*LENA's P.O.V*
"Lena, pwedeng maupo ka muna? Ako yung nahihilo sayo eh" napahawak naman si Micheca sa noo nya at hinimas-himas ito.
Di kasi ako mapakali eh. Di ako makapaniwala. At lalong-lalo na, diko alam anong gagawin.
"Alam mo okey lang yan noh. Wala kabang tiwala sa sarili mo?" meron, ay, wala pala, ay di meron naman no, hahaha kunti nga lang. Pero atleast meron. Pero ganun narin yun, wala. Haaay nakakaloka!
"Bat ba kasi ako ang napiling Miss EastWood Queen Candidate sa department natin?" yap guys, yan ang prinopoblema ko. Naupo na nga ako katabi ni Mich, napagod rin ako kakalakad-lakad left to the right eh.
"Nagtataka nga rin ako eh kung bakit ikaw ang napiling Miss EastWood Queen" sabi ni Mich ng hindi nakatingin sakin.
"Andyan naman sina Sana, Nayeon, at ang senior nating si Yoona, at lalong-lalo na andito naman Ako" bakit parang may meaning sa likod ng sinasabi nya?
"Alam mo Micheca tama ka, pinapagaan mo lalo ang loob ko eh. Para mo naring sinabing di ako karapat-dapat na maging Miss EastWood Queen" tumayo na ako at iniligpit ang mga gamit ko.
"Oh?-oh?-oh? teka lang, joke lang yun ano kaba?" joke joke sya dan, joke-jokin ko sya eh. Hinila naman nya ko paupo uli. Ah Onga pala, andito kami sa kung san pwedeng tambayan ng eastwood. Mini park kasi to ng campus at dito pwedeng mag-aral, umupo, magsnacks, magpalipas oras ang mga students. Free wifi sa part nato, ito may nagpopokemon go dito.
"Ikaw naman kasi eh, mas lalo mong pinapabigat ang loob ko" tas nag pout ako sakanya.
"Wag kang mag pout, di bagay sayo" kontrabida talaga tong babaetang to. Binatokan ko nga sa ulo. Lahat nalang gagawin ko may sasabihin sya eh.
"Masakit yun Lena ha!"
"Magtaka ka kung hindi"
"Che! Mag-isip ka na nga lang kung anong gagawin mo sa Contest" himas-himas parin nya yung binatukan kong part.
"Haaaaaaay! T,T nakakastress!!!! Nanahimik na nga lang ako sa meeting non eh. Kainis binigyan nila ng problema ang buhay ko" kasalan kasi to ng Hanbin nayun eh. Kung di nya lang ako tinuro edi sana wala akong iniisip ngayon. Malaya pako magsasaya sa School Fiestival namin.
"Ayaw mo nun? Naniniwala sila na maiiuwi mo ang korona. At dala mo ang pangalan ng ating batch"
"Yun na nga eh, dala ko ang pangalan ng batch natin, pano kung talo ako. Edi nakakahiya sa mga ka department natin" tinapik naman ni Mich ang balikat ko.
"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, dipa nag-uumpisa ang contest nega kana. Think positive" ika ni Mich, mabuti pa sya nasasabi nya ang mga bagay nayun kasi nga di sya ang lalaban. Pero bakit? Eni-encourage na nga ako ang bigat-bigat parin ng nararamdaman ko.
Ang gusto ko lang naman kasi ay masali sa Volleyball team namin. Yung nakasuot ng jersey, at proud na proud ipakita ang lucky number kong 11. Pero di pwede, di raw pwede akong sumali sa laro kasi dapat adaw akong magfocus sa pagent. Jusko, pagent ano beyeeeen kinakabahan na naman ako.
"Kaya mo yan! Ikaw pa"
Haaay sana nga.
*MICHECA's P.O.V*
Masaya kaming umiinom ng starbucks coffee ni Lena ng may dumating na ekstra dito sa storya.
"Ikaw ang piniling Miss representative ng course nyo? How pathetic"
Please welcome, ang ubod ng yabang, gandang-ganda sa sarili, at gusto nya lahat ng cute boys dito sa EastWood ay mapasakanya. Kilala sya dito sa pagka fashionista nya, yung tipong regular class lang pero yung sout nya akala mo may runway na gaganapin. Ayaw nyang magsuot sa department uniform nila kasi ang pangit raw nito, wala namang magawa ang mga instructor kasi isa din ang pamilya nila sa may malaking naiambag sa paaralang ito.
Ito na sya, Miss Balbwakwha DhorugDhorug Muocha.
Hehe joke lang, ang pangalan nya talaga ay Cindy. Apilido nya ay 'Kato'. Put them together we have, Cindy Kato. Nyahahahaha! Cindy Perez talaga ang totoong pangalan nya.
"Kung mga kagaya mo lang ang makakalaban ko sa contest paniguradong panalo nako. Kaya ako sayo, mag backout kanalang, nagsasayang ka lang ng effort"
Aba't ang taas talaga ng level of kayabangan tong bruhildang to. Wala pa ngang contest ito sya tinatakot na mga kalaban nya.
"FYI lang Cindy, andito kami para mag relax at lumanghap ng sariwang hangin, pero ito dumating ka ang sang-sang na ng simoy ng hangin" syempre di kami dapat magpasindak sa bruhildang to. FYI lang din di lang sya ang maganda sa campus namin, may gad! Andaming magaganda dito pero sya lang yata ang walang ka humble humble sa sarili.
"Say what you want to say darling, basta binalaan ko na kayo" she flips her hair at umalis na.
"GRRRRRRR! Lena kailangan mong matalo yun sa contest ha! Ipamukha mo sa kanya kung sinong tunay na reyna" kumukulo yung dugo ko sa bruhildang yun talaga.
"Huh? Pero- -"
"KAYA MO NGA EH, GUSTO KONG TALONIN MO SYA SA CONTEST! NAIINTINDIHAN MO?"
"Huh? Ahh? Ehh?"
"NAIINTINDIHAN MO BA!!!?"
"Oo, oo na"
YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
ФанфикPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)