Chapter 59

49 2 2
                                        


*SHOWNU's P.O.V*

Mrs. C kung makapagparusa kala mo grade 1 students kami.

Kala ko talaga mailalagay ko na naman ang buhay ni SeoAne sa conflict. Ayoko na yata syang makitang haggard ngayon.

Buti seat on the air lang ang abot namin lahat.

Sinabi ko bang 'lang'?

Ay Potek!

Yung mga tuhod namin bibigay na talaga eh. Pag di namin sinunod si Mrs. C dalawang oras kaming ganito.

Si Yul at Wonho na late dumating ay di pinagalitan. Ayon lang sila sa couch nakaupo habang pinapanood kami.

Ang Unfair talaga ng buhay dito sa mundo!

Sana pala nagpa-late ako, sa sobrang excited kasing makita si SeoAne kaya ito.

Mrs. C dada parin ng dada eh pero di ako nakikinig sakanya, ang attensyon ko ay naka'y SeoAne lang. Alam kong pagod na sya sa ginagawa nya.

"SeoAne" katabi ko lang sya kaya hininaan ko boses ko para di maisturbo ang talak parin ng talak na si Mrs. C

Ginawian naman nya ko ng tingin. At labis nang kinatuwa ng kalooban ko yun. Pero nakakunot naman yung noo nya, tsk sayang di bagay sakanya ang ganyang mukha.

"Kaya mo pa ba?" concerned ako oh.

"Wag mo nga akong kausapin" Inuulit ko, ako na nga tong concerned, hmp sinungitan ba naman ako.

"Bat hindi?"

Before she speak she rolled her eyes on me.

"Tinanong mo pa, kaw kaya naglagay sakin sa sitwasyong ito. Salamat sayo"

Magsasalita pa sana ako kaso...

"SeoAne – Shownu plus 5 minutes kayong magse-seat on the air" sita samin ni Mrs. C

Nako po.

After that di nako pinansin ni SeoAne. Minsan talaga ang sungit nitong babaeng to. Ayoko naman sa mga kagaya nyang pa-change of mood noon ah, pero bakit ngayon?... Nababahala ako pag wala sya sa mood.

Naapektohan mo na talaga ang buhay ko SeoAne kung alam mo lang.

Simula nong naging tutor namin sila, may nag-iba na talaga samin. Akala ko nga noon eh baka ginagayuma na nila kami pero hindi, sadyang kakaiba lang talaga sila. Diko alam anong meron sa mga to.

Si I.M hindi yan pala ngiti, ang cold kaya nyan, pero ngayon ngumingiti nalang basta ng walang dahilan. Wala yang sinasakay na iba sa mamahalin nyang kotse pero ngayon hatid sundo pa nya si Aizany.

Si Jooheon talagang basagulero tong damulag nato, pero ngayon naoobserbahan kong nag-iiba na sya, ang inaaway nya lang ngayon ay si Lena at sa tingin ko paraan nya lang yun para ang attensyon ni Lena ay nasakanya. Nakita ko nga sya nong rehearsals ng Miss Intramurals palihim nyang tinitignan si Lena, andun lang sya sa isang sulok. Nang natapos na silang mag rehears nag-iwan pa talaga sya ng tubig na may sticky note sa tabi ng bag ni Lena. Thoughtful na ang loko.

Si Kihyun alam kong do ma da moves to ng palihim, torpe to eh alam ko, pero ngayon hindi na may naoobserbahan din akong sweet gesture sakanilang dalawa ni Micheca. At panay sila nalang lagi ang magkasama.

Ito namang si Minhyuk hindi lang halata pero katulad nya rin si Jooheon, akala ko puro nalang kabalastugan ang iniisip nagulat nalang ako nong isang araw tinanong nya ko kung pano ba raw magkakaayos ang tigre at lion. Alam kong may meaning yung sinabi nya, katulad nalang nilang dalawa ni Taezel. May ginulpi pa nga syang isang studyante sa hallway dahil ang lagkit nito makatingin kay Taezel. Syempre di alam ni miss liit yun.

Si Wonho naman playboy to oo, pero ngayon to do mag-alala kay Miss Transferee, minsan tumitingin to sa iba pero pag andyan na si Miss Transferee at may kasamang iba nagiging I.M na. Yun bang kalma lang ang itsura pero ang awra nakakatakot na. Baliw rin eh noh.

Tapos itong samin ni SeoAne natatakot akong umamin, hindi ko pa kasi confirm kong may gusto ba sya sakin eh, pero sa tingin ko wala. Malabo. Crush nga nya yung si Bungook?... mangkook?... Jurungkook? Ay EWAN! Kung anong pangalan non at san planeta yun nagmulang lalaking yun. Naiinis ako, naiinis rin ako sa sarili ko.

And lastly I observe, alam ko hindi parin mabuti ang lagay ng status ng dalawang to. Hyungwon at Soojen, pero alam kong sino namang sinisigaw ng puso nitong si Hyungwon ewan ko nalang kay Soojen, mortal enemy nya si Hyungwon eh.

"Minhyuk ano bang pwedeng gawin para maibsan ang pagtatampo sayo ng babae" tanong ko ng finally dinismiss na kami ni Mrs. C, pero natigil naman sya sandali sa sinabi ko.

Aaaah Oo nga pala di ito sanay na mag tanong ako tungkol sa babae. Because they never heard me once not until those girls came to our lives.

"Shownu nilalagnat kaba?"

Aisssh bakit pa sya yung tinanong ko, andun naman si Kihyun at Wonho expert yung mga yun.

Nag walkout ako sa harap nya. Ako nalang magiisip kong anong gagawin.

"Oy Shownu sandali! Ito naman oh" nahabol nga nya ko at ngayon nakangiting aso pa sya.

"Sinong maswerteng babae to ha? Don't tell me si SeoAne to, magkakapatayan muna tayo" so hindi talaga sya nagbibiro na gusto nya si SeoAne?

"Nagbibiro kaba Minhyuk?"

Umiling lang sya sakin "Bakit naman ako magbibiro"

Ano? Pano si Taezel? Akala ko ba - -

"JOOOOOKE!! HAHAHA! Laptrip yung mukha mo leader! HAHAHA!" 

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now