*I.M's P.O.V*
"Bakit nasayo ang tshirt nya? wag mong sabihing?????—" I cut her off.
"Hey! It's not what you think it is" anong iniisip nya, na hinalay ko kaibigan nya sa loob ng CR? Di ako ganung tao noh. Di ngaba?
"Kung hindi yun, eh ano? Hoy I.M ha alam kong may pagka alien yang kaibigan ko pero mahal ko yan kesa ni kokey at ni E.T. Pero itong tshirt nya nasayo ibang usapan nato! At bakit naging girlfriend mo sya?? Kailan pa ha! Kailan pa? pumatol si Aizany sayo?"
Naririndi na talaga ang tenga ko sa kadaldalan ng isang to. Magkaibigan nga talaga sila, pareho silang matalak. Ewan kung bakit ko nasabi sakanya na nandito ako para sa girlfriend ko, nasabi ko lang yata yun kasi nakita ko si Skyblue monster na may kinakausap na lalaki. Kung baga out of the blue.
Maglalaro na nga may time pang makipag-usap. At sa nakikita ko enjoy na enjoy silang nag-uusap, halos mapa headbang nanga sa kakatawa tong si Skyblue monster. Eh kung silang dalawa kaya eheadbang ko.
Oh wait, erase dat thought! >,< anong paki ko, edi magtawanan sila hangang mawalan na sila ng hangin sa kakatawa. Bwesit!
"Hoy! Nakikinig kaba?" ehh? Kinakausap nga pala ako nitong Miss liit ni minhyuk.
"Obvious namang hindi nakikinig yan eh, kanina pa matalim ang tingin nya sa lalaking kausap ng kaibigan mo" ika ni minhyuk. Ngayong nagkakampihan na sila. Epag headbang ko rin tong dalawa eh.
*AIZANY's P.O.V*
Pagkatapos kong magbihis sa CR ay nakasalobong ko si I.M diko muna sya pinagtuonan ng pansin kasi nagmamadali ako sa laro namin.
Nang akala ko makakalayo nako sakanya biglang may humila ng Tshirt sa kamay ko kaya napabalik ako.
*Flashback*
"Ano ba!" kainis nagmamadali ako saka pa may mangungulit sakin.
"San punta mo?" tanong nito, asyuswal cold parin ang gwapo. O,O Oops! may sinabi ba kong gwapo?
"Maglalaro nako ano ba bitawan mo nga Tshirt ko baka mapunit to mahal ko to" ika ko. Pero parang walang narinig lang tong lalaking to.
"Edi akin nato" at successful nyang naagaw sakin ang tshirt ko. Seriously, wala ba syang Tshirt at nang-aagaw sya.
"Hoy! Akin na tshirt ko!" sigaw ko sakanya.
"Sagabal lang to sa laro mo, kaya mamaya mo na to kunin sakin" hambog nayun! Isinukbit pa nya ang tshirt ko sa balikat nya na parang bagpack lang at naglakad patungo sa field. Wait? Manonood sya ng laro namin?
*End Of Flashback*
Ayun, andun sya nakaupo sa tabi ni taezel at... Minhyuk? Diko alam bat andun si Minhyuk pero oke narin yun para may ka lovers quarrel si Taezel. Nyahahaha!
Bago magsimula ang laro lumapit muna sakin si Yugyeom. Sinabi nya sakin na galingan ko raw at ilampaso ko raw ang mga kalaban. Natawa pako sa ilang mga sinasabi nya gaya ng; isipin ko lang daw na mga sisiw lang sila, tsaka yung captain ball daw ng kabila di daw yun makakablock at alam ko na daw kung bakit... tabachoy eh. Hehehe! Sira talaga tong si yugyeom.
Napatingin naman ako sa lugar nila Taezel... at boom! Ang sama makatingin ni i.M ah. Hmmp, diko nalang sya pinansin magsisimula na ang laro eh.
*I.M's P.O.V*
"GO AIZANY!!! WOHOOO! LAST FIVE NA KAYO! FOCUS LANG FOCUS!"
Aish! Nakakabinge ang katabi ko, bakit walang ginagawa si minhyuk to shut her up?
"GO BsCs! KAYA NYO YAN! GALINGAN NYO PARA MANALO AKO SA PUSTAHAN" aish.. kaya pala. Nag pustahan pala ang dalawa.
15 minutes left to finish their game. Kalkolado talaga eh noh?
Hindi na natin papahabain pa, kaya in the end sila Skyblue monster ang nanalo.
"WAAAAAH!! CONGRATS AIZANY!" tuwang tuwa talaga si Miss Liit nyan, ng tiningnan ko si Minhyuk ayun nakabusangot. Talo yata sa pustahan nila eh.
"Hoy! Akin na tshirt ko" ika ni babaeng halimaw ng nakalapit na sya samin, sakin na pala sya nakatuon ng pansin.
"Ayoko nga..."
"Ay siraulo kapala eh, at bakit hindi mo isasauli sakin nyan ha!"
"Kasi mahal mo to diba"
After I said that her face forms to doubt. Alam kong magtatalak na namansya kaya inunahan ko na.
"Kung mahal mo to, panoorin mo muna ang game namin mamaya bago ko to isauli" then I walk out. I left her dumbfounded.
Nagtiis ako panoorin ang game nila kaya magtitiis din sya panoorin ang game namin sa ayaw nya't sa gusto nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/77324081-288-k303321.jpg)
YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
FanficPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)