Chapter 22

61 6 0
                                    

*SEOANE's P.O.V*

"Kuya hatid mo na ko!" I need to be on my duty kahit Saturday ngayon.

"Ayoko" tumalikod ito sakin at nagtago sa kumot nya. Alas otso na hindi parin ito bumabangon sa kama.

"Kuya bumangon kana dyan tanghali na" inalis ko yung kumot nya pero kinuha na naman ito pabalik.

"Kaw nalang mag drive disturbo naman to" sabi nito at nagtalokbong ng unan sa mukha.

"You know dad won't allow me. Wala pakong driver's license mahuli pako ng mga LTU sa labas" pagmamaktol ko.

"Mag taxi kanalang" haay kainis to.

"Ayoko"

"Edi mag commute ka nalang"

Grrrrrrr! Bakit ko ba to naging kapatid. Ang layo-layo ng ugali namin sa isa't isa. Palibhasa nagtratrabaho na sya at wala na syang masyadong inaalala.

"KUYA!" inis nako.

"Alright! Ang kulit mo kainis."

Hahahay! Ayan at bumangon rin. Alam ko hindi ako matitiis nyan eh. Kailangan lang ng kunting push.

"Ayan bumaba kana bilis" hmmp, makacommand naman to parang sya yung boss ko.

"Edi thank you" sarcastic kong sabi sabay irap ko sakanya. Paglabas ko sinadya ko talagang lakasan ang pagsara ng kotse.

"Kung maninira ka ng bagay make sure wasak ha" habol nyang salita. At pinaandar ang kotse saka pinaharurut ito.

"don't worry kuya sa susunod wasak na wasak na talaga" sayang di nya narinig yun. Kainis eh.

Ganito talaga kami ni kuya, hobby na namin ang asaran. Bawal ang pikon. Yung kanina di pa kami galit nyan sa isa't isa. Natural lang yun samin.

Well for now andito ako sa StarShip Medical Hospital. Dito ako na assign mag volunteer as a Nurse. Kung baga practice na namin to para maranasan namin pano ang trabaho talaga ng isang nurse. Now I can do this! Sabi ng instructor namin naka base ang grade namin sa patient namin. Sila daw ang magdedecide kung pasado ba kami para maging nurse. May matatanggap kaming star sa mga patient meaning nagawa namin ang best namin.

"Hello volunteers, welcome to StarShip Medical Hospital I'm Doctora Bora ang magiging head nyo dito. Now bibigyan ko kayo ng mga list ng mga patient na aalagaan nyo"

Woah this is it. Medyo kinakabahan nako, this is our first time. Isa isa na kaming nakatanggap ng mga list, sana wala akong makulit na pasyente nito para makakuha ako ng star.

"Now you may start"

Hala, sino ba ang uunahin ko dito? Nakalagay kasi dito ang mga time at mga gamot na kailangan ng mga pasyente at oras kung kalian sila eche-check. Mahalaga talagang magdala ng relo, buti may suot ako ngayon.

"Mr. Rumualdez – check-up time 9:30. Med to take (AMXCLN anti bacterial) Second floor room 11"

(A/N: gawa-gawa ko lang ang gamot nayan, haha!)

"Okay I can do this" hinanda ko na ang mga kailangan ko. Weeh! Para na talaga akong Nurse nito. Ang sarap sarap sa pakiramdam na may matutulongan ka. At binabati pa ng kapwa nurse.

"Mr. Rumualdez gamot nyo po" andito ako ngayon sa patient number one ko. Isa pala syang may edad na. May dixtros pa sya at halatang di pa sya magaling.

"Bago kabang Nurse dito?" tanong nito na magkasalubong ang kilay. Lagot parang ayaw ako nito.

"Ah, opo volunteer po ako dito" magalang kong sagot, syempre respeto tayo sa mga nakakatanda.

"Anong klaseng ospital to at isang bagohan ang inatasan nila para mag-alaga sakin? Wala kapang masyadong karanasan. Baka ikaw ang maging dahilan ng maaga kong kamatayan"

Luh? Grabe sya, hindi naman ako ganon ah.

"Ah, lolo- -"

"Wag mo kong matawag-tawag na lolo di kita apo" putol nyang sabi sa sasabihin ko.

Ito na yata ang simula ng kalbaryo ko.

"Makinig kayo sakin, mahalagang mainum nyo na po ang gamot nyo"

"Ayoko baka lason pa yan eh" haay grabeng matandang to.

"Po? Hindi ko po magagawang lasonin kayo. Utos po to sakin ni doctora na painumin kayo. Sige kayo baka forever na kayo dito"

"Walang poreber!"

Etchosera tong matandang to. May nalalaman pa talaga syang ganyan? Nakuuu, ako ang tatanda nito eh. Okey, patience SeoAne patience. Habaan mo lang pasensya mo.

"Heto napo, inumin nyo na gamot nyo" paglalabing ko sa kanya baka sakaling effective.

"Ngayon nilalandi mo nako? Anong klase kang Nurse!"

Waaah!!! Anong nilalandi pinagsasabi nitong matandang to. Haller! Di ako papatol ng kagaya nya noh. Hoooo! Pressure.

"LOLO! Iinum kayo o e-injection ko pa sayo ang gamot mo?" wala na, malapit na talaga akong mawalan ng pasensya.

"akin na nga yan. Iinumin ko na para umalis kana" hinablot nya mula sakin ang gamot at tubig at sabay itong ininum.

"oh tapos na! lumayas kana"

Rrrrrrrrrrr! Ang sarap nilang ipagsama ni kuya.

"Masusunod, Your Highness"

At yun nga lumabas nako. Grabe talagang matandang yun. Kung ganyan ang una ko palang pasyente ano pa kaya ang susunod.

"haaaay nakuu" sabi ko nalang sa sarili ko at napasandal nalang sa wall ng hospital. Di pala easy maging nurse.

May gagawin pa pala ako. Kailangan kong bumalik sa Nurse station.

Nang naglalakad ako sa hallway may nahagip ang mata kong pamilyar na tao. Sinundan ko to ng tingin kung saan ito papunta hanggang pumasok ito sa isang Private Room.

"Anong ginagawa ni ShowNu dito?" di ako nagkakamali si ShowNu talaga yung nakita ko. Pustahan pa tayo. Sige puntahan natin.

"Miss Seo Jo Ane, may eche-check kabang pasyente dito?" oops, yung boses nayun. Agad akong umayos at humarap sa kanya.

"Ah, wala po Doktora Bora"

"Well, dapat nasa Nurse Station ka ngayon at may ginagawa"

"Ah, onga po... sige po... pupunta nako don... sorry po doktora"

Kumaripas nako papuntang Nurse Station. Kahiya naman oh. Kaw kasi SeoAne eh, umayos ka first day mo ngayon bawal kang magkamali.

Eh bakit, bawal bang ma curious?. Pumasok nga si doktora sa private room kung saan andon din pumasok si ShowNu. Gusto ko lang din malaman kung anong nandon o baka gumagawa sila ng mga kababalaghan don.

Aish!!!! Ano ba tong iniisip ko.

"Seo Jo Ane! Focus... okey? Focus ka lang sa mission"

Breath in, breath out!

Okey.

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now