Chapter 30: Buhay Bukid Part 1

55 5 2
                                    

*LENA'S P.O.V*

Ito na nga kami, nag aantay sa Van na sasakyan namin papunta sa lugar kung saan kami dadalhin ni Mrs. C.

Huhuhu T_T Mrs. C bat nyo to ginagawa samin....

"Ito na ang van" sabi ni Mrs. C, sya lang ang may malawak na ngiti bukod samin. Puro kami nakabusangot.

Wala na kaming magagawa, andito na eh. Kaya sumakay na kami sa van.

PUTIK!! mas na una pang sumakay ang mga lalaking to kesa samin. Paano naman kami kakasya dyan? Eh sila palang wala na ngang space.

"Sorry Girls, maglakad nalang daw kayo" sabi nitong blondeng lalaki na sarap sabunotan sa ubod ng pagka gentleman.

"Okay lang yun, tumirik sana kayo sa kalagitnaan ng daan" ika ni Taezel.

"Sungit!"

"Hambog!"

"Pandak"

"Abnormal!"

"Liit!!!"

"Liit your face!"

"Your nerve"

"Your eyes!"

"Your esophagus!"

"Your uterus!"

"Your Nostrils!"

"Your tonsils!"

"MAGSITIGIL KAYO!" sita ni Mrs. C, buti sinita sila kundi kung saan saan na dadating ang bangayan nila.

May dumating naman na isang van.

"Girls, sige dyan nalang kayo sumakay. Samahan mo sila Lucille"

Sumakay na nga kaming pito sa van.

Mahaba-habang byahe pato. Kaya napagpasyahan naming matulog muna.

Si Aizany nakaheadset.

Si ate SeoAne sleeping beauty na

Si Miss Soojen ayun nakatulog narin.

Si Taezel katabi ni Aizany tulog narin.

Si Micheca katabi ko ginawa pa talaga akong unan.

Si ate Yuril na kakakilala ko lang sa pangalan nya dahil tinanong ko lang kay miss soojen ay tahimik lang sa likod at parang di mangada ang mood.

"Ate,"

Pinansin nya naman ako.

"Okay ka lang?"

Pero tango lang ang sinagot nya sakin. Ayaw ko naman syang kulitin baka sabihin nyang echosera ako. Kaya matutulog nalang din ako.

After 2 hours of traveling andito na daw kami.

Pagbaba namin sa van bumungad samin ang malawak na tanawin ng palayan. Nasa probinsya kami?

"Wow! Ang tahimik talaga ng buhay sa probinsya" sabi ni ate SeoAne

"Kaya nga, sige ipapakilala ko na kayo sa Head nila dito follow me" sabi ni Mrs. C excited talaga syang makita kaming magdusa.

"Mang Hayme, ito po ang mga bata ko at sila yung naikwento ko sayo noong isang araw. Alam mo na kung ano ang gagawin diba?"

"Opo Mrs. Cutamura maaasahan nyo po ako"

Nakakatakot naman ang pinag-uusapan nila.

"Dito ang mga babae. At don kayo mga lalaki" iginiya kami ni Mang hayme kung saan ang pahingahan namin. Syempre separate ang babae at lalaki noh.

"Tapos nyong iligpit ang mga bag nyo, magsisimula na kayong mag trabaho"

"Eh mang hayme, kakarating lang namin"

"Pinapasabi nga pala ni Mrs. Cutamura na wag daw kayong magreklamo"

Huh??? Kaloka naman tong si Mrs. C oh.

"Mrs. C talaga" ika ni Miss Soojen at pailing-iling pa sya.

N~��t

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now