*AIZANY's P.O.V*
First time ko lang po dito sa EastWood akala ko University to pero My Gad! palasyo yata tong napuntahan ko.
"My G! ang luwag-luwag ng espasyo ng bawat room. Kala mo may 206 students yun pala 50 lang"
Kasi naman po ang laki talaga ng space ng bawat rooms dito. Ang high-tech pa ng board namin, touch screen. At yung mga upuan ng mga estudyante hanep may cushion pa sa bawat bangko. May glass window pa at kita ang field sa campus. Lakas makaputi pa ng aircon sa loob haha!
"Ayoko na, dito nalang ako titira" tuwang-tuwang sabi ko ng makaupo ako sa napili kong seat.
"Kung hindi naman nakakahiya sayo, seat ko yang inuupuan mo" sabi ng boses mula sa likod ko.
Nilingon ko to naman ito.
At Oh my! Angel. Na insecure naman ako sa kagandahan ng babaeng ito.
Yeah, girlalo sya. Ang anghel na sana nya tignan eh kaso lang nakataas ang isang kilay nito sakin. Sa sobrang sama ng tingin nya sakin nabago na ang tingin ko sa kanya bilang isang anghel. Tinubuan ito ng sungay sa magkabilang parte. Yaay!
"Seat mo to?"
"Ay? pa ulit-ulit? Di ako unli" anak ni pilosopo tasyo naman to oh.
"Ah paload ka nalang uli tas wag mo kalimutan e regester ok"
''Anong ibig mong sabihin?" Ayyy..Bopols pala to eh. Di nya gets?
"Sabi mo di ka unli"
-__- expression nya...
"Tatawa naba ko? Kasi ang sakit sa tyan nang joke mo"
Luh? Punchline yun ni author di sakin. Hoy author umayos ka! Wag mo kong ipahiya.
"Sabi ko nga waley yong joke ko. Oh aalis na... para seat lang eh" umalis nalang ako kesa naman mauwi pa sa bangayan to eh, pero sana di nya narinig yun. Hehe
"Heard that!"
O,O? naman oh! Tiningnan na naman nya ko ng masama. Kung kutselyo pa mata nya malamang sugatan nako ngayon sa mga titig nya.
^___^v nag peace sign nalang ako sakanya at inirapan nya lang ako. Grrr!
Kaya umupo nalang ako sa likod nya. Nag si-upuan na kasi ang iba at comportable naman dito sa likod ng maldetang anghel nato. Titiisin ko nalang ang masamang aura nya.
Ilang sandali pa ay may pumasok nang teacher at umayos ang lahat ng upo. As usual ang routine ng mga teachers pag bagong klase ay pakilala. At diba ang kasunod nito ay kami naman ang magpapakilala? Pero sabi ni teacher ilagay nalang daw namin sa isang 1/8 sheet of paper ang pangalan namin, edad, at address. Onga pala college nako dina high school.
"Shit! Tong ballpen nato kainis!" rinig kong sabi ng maldetang anghel sa unahan ko.
tinapon ba naman ang ballpen nya. Ano nalang kaya gagamitin nya? Bopols talaga nito.
"O, may extra ako, gamitin mo" abot ko sakanya ng ballpen ko. Swerte nya dalawa yung nadala ko ngayong ballpen.
"Now you're trying to be nice?" sabi nya, ano namang masama sa ginagawa ko. Sya na nga tong tinutulungan eh, ang maldeta talaga nito.
"Oh edi wag, madali akong kausap. Bahala ka walang ma-ipass kay teacher Sulli" pangongosensya ko.
"Haayst! Sige na nga pahiram ako" halatang napilitan lang syang sabihin yun. Nyahaha!
"Sabihin mo munang Please" ^__^ sige nga tignan natin kung makakaya ng konsensya nya.
"Ughh... I hate to say these, but... okey... Please!! Happy now?"
Yap! Very much! Agad ko namang binigay sakanya ang ballpen ko.
" thank you " nahihiyang sabi nya.
Mahina lang ang pagkabanggit nya nun pero rinig na rinig ko.
Marunong pala mag thank you ang maldetang to. O__O?
"Ako nga pala si Aizany... ikaw?" Busy pa naman si Mam Sulli eh kaya okey lang chumika.
"Taezel"
I stretch my hand to her para makipag shake hands kasi diba yun naman talaga ang ginagawa pag nakikipagkaibigan.
Then she grab my hands at nakuryente ako. Di joke lang.
"friends?" me
"friends" her
Yeeha! Tenext ko agad si Lena unnie na may bago nakong friend. Ang Saya. Suplada, maarte, pero mabait naman pala.
YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
FanfictionPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)