Chapter 43: May Something

59 5 0
                                    


*SOOJEN's P.O.V*


"ANO!? Nagsasama na kayo ni Wonho?" diko napigilang mapasigaw sa nalaman ko. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao sa coffee shop.

"Bakit sa lahat pa ng pwedeng magbantay sayo si Wonho pa" pano nalang kung may gawing di kanais-nais yung mokong nayun. Sya kaya ang Campus playboy ng EastWood. Ayokong masali sa listahan ng mga babaeng ginamit nya si Yul kundi kick-out talaga yung mokong nayun.

"Sya kasi yung nakita nila mama kaya ayun" pagpapaliwanag ni yul. Huh? Nakita lang tas ayun nayun? Its not a valid reason. Ilalagay lang ba nila ang buhay ng anak nila sa bago palang kilalang kapitbahay?

"Tawagan mo lang ako kung may ginawa yang kalokohan yang mokong nayan ah, I'm only one call away"

"Yes mam!" salute nya sakin.


"Yul ano palang event mo sa darating na Fiestival?" yung School fiestival kasi namin ay parang Intramurals. Kaya namin to tinawag na Fiestival kasi madaming kainan at kasiyahan ang gaganapin. May palaro din para mas exciting ang buong araw.


"Kakanta lang ako sa booth namin" sabi nya. Ang booth kasi nila ay Bar and Restaurant yan ang pinag-isipan ng batch nila eh kaya bahala sila.

"Ahh so may banda pala kayo dyan"

"Oo, tas Jin yung guitarist, si Junior sa organ, si Kael sa drums" woow mukhang masaya yung naisip nila.

"Oy bibisita ako sa booth nyo ah" sabay makikain narin ahaha!

"Ow sure, kaw pa" tas nag apir kaming dalawa.

"Soojen National Book store tayo, okey lang sayo?" tanong ni Yul, omokey naman ako.

"Great,... teka sino yung kasama ni HyungWon?" wala sana akong paki sa lalaking yun ngunit na curious ako sa sinabi ni Yul na Kasama kuno ng anak ng may-ari ng EWU. Napalingon ako sa dalawang taong kararating lang sa coffee shop.

"Sino yang maala international model na babae Soojen?" tanong ni Yul.

I know her, shes Seolhyun at anong ginagawa ng dalawa dito? Nagda-date ba sila?

"Shes Seolhyun, kilala sya ng lahat dahil queen B yan ng AOA Academy. At mas lalong nakilala sya dahil lumalabas na sya sa ilang commercial sa TV"

"Diko naman sya kilala"

"Wag mo nalang kilalanin, ang anghel nyan sa labas na anyo pero yung ugali papunta na sa pagiging asawa ng demonyo." Di naman makapaniwala si Yul sa sinabi ko. Magkaklase kasi kami nyan nong High School palang kami kaya alam ko ugali nyan.

"Tara na Yul, nagdidilim ang paningin ko sa dalawa eh" di ba nila napapansin na pinagtitinginan na sila ng ibang tao. Palibhasa sanay na sa attensyon ng marami yang dalawang yan.

"Yul! Ano ba Tara na" nakatunganga pa kasi sya eh.

"Oo ito na"


*HYUNGWON's P.O.V*

I receive a call this morning. At ng tinignan ko kung sino yung tumatawag ay sinagot ko agad.

Its Seolhyun, kapatid ni Dylan. Sinabi nya magkita raw kami sa coffee shop dahil may sasabihin sya tungkol sa kapatid nya na may binabalak na masama laban samin. Pumayag naman ako na makipagkita sakanya.

Oh wait, kaya lang ako may number ni Seolhyun ay dahil magkaibigan kami ni Dylan NOON. Naging close namin si Seolhyun dahil sumasama rin sya sa ibang lakad namin. And heres a little secret, magaling na assassin tong babaeng to. Magaling tong humawak ng spada.

Later then, we arrive at the coffe shop na aming pinagkasunduan. Iba ang mga tingin ng mga tao samin. kilala kasing tao tong si Seolhyun, baka iniisip ng mga tao dito dinidate ko sya o nagda-date kami. Hell no, friends lang talaga ang turing namin sa isa't isa.

Piniling nya yung table kalapit sa counter.


"Yul! Ano ba, tara na"

Wait...kilala kong boses nayun. Lumingon ako para hanapin sya at di nga ako nagkakamali.


"Soojen" pero di nya ko narinig. Nakaalis na tuloy sila ng tuluyan sa coffee shop.

"You know that girl HyungWon?" tanong sakin ni Seolhyun. Umupo nalang ako.

Nakita kaya nya ko? Ano kaya iniisip nya samin? mga tanong sa isip ko pero naputol lang yung pag-iisip ko when Seolhyun snap me back to reality. Oo nga pala may sasabihin pa pala sya sakin.

Hinayaan kong magsalita ng magsalita si Seolhyun pero nanaig parin ang pag-alala ko kay Soojen. Diko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. 

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now