Nang makapag paalam ako may Mama kumuha lang ako ng pwedeng pangpalit para sa pag swimming namin sa dagat tsaka kami nag paalam kay Mama para pumunta muna kela Maj dahil magpapalam lang din muna siya kay Tita.
Habang nasa kalagitnaan kami nang paglalakad papunta kela Maj, nakasalubong namin sila Andrew at Ian na siguro ay galing covered court dahil mga pawisan pa sila at may bitbit na bola.
"Hey, guys." Maj greeted them.
"Aba may kasama kayo ah." Andrew said smirking teasingly. Tumingin ako kay Ian na seryosong nakatingin kay Damon. Bigla naman akong inakbayan ni Damon na dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Siya si Mario, boyfriend ko." Pagpapakilala ni Maj kay Mario. "Siya naman si Damon, schoolmate namin." She added.
"Mukhang close kayo ni Amber ah, may pa akbay akbay ka na." Ian said to Damon.
"You have no idea how close we are." Pabalang na sagot ni Damon.
"I'm Ian by the way, ex ni Amber." Ian extended his hand to offer a shake hands.
"I'm Damon." Hindi inabot ni Damon yung kamay ni Ian at tumitig lang dito. Uh.. nakakaramdam ako ng hindi maganda, hindi ko rin gusto yung awra ni Damon. Noong huling nakita kong ganyan ang awra niya nag seselos siya kay Sam. Siguro dapat umalis na kami.
"Uh.. sige ah, mauna na kami. Pupunta kaming tabing dagat eh." I said.
"Pwede ba kaming sumama?" Ian asked. Pambihira!
"Next time na Ian, madami pa namang araw eh." Maj said.
"Okay, sige." Lumapit sakin si Ian na pinagtaka ko. "Wag kang lalangoy ng malayo mabilis ka pa naman pulikatin." Grabe naalala pa niya yun?
"Don't worry." I reassured. Nag simula nalang ulit kaming maglakad papunta sa bahay nila Maj. Yung kaninang mga kamay ni Damon na naka akbay ngayon ay wala na at inilagay niya sa bulsa ng pantalon niya.
Haay! Ano ba yan, ngayon na nga lang ulit kami nag kita sira pa ang mood niya.
Narating kami ng bahay nila Maj at sinimulan na nila ang mag paalam ako tahimik lang. Binabalanse ko kung dapat ko na bang kausapin si Damon pero sa itsura niya mukhang wag nalang muna siguro dapat, pero baka pag nanahimik pa 'ko lalo lang uminit ulo niya.
"Saan pala kayo tutuloy ng two nights?" Tanong ko.
"Dito, pinahiram ng Papa ni Majah yung guest room para saming dalawa ni Mar." Atleast sinagot niya ko. Okay, magandang senyales 'to baka mawala na yung bad mood niya.
"Uh.. may isang guest room sa bahay, kung gusto mo pwede ka dun." I offer.
"Salamat." Matipid niyang sabi.
"Okay." Wala na 'kong masabi. Pambihira!
Nang makapag paalam na sila, kumuha lang sila ng pangpalit nila tsaka namin sinimulan ang byahe papunta sa tabing dagat, fifteen minutes kasi ang layo nun sa bahay kaya ginamit namin ang kotse ni Maj. Silang dalawa ni Mar ang nasa harap samantalang kami ni Damon nasa likod.
Tahimik lang kaming dalawa habang yung dalawa sa harap todo usap at nagtatawanan. Tumingin ako kay Damon na seryosong nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse.
Nakakainis!
Bahala na. Hinila ko yung mangas ng T-shirt ni Damon para tumingin siya sakin at effective naman. Tumingin siya sakin at hinalikan ko siya ng mabilis sa labi niya, tsaka ko kinuha yung kamay niya at pinaglapat ang mga palad namin na parang isang couple.
Hindi naman niya hinila o tinanggihan yung pag hawak ko ng kamay niya kaya hindi ko na binitawan yun hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.
Naunang bumaba yung dalawa kesa samin. Kahit ayaw ko kailangan ko ng bitawan ang kamay ni Damon dahil bababa kami ng kotse. Sabay kaming bumaba sa separate door.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Magusap muna tayo." Seryoso niyang sabi. Bago pa 'ko makasagot hinila na niya yung kamay ko.
"Maguusap lang kami ni Amber." Damon said to Mar and Maj. Galit nga siya, Amber lang tawag eh. Hanggang ngayon ba naman?
Hinila lang niya 'ko ng hinila sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tabing dagat at kami lang yung tao, i mean may tao naman kaya lang malayo sila.
"Ano pag uusapan natin?" Tanong ko.
"Kasama niyo ba yung ex mo sa inuman niyo nung nakaraan?" Galit niyang tanong.
"Oo."
"Bakit ang sabi mo kaibigan mo lang ang mga kasama mo?"
"Kaibigan ko nalang si Ian."
"He's still your ex. What would you feel if i drink with my ex?"
I sighed heavily. "Okay, im sorry about that." I calmly said. Hindi siya sumagot at halata padin ang inis sa mukha niya. Niyakap ko siya sa bewang niya at sinuksok yung mukha ko sa dibdib niya. "I understand that you're mad pero ngayon lang tayo ulit nag sama mag aaway pa ba tayo?" Tanong ko.
"You're right." He calmly said. Tinanggal niya yung mga kamay kong nakayakap sakanya. "May sasabihin pa 'ko."
"Ano yun?"
"Nung gabing nag away tayo sa cellphone, pumunta ako sa Club and i uh... almost kissed a girl."
Napaatras ako sa gulat.
"You what??" I almost yelled, freaking out.
"Hey, calm down.. i said almost."
"Anong pinag kaiba nun? Nandun padin ang intensyon mong halikan ang babae!"
"You're right." Ni hindi manlang tinanggi ng mokong. "But listen first, hindi ko natuloy yun dahil pumasok ka sa isip ko."
Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa sa sinabi niyang nag pigil siya dahil naalala pa din niya 'ko noong tempted na siyang humalik ng ibang babae. Oo uminum ako kasama ni Ian, pero wala akong ginawa o nag tempt manlang na gawin na kalokohan! Pero siya Oo! Bwiset talaga!
"Baby, listen to me ngayon ko lang 'to sasabihin at di ko alam kung mauulit ko pa.." He paused. Huminga siya ng malalim at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"I like you so much baby, please agree to be my girlfriend."
---
Ha! (Grinning) Watcha think?
Comment lang kayo, vote na din. ;)
BINABASA MO ANG
I'm Making Out With The PLAYBOY at School (Published Under PSICOM)
RomanceHIGHEST RANK: Number 1 in Romance -- Ang tanging gusto lang naman ni Amber ay katahimikan sa pag idlip, at sa rooftop niya magagawa yun. Pero ang di niya inaasahan nang makita dun ang well known playboy na si Damon na umiidlip din. At mas di niya in...