.

"Wala." Matipid kong sagot. Nag cross arms nalang ako at sinandal ko yung ulo sa sandalan tsaka ipinikit ang mga mata ko. Ngayon ko lang naramdaman ang tama ng alak sa ulo ko dahil nakaramdam na ko ng hilo.

"Tinamaan ka nu?" I heard Damon's asked.

"Hmmm.." i just hummed, saying yes.

"Tinunga mo ba naman yung beer kanina eh." Whatever!

Nag simula na yung tahimik naming byahe habang naka pikit lang ako, hindi ako natutulog umiiwas lang akong kausapin ni Damon. Nag patugtog nalang siya siguro para mabalot ng musika ang katahimikan namin pero di ko maiwasang mabigla na ang pinatugtog niya ay yung tumutugtog nung nag make out session kami sa rooftop. Yung kanta ni Ciara na Body Party.

Minulat ko yung mga mata ko at tumingin kay Damon na ang laki ng ngisi sa labi niya habang nakatingin sa kalsada.

He's doing this on purposed!

"Patayin mo nga yang tugtog mo!" Irita kong sabi.

"Why?" He asked smirking.

"You know why!"

"Hindi mo ba namimiss yun?"

"Pwede ba Damon, kakagawa lang ulit natin nun kanina kaya paanong mamimiss?"

He laughed. "Oo nga nu?"

"Ah talaga lang! Nakalimutan mo agad ah!" I sarcastically said.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis tingin sakin. "Just kidding baby."

Hinila ko yung kamay ko. "Whatever!"

"Baby, bawas bawasan mo na nga ang pagiging mataray mo."

"Paano kung ayaw ko?"

"Well.. ayos lang din sa'kin, kasi pag mas inis ka mas lalo kang nagiging hot."

"Pervert!"

"Can't argue with that, baby." He said grinning widely.

---

Hi babies alam kong ayaw niyo ng A/N tulad ko, ang totoo iniescape ko lang yung mga A/N sa story na binabasa ko. Haha!
Pero pagbigyan niyo na ko ngayon lang ulit to.

Salamat sa reads, sana wag niyo makalimutang mag votes. Kung may mapansin kayong wrong spelling, grammar o kung ano man sa story na to.. just inform me. Sorry na din about dun, unedited kasi! ✌

At kung mapapadpad kayo sa iba kong story wag magtaka kung bakit same names lang nung nandito.. pag nabasa niyo profile ko malalaman niyo kung bakit.

Anyways, yun lang. Salamat, spread the love ♥

my_love_letter

(Follow na din, baby) ✌

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon