Twenty Nine.

508K 9.4K 362
                                    

Nag sisimula na 'kong mag imapake ng damit na hindi ko na nagagamit dito sa Apartment para madala ko na sa bahay namin sa Batangas. Bukas na ang alis namin at gusto ko man o hindi talagang mapapalayo muna ko kay Damon.

Natatakot akong baka sa di namin pagkikita makahanap siya ng iba, baka may makilala siyang bagong ka make out partner. Baka di ko kayanin pag nagakataon.

Natatakot din ako sa idea na, dahil may nangyari na samin baka tigilan na niya 'ko ng tuluyan tulad ng ibang lalake dyan na pag nakuha na yung gusto iiwan na. Natatakot akong baka hinihintay niya lang yung pag uwi ko ng Batangas bago tuluyan niya 'kong tigilan.

Malalaman ko yun pag nangyari na.

"Baby, are you naked?" Biglang nag bukas yung pinto ko at pumasok si Damon.

"Parang kang sira! Wala ka bang manners ha? Kumatok ka kaya muna!" Pagtataray ko.

"Ang init na naman ng ulo mo, lalo ka tuloy nagiging hot sa paningin ko." Haay! Kailan ba hindi? Haha.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya habang nakatingin sa maliit kong maleta.

"Iniimpake ko yung mga damit kong di ko na nagagamit dito para dalhin bukas pauwi, masikip na kasi yung closet ko eh."

Naglakad siya papalapit sakin at pumwesto sa likod tsaka niyakap ang bewang. "Oo nga pala, bakasyon na." He sounded sad.

"Hindi ka ba maghahanap ng iba pag nasa malayo ako?" I asked.

"No." He kissed my shoulder. "Never."

Two words. Kilig ako!

Alam mo yung feeling na parang may kung ano tyan mo, na wala naman talaga. Tapos mapapangiti ka nalang, ito yun.

Gago 'tong mokong na 'to pinakilig ako.

Humarap ako sakanya at inilagay ko yung mga kamay ko sa balikat niya at hinalikan ang labi niya pero smack lang.

"Promise?"

"I don't believed in promises baby, gagawin ko nalang." He reassured. I bite my lower lip, grinning. Kinikilig pa din ako, langhiya! He pointed my nose. "Kilinig siya!" He said laughing, chuckling a little.

"Che!" Humarap nalang ulit ako sa bagahe ko at kunyaring walang narinig habang tinatago padin yung kilig ko. Ang hirap pa naman mag tago ng kilig.

Niyakap niya ulit ako sa bewang. "Can i sleep here?" He asked, naramdaman ko ang paghinga niya sa batok ko na ewan.. nag painit ng pakiramdam ko?

"Wala ka na bang bahay?" I joke.

I heard him chuckled. "I just want to spend the night with you, aalis ka na bukas eh." Humarap ulit ako sakanya at tinitigan siya sa mga mata kung seryoso ba siyang makikitulog siya dito at nang makita kong seryoso siya..

"Sige, kakausapin ko lang si Maj kung pwede." Sana pumayag siya, may rule kasi dito sa Apartment na bawal mag tulog ng lalake sa kwarto namin. Actually parents namin ang nag bigay ng rule na yun.

He smiles excitedly. "Okay, i'll wait here." Umupo siya sa kama habang di inaalis ang tingin sa mga mata ko.

Ako lang ba o talagang ang gwapo talaga niya? Teka.. matagal na nga pala siyang gwapo.

Lumabas na 'ko ng kwarto ko at kumatok sa kwarto ni Maj para ipaalam yung Playboy na makitulog dito. Ilang sandali pinag buksan niya 'ko. "Oh bakit?" She asked.

"Uh.. pwedeng matulog dito si Damon?" Tumitig muna siya sakin at tila nag isip ng isasagot. "Please? Matagal kaming di magkikita, pumayag ka na."

She sighed. "Alam mo naman ang nag iisang rule sa Apartment na 'to diba? Bawal mag patulog ng lalake sa kwarto, kaya nga sa couch ko pinatulog si Mar nung nakaraan eh."

"I know, ngayon lang naman eh." Nag puppy eyes na ko para lang pumayag na siya. "Pleaaaase?!!"

"Fine, sige." Wala na siyang nagawa. Yes! Niyakap ko siya at hinalikan sa pisnge.

"Salamat, kung gusto mo patulugin mo na din dito si Mar." I winked playfully. Di ko na hinintay yung isasagot niya sa sinabi ko basta bumalik nalang ako sa kwarto ko para ibigay ang magandang balita kay Damon.

"Damon, pumayag si Maj." Excited kong balita sakanya. He smiled widely at me, tila siya nag diwang ng tahimik lang may pasuntok suntok pa siya sa hangin na nalalaman.

Tumayo siya lumapit sakin tsaka ako hinawakan ako sa magkabilang pisnge at mabilis na hinalikan sa labi. "Pupuyatin kita ngayon."

OH MY GOD!

I blink at him, shockingly. "I thought we were just going to sleep."

He laughed at my reaction. "Baby, what are you thinking? You think may gagawin ako?" He laughed loud. "Ang dirty mo mag isip." He added laughing.

I slapped him on his arms. "Dahil ang dirty mo din mag salita!!" Bulyaw ko.

"What? Me?" He makes a fake innocent face.

"He.he." I sarcastically said.

"Oh baby, you're so cute." He said laughing.

"Oh Damon, shut up!" Bwiset talaga siya! Malay ko ba kasi sa iniisip niya, eh ano naman kasing meaning ng sinabi niyang pupuyatin niya ko? Syempre mapapaisip ka ng madumi diba?

Loko talaga!

I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon