Chapter 44: Beauty and the Bakulaw

49 4 0
                                    

*LENA's P.O.V*

Kainis namamaga na talaga yung paa ko kakaHigh-heels ko.

"Micheca pahinga na muna ako. Ang sakit sakit na ng paa ko" himas himas ko yung paa ko. Walong oras na kami nag pra-practice sa paglalakad, ika ni Micheca kailangan ko daw matalbugan si Cindy. Haruuu! jusko bakit ba ako nagpapadala sa init ng dugo ni Micheca sa babaeng yun. Kung gusto nyang gantihan yung babaeng yun sana sya nalang tong pumalit sakin sa pagiging candidate.

"Ah sige ipapamassage muna natin yang paa mo" ika ni mich na ikinatuwa ko. Business kasi ng mama ni mich ang Spa Massage and Salon. Ginanahan naman ako at dali daling nagpalit ng tsinelas ko.

"Dad, kina Mich po muna ako ah!" paalam ko kay dad habang sya tutuk na tutuk sa TV kasi showing na ang Batman vs Superman sa HBO.

"Sige anak, don't forget about the curfew ha. Wag masyadong pa gabi" sabi ni dad pero yung mukha nya nasa screen parin.

"College na po ako, bagay lang sa mga High School student ang curfew ngayon" sabi ko.

"So magpapagabi ka talaga?" now he look at me very seriously. Basta ganyan ang mga titig ni dad sakin kailangan ko talagang magtino.

"Ha ha ha ha, kaw dad di kana mabiro hehe" palusot ko.

"Oh sya sige, ingat kayo ha" at muli nyang binaling sa TV ang attensyon nya.

Sumakay na kami ng taxi ni mich, sya daw magbabayad sa pamasahi ko. Weew! Gagawin nya daw lahat basta lang matalbugan ko raw si Cindy sa pageant. Ang hirap naman ng request nya >,<


"Were here" sabi ni Mich pagpasok namin sa Spa Massage and Salon nila. Binate naman sya ng mga staff at giniya nila kami sa isang kwarto para umpisahan na ang ritwal ng pagrerelax namin.

"haaaay nakakarelax talaga" tanggal yung sakit na kanina ko pa iniinda sa paa. Ang galing nila ate.

Hinayaan muna kami nila ate magrelax at babalikan lang nila kami after 10 minutes. Bigla namang tumunog yung phone ni Mich at inabot nya to sa kalapit na table.

"hello?" sabi ni Mich.

"Bakit ba? Nagpapahinga muna ako"

"Nope.........hindi rin.........nope............Bastaaa"

Sino kaya yang kausap ni Mich.

"Bakit ba gusto mo kong makita?"

O,O haruuuu! Ano raw? May gustong makipagkita kay Mich?

"Haiyst! Kaya mo nayan noh, nakakadisturbo kalang sa pagrerelax ko"

"Ano ba may kasama ako" ngayon naka exs na ang kilay ni Mich. Ano ba kasing pinaguusapan nila? Tsaka sino bayan? Haaayst tagal nila mag-usap gusto ko ng sumingit.

"Ano bayang sinasabi mo Hindi no!" ngayon galit na sya.

"Alam mo di kita maintindihan. Bakit kaba nagagalit" teka galit rin naman sya ah. Ay ano ba to di dapat ako maki-osyoso sakanila.

"Fine, andito ako sa Spa Massage and Salon namin at FYI lang kasama ko si Lena" oh? Narinig ko pangalan ko.

"Hey!... naks binabaan pa nya ko ng phone kainis lang, ano bang pinuputok ng botsi nya" di na talaga ako makatiis na sabihin pa to.

"Mich sino ba kasi kausap mo?" diretchang tanong ko.

"Ahh... si ano... si KiHyun"

O___O woooot? Matagal naba silang magkakontak sa isa't isa?

"Nagtatawagan na kayo sa isa't isa?" tanong ko.

"Ah...medyo...parang ganun na nga" OMG! Bakit ngayon ko lang nalaman?

"Bakit di mo sinasabi sakin ha? Kayo ha may something na sainyo noh! Magsalita ka!" tinuro turo ko pa sya.

"Hey walang something samin. We just contact each other para malaman lang namin kailan kami mag re-review" onga pero bakit wala syang nababanggit sakin?

"Yun nga, bakit ngayon ko lang nalaman?"

"Di ka naman nagtatanong eh" sabi nya.

Bumalik muli sila ate kaya naputol ang usapan namin ni Mich. Maya maya pay ay may pumasok namang staff nila.

"Mam Micheca may naghahanap po sainyo sa labas" sabi ni ate na nakabread pa ang buhok.

Dali dali naman kaming nagpalit ng damit ni Mich, buti nga nakadala ako ng pamalit na damit. Lumabas na kami para harapin daw yung naghahanap kay Mich at nang makita namin sila... yes, sila kasi dalawa po sila.

"IKAW?" sabay pa kami ni Bakulaw Jooheon nyan. Bat andito to?

"O sya, sasama muna sakin si Micheca kasi may importante pa kaming gagawin" sabi ni Kihyun at hinila nya si mich sa tabi nya.

"Oy Oy Oy! Anong gagawin nyo ha! Mga bata pa kayo tsaka Micheca ano kaba alas nwebe na ng gabi oh"

"Ihahatid ko naman sya pauwi eh, kaya Jooheon kaw na bahala kay Lena" sabay hatak nya kay Micheca at lumabas na sila ng Shop.

"HOY! BAT NYO KO IIWAN SA BAKULAW NATO HA! SAMA AKO SAINYO!!" sinundan ko pa talaga sila palabas ng shop. No way! Plano ba to ni KiHyun? kainis sya kung ganun.

Pero pinaharurut lang ni Kihyun ang kotse nya at naiwan kami dito.

BWISIT!!!! >___<nakakaimbyerna ka Kihyun! Pati ikaw Micheca! Kasi cute ang kasama mo nagpatianodkanalang sa kanya.     

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now