*YURIL's P.O.V*
Thank you lord sa bagong umaga.Haaayst! bumangon nako at nag unat-unat na. Nakatulog ako agad nong umuwi ako kagabi galing sa bahay ng mokong nayun. Sa sobrang kabusugan ko sa mga dessert nila eh dritso higa ako sa kama.
Teka? Napano kaya sila mama kagabi? Sinabi kaya ng mokong nayun na nauna nako sa kanila?
Agad akong bumaba sa sala para tignan kong gising na sila mama at naghahanda naba sila ng agahan.
"Ma? Pa?" ng pilipinas? Ano yun? Kakagising lang nagjojoke agad.
Seriously, wala sila dito. Ang tahimik ng bahay. Nako lagot baka andun natulog yun sa bahay ng mga Shin. Huh? Pero, alam naman nila na dapat umuwi sila noh, sobrang nakakahiya sa mga Shin na matulog pa don. Nako hindi kaya... ... ... talagang bampira ang pamilyang Shin dahil tila walang dugong dumadaloy sa katawan nila sa sobrang kaputian nila. Diba ganyan naman ang mga bampira. Di sila lumalabas ng bahay nila dahil may araw. Nako hindi pwede to. Kaya pala ganun kaigi na malaman ni mokong ang bahay namin dahil ako ang bibiktimahin nya. Jusko po!
Kumabog bigla ang puso ko ng makarinig akong may gumagalaw sa kusina. Ah? Baka sila mama yata yan... o baka magnanakaw? Ano paman ay dahan dahan akong naglalakad papuntang kusina para masilip kong sino ang gumagawa ng ingay.
Nagtago muna ako sa pader at unti unti akong sumilip.
O__O HOLY MOLY!
OH MY GOD!
JUSKO PO!
SINASABI KO NA NGA BA!
NAKAPASOK NA SYA SA BAHAY NAMIN!
Di ako makapaniwala. Nahulog ako sa patibung nila. Pinaniwala nya ko kagabi. Andito sya ngayon dahil ako na ang isusunod nya sa mga magulang ko. Lord Help! T__T
Dahil sa kasyongaan ko. Naurungan ko yung vase at nakagawa ako ng ingay para mapansin nyang andito ako.
Nagdivert agad yung tingin nya sa kinatatayuan ko.
OMG... kakatayin nya nako.
"Miss transferee"
Lumundag agad ang puso ko sa kaba ng sinabi nya yun. Hindi sa kilig ha, kundi sa takot.
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!" tumakbo ako agad palabas ng bahay.
"Hoy Miss Transferee!"
WAAAAAAH!! Sinusundan nya ko!
Nakaabot nako sa pinto at bwisit lang ang tagal bumukas ng pinto andyan na sya. "WAAH! LAYUAN MO KO"
"Ano bang nangyayari sayo?" naku naku naku! Papalapit na sya.
Sakto sa tagal bumukas ng pinto dahil taranta nako pano buksan to ay sa wakas! I finally open it. At nakuha ko pa talagang mag English kahit malapit nakong mawala sa mundong to?
"TULONG MGA KAPIT BAHAY!" nagsisigaw talaga ako ng makalabas ako ng bahay.
Pero nahawakan ako ng Bampirang kanina pa humahabol sakin at handa ng sipsipin ang dugong dumadaloy sa katawan ko.
"WAG PLEASE! Maawa ka sakin Wonho...*sob*" naiiyak na talaga ako sa sobrang takot ko.
"Huh?" tangin sagot nya lang sakin. Nagmamaang-maangan pa talaga sya Eh alam ko namang dugo ko ang habol nya.
"Please Wonho... please... huhuhu! Wag mo kong sasaktan...*sob* nag mamakaawa ako" I pleaded gamit yung kamay ko na naka praying position pa talaga sakanya.
*WONHO's P.O.V*
Nagpaalam muna ako kina manang lita, katulong namin sa bahay na aalis muna ko mangangapit bahay lang muna.
Nasa tapat nako ng gate nila Miss transferee at sakto namang paglabas ng mga magulang nya.
"O iho, naparito ka?" ika ni Mrs. Aahh?? Mama nalang ni Ms. Transferee.
"Ah... kasi po..." dadalawin ko anak nyo. Nako, tsak di bibinta yung excuse nayun. Papaalisin lang nila ako.
"Ah sakto iho naparito ka rin lang, pwede bang ikaw muna ang magbantay kay Yuril?" aahh! Yuril, now I know her real name. ^_^
Wait? Magbantay sakanya?
"Ah? Bakit po?" takang tanong ko.
"Eh, pupunta kasi kami ng Cebu mawawala kami ng ilang linggo. Sasabihin sana namin to kay Yul ngunit tulog pa sya. Kaya pwede bang madalaw dalaw mo sya rito para may kasama naman sya habang wala kami" pagmamakaawa ng mama nya.
"Tsaka malalate narin kami sa flight namin. Pano? Una na kami ha. Nagtitiwala kami sayo" sabay sakay nila sa kotse nila.
"Ho?... eh? Ah..." BROOOOM! Ayun wala na sila.
Naku, napagbilinan pako. Pero sige na nga. Pumasok nalang ako sa bahay nila. Sabi ng mama ni Miss transferee ay natutulog pa sya. Might as well lulutuan ko muna sya ng agahan nya.
Nagtungo akong kusina at naghahanap sa ref nila kung anong pwedeng lutuin ng may nahulog na vase.
"Miss Transferee" gising na pala sya? Pero bakit bigla nalang syang tumakbo at takot na takot ang mukha nya.
Hinabol ko naman sya na papalabas ng bahay nila. Naku baka ano na iniisip nya sakin. Hindi ako magnanakaw kung yun ang iniisip nya noh.
Agad ko naman syang nahawakan kasi nagsisigaw na sya at makadisturbo pa ng ibang kapitbahay dahil ang ingay nya.
Nagtataka talaga ako ng umiiyak sya at nagmamakaawang wag ko raw syang saktan. Huh? Ano bang gagawin ko sakanya?
May dumaan namang nagbibinta ng dyaryo at nakita kami sa labas ng bahay nila.
"Iho, wag mo namang paiyakin ang girlfriend mo" O_O ano?
"MANONG TULONGAN NYO PO AKO" huh? Anong sinasabi ng Miss transfereeng to baka akalain ng manong nato kung anong ginagawa ko sakanya.
Tinulungan ko namang makatayo tong babaeng to dahil napaluhod talaga sya nang mahuli ko sya. At kinulong ko sya... sa mga yakap ko.
"Nako diko napo to papaiyaking girlfriend ko ^_^ papasok napo kami at maglalabing-labing" sabi ko kay manong.
"Yan! Dapat lang" at tuluyan na syang umalis.
"Hoy! Anong sinasabi mo kay manong maglalabing-labing ha!" ayos at bumalik na sa katinuan tong babaeng to ng makapasok na uli kami sa bahay nila. Kinaladkad ko lang naman sya papasok kasi nagpupumiglas pa.
"Bakit kaba nandito bampira ka! Lumayo ka sakin" at may bigla syang hinarap sakin krus.
"Sabihin mo nga sakin Miss transefere humihithit kaba?"
"Wag kanangang madaming palusot dyan! sabihin mo! Nasan ang mga magulang ko at bakit ka nandito!" Malala nato. May saltik yata talaga tong babaeng to.
"FYI lang Miss Transferee binilin ka sakin ng mga magulang mo dahil pupunta sila ng Cebu at wala kang kasama dito. Kaya lang ako nasa kusina nyo dahil ipaghahanda sana kita ng agahan mo kaya lang bigla kitang nakitang nagtatakbo palabas" ang haba ng sinabi ko. Naabsorb kaya sa utak nya yun?
"Huh?"
-____- confirm wala nga.
YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
Fiksi PenggemarPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)