Chapter 21

55 6 1
                                        


*SOOJEN's P.O.V*

We just finished our meeting para sa darating na School Fiestival dito sa EastWood. Tradition nato ng school kaya ito natapos na namin ang pagbra-brain storming kung ano ang mga events ang kailangang ilatag.

We also invite a Special guest para mag perform samin. Secret muna yon kung sino.

Kaya ngayon ako nalang ang naiwan dito sa office dahil na una na ang mga members ko.

Niligpit ko na ang mga gamit ko, sinirado ang SSG office at bumaba na sa ground floor.

Gabi na pala at alas nwebe na, ako nalang yata ang estudyante dito bukod kay manong guard.

Lalabas na sana ako ng gate ng mapansin ko may kulang yata sa mga dala kong gamit.

"Miss President nahulog mo po"

Isang nakangiting babae ang naglahad sakin ng cartolina ko.

"Miss Transferee!" bat andito pa sya? Gabi na hindi ba sya hinahanap ng magulang nya?

"Anong ginagawa mo pa dito? Gabi na wala ng class hour ng ganito" tanong ko sa kanya.

"May tinapos lang kasi ako sa library medyo napasarap ang pagbabasa ko sa World History" ika nya.

Open paba ang library sa ganitong oras?

"Nagtataka ka siguro kung open paba ang library ng ganitong oras? Ganito kasi yun, sinabihan ako ng librarian na ako nalang ang magclose nito dahil ayoko pang umuwi. Kaya binigay nya nalang sakin yung lock at susi."

Wow, nabasa nya ata kung ano iniisip ko. Ngumiti nalang ako sakanya.

"Kumuha ka rin ba ng subject na Psychology?" tanong ko sakanya. Syempre kanino paba.

"Hindi bakit?" takang tanong nya. Alam ko ano major nya no. kasi lang naman eh... basta matanong lang.

"Nabasa mo kasi tanong sa isip ko eh, he he he" anong klaseng tawa yan soojen halatang pilit at plastic.

"Halata rin naman na itatanong mo eh, he he he he he" tawa nya rin.

"HAHAHAHAHA!!!" ewan pero natawa nalang kaming pareho. I like her already. Nagtataka naman yung mukha ni manong guard na nakabantay lang sa guard house nya.

"Pauwi kana diba? San pala bahay nyo?" tanong uli ko sakanya habang papalabas na kami sa gate.

"Sa San Isidro ako nakatira" sagot nya

"Woah, sa San Isidro rin ako nakatira, pano sabay nalang tayo?"

"Sige ba"

"But teka, ano nga uli pangalan mo para di na Miss transferee tawag ko sayo"

"Yuril... Yuril Kwoniza" sabay abot nya ng kamay sakin.

"Choi Soojen" at tinanggap ang inalok nyang kamay sakin. And together we shake hands.

Ang cool palang kasama tong si Yuril eh, may mga bagay din na magkasing katulad kami. Naglalakad lang kami ngayon dahil wala pang dumadaang mga trisekel man lang sa gawi namin. Na enjoy naman ako sa kwentohan namin.

May nalalaman na rin ako tungkol sakanya. Marunong syang mag gitara, mahilig daw sya sa anime, mahilig makinig ng pop, alternative at RNB songs. At higit sa lahat kung saan kami magkasundo ay ang... Mahilig kumain.

Nagtatawanan palang kami ng may nakita kaming mga grupo ng kalalakihan sa unahan namin. Base sa mga itchura ng mga to mukhang naghahanap ito ng gulo. Gangster, gangster ang maaaring madescribe sa mga to.

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now