Chapter 48: Continuation

44 4 3
                                    

*SEOANE's P.O.V*

Gaya ng sinabi ni Mr. Gary Vulcan hinayaan ko nanga sila Shownu. Pero binaling ko muli yung attensyon ko kay Jungkook na sa isang tabi tapos syang isawalang bahala ni Shownu.

"Ah, Jungkook tubig oh" sabay abot sakanya ng bottled water.

"Oy salamat" tas inabot nya yung bottled water at muntik nang magkahawak ang kamay namin. Nag-umpisa na naman yung kilig feels dito sa loob ko. It feels like a movie at all.

"Uhb! Uhu uh! Uhu!"

Nabasag na naman ang moment ko dahil sa paubo-ubo effect ni Shownu. Tinignan ko naman sya ng matalim.

"May nakabara yata sa lalamonan ko at diko maalis-alis. Tubig nga" ika nya. Bakit parang nagpaparinig sya? Haay ewan wala akong paki kung may nakabara sa lalamonan nya, pero dahil mabait ang konsensya ko Inabotan ko naman sya ng bottled water pero matatalim parin ang tingin ko sakanya.

"Thanks" sabay ngiti nyang paantipatiko.

"Sige SeoAne, pupuntahan ko muna mga kaibigan ko sa ibang department salamat uli ah" paalam sakin ni Jungkook. Nabahiran tuloy ng pagkadismaya ang mukha ko.

"As in Now na?" ayoko pa syang umalis.

"Oo eh. Di bali sa iisang campus lang naman tayo kaya magkikita parin tayo, bye"

Nagkagulo lahat ng mga paro-paro dito sa loob ko ng hinawakan nya muna ako sa balikat at nginitian bago sya naglakad palayo. Heaven bay!


"Anong klaseng pagkain to ang alat" ika ni Shownu. Nabaling na naman yung attensyon ko sakanya.

"Kailan pa naging maalat ang letche flan?" oo letche flan po ang tinitikman nya. And FYI noh gawa ko kaya yang letche flan. Nang ginawa ko yan at pinatikman ko kay kuya ayaw nya nangang tigilan. At ngayon sasabihin nyang maalat ang letche flan ko. Letche sya.

"Ngayon lang" sabi nya.

"Kapal mo ah, bakit? Marunong kabang gumawa ng Letche flan? Marunong kalang yata kumain non eh"

"Mas masarap ang gawa kong letche flan keysa dito noh" ika nya. Hinahamon nya ba ako? O minamaliit nya yung ginawa ko? Parang both. Pero wait-! Isang rebel na kagaya nya marunong gumawa ng letche flan? Unbelievable.

"Huh, talaga lang ha, sa nakikita ko sayo parang mas nilalaan mo lang ang lahat ng oras mo sa gym para magpalaki ng katawan" yah, naka sleeveless jersey kasi sya eh kaya kapansin-pansin ang mga maskuladong braso nya.

"Sa lahat ng pwedeng mapansin katawan ko pa talaga" ika nya, di naman ako nakapagsalita agad. I was taken aback. Wala akong maisip na ibabatong rason sakanya. Aiiish! Bakit ko sinabi yun? Anong iniisip nya, na pinagnanasaan ko ang katawan nya? Gaad! bakit ba kami nauwi sa ganito?

Nang dahil lang sa Letche Flan? My Gad!

"H-hoy! Mukha mo, diko pinagnanasaan e ya-yang k-katawan mo noh" sabay iwas tingin ako sakanya. Kainis.

"Sinabi ko bang may pagnanasa ka sakin? Sinabi ko lang naman kung ano yung unang napansin mo sakin" di parin ako nakatingin sakanya. Base sa tono ng pananalita nya nakangiting mapang-asar sya ngayon.

Feeling ko tuloy umakyat yung mga dugo ko sa pisngi dahil sa hiya. Oo nga noh, tama sya. YAAAAH! Bakit ba ako nagkaganito?

"Nga pala, 4:30 pm dapat andun ka sa court ha" sabi nya.

"Anla? Ano naman ang gagawin ko sa court?"

"Diba kasali ka sa volunteer's ng paramedics? kayo ang aalalay sa kung may aksidente mang mangyari. I need you to be there at pag wala ka don sigaradong malalagot ka sakin"

Naku naku naku!, ano sya boss ko? Kung makapagsalita to kala mo kontrolado nya buhay ko ah.

"Hoy! Sino kaba para sabihan ako nyan? At bakit alam mo na kabilang ako sa mga nag volunteer? Sagutin mo ko! Sagotin mo ko! Ngayon din!"

"Sinasagot na kita, so ano? Tayo na?"

O///O A-ano? Tumuyo bigla ang lalamonan ko.

Ano nga uli ang sinabi nya?

So ano? Tayo na?

Tayo na?

Tayo na?

Kami na?


"Ahahahahahahaha!!" Lol. Ewan ito nalang kasi naisip kong paraan. Idinaan ko sa tawa para mawala sa isipan ko ang sinabi nya. Nagpapatawa ba sya? Malabong maging kami noh. Malabong maging kayo SeoAne. Sa kagaya nyang lalaki panigurado yung tipo ni Choa ng AoA academy ang gusto nito.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya. Alam ko di nya naiintindihan kung ano ang nangyayari sakin ngayon.

"Tawang tawa ka?" tanong nya.

"Ahahaha- ay? Akala ko kasi nagjo-joke ka hahaha"

"Seryoso ako sa sinabi ko" napahinto naman ako sa pagtawa. Napatingin naman ako sa mga mata nya.

"Se-seryoso k-ka?"

Ngayon napahinto naman ako sa paghinga ng humakbang sya papalapit sakin at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. At di lang yun, yung puso ko nagkakarira na sa loob. Ewan, kung sa kaba ba to dahil di lang kami ang tao sa tent o kumakabog to dahil kay Shownu.

"Bakit? Maniniwala ka?" sabi nya.

Naloka ako sa sinabi nya, gago sya, tinulak ko nga. Malakas ang pagkakatulak ko sakanya pero para sakanya hangin lang yata ako, napa isang hakbang ko lang sya palayo eh.

"Anong akala mo sakin oto-oto? Umalis ka nanga" kaembyerna, stress sya sa bangs ko.

"Aalis ako, and remember to be there at the court okey?" inirapan ko lang sya at smirk lang ang ginanti nya, umalis na nga sya gaya ng sinabi nya.

Haay nako.

Pero aaminin ko, gusto kong maniwala non. Kaasar lungs!! Kasi kong titignan mo si Shownu parang sya yung taong nagsasabi ng totoo eh. Pero yun nga lang, isa syang rebel seoane, at alam mo naman ang ginagawa ng mga rebels at dapat di mo yan kalimutan.

"Kailan pa naging ganun si Shownu?" biglang sulpot ni Jessa sa tabi ko. Kabuti yata to.

"Naging ano?" tanong ko sakanya.

"Alam ng lahat na sya lang bukod sa Monsta X ang umiiwas sa mga babae. Pero sa nakikkita namin ngayon SeoAne, ikaw palang ang kinakausap nya ng ganun. Ngayon ang tanong naming lahat 'Anong meron sayo?'" may halong ngiting nakakaloko sa mukha ni Jessa.

"Oo nga SeoAne ikaw na kaya ang tatanghaling 'Ang babaeng magpapalambot sa sa tigasing Rebel leader'" ika ni Yvis. Ngayon ako na ang pinagkaguluhan nila. Ibang klaseng mga klasmate naman to oh chismoso't chismosa.

"Heh! Ewan ko sainyo" yunnalang ang nasabi ko para tigilan na nila ko. 

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now