Chapter 40: SkyBlue monster and Blockmailer

62 5 0
                                    

*AIZANY's P.O.V*


Natapos narin kami sa meeting namin. Kasali ako sa volleyball team, yohoo! Makakasama ko ang mga magagaling ding players nakaka-excite to.

And si Taezel? Ayon nagpakasal kay grumpy, bagay sila eh mainitin ang ulo ang daling mainis. Siguro nong naglilihi ang nanay nya nanunuod palagi yon ng Snow White. Ang resulta, maganda nga ang anak ang pangit naman ng ugali. Nyahahaha! Wag nyo kong isumbong kay taezel ah secret lang natin yun sssssh!...

"Aizany"

"Ay! Grumpy" jusko, muntikan nakong maiihi sa panty dahil sa gulat.

"Angyare sayo?"

"Huh? Eh wala noh hahahaha!" syempre diko pwedeng sabihin sayo noh.


"Oh kamusta naman?" ang tinutukoy ko ay yung practice nila sa Dance attack. Yap, sa dance attack si taezel nasali, nong nasa bukid pa kami nagpulong na pala sila kung sino ang magiging mga representative. Mabuti at nasali ako sa volleyball team.

"Ayos lang, practice na kami bukas" sabi nya ng naka X ang kilay at kunot noo pa. Ayos ba yang mukhang yan? Well sabagay grumpy nga.

"Ikaw?" tanong nya sakin.

"Ako? Sobrang ayos, ang babait ng ka team ko eh. Practice rin namin bukas"

"Good, galingan nalang natin sa darating na contest"

"Aba'y syempre noh" at nag high five kami.

"Halika Aizany samahan mo kong magpalamig, kapagod yung sayaw namin eh" hinatak nya ako papuntang kung saan sya lang ang nakakaalam. Makahila to kala mo aso nya ko Raf! Raf!


*I.M's P.O.V*

Wala nakong klase this time, at ito ako naghahanap ng malilibangan. Ang boring kasi ako lang sa MX room.

Yung iba? Ayun may klase.

Ganito kasi yun, oo we have the same course pero may bagsak kaming mga subject na kailangan naming ulitin. Meron naman din ako kaya nga lang tapos na ang time non. Kinuha ko nalang yung pana ko na nakalagay sa tool cabinet at lumabas para mapag practisan.

Ang saya ko nong kami ang napili para sa Archery idol ko kasi si Hawk Eye. Ang pana kasi ang ginagamit ko sa pakikipag laban eh. Di naman yung nakakamatay na pana, yung tama lang na masaktan ang kalaban. Natural masasaktan talaga kaw ba panain ko eh.

I position myself, tinuwid ko ang kaliwa kong kamay habang yung kanan ko ay hawak ang lubid na magpapakawala sa arrow.

Nakikita ko na ang target.

In 1 2 3...

>----------->

"AAAH! ANO BA! SINONG MAY GUSTONG PUMATAY SAKIN!"

Nako po naloko na, kailangan ko nang magtago bago ako maisumbong kay Mrs. C

Tatakbo na sana ako kaso...

"HOY IKAW LALAKING MAY HAWAK NA ARCHER NA AKALA MO KONG SINONG ROBIN HOOD SA GALING PUMANA!"

Its too late...

"ALAM MO BANG MUNTIK MO NAKONG TAMAAN? PANO KUNG NATAMAAN NGA AKO? SAGOT MO LIBING KO GANERN? HUMARAP KA SAKIN NGAYON DIN"

Ahm? Haharap ba ko?

"A-a-ayoko"

"Ahh Ayaw mo ha! Pwes sasabihin ko kay Mrs. C ang tungkol dito"

Sinabi ba nyang Mrs. C? oh no...

"Wait! Teka lang" napaharap tuloy ako ng tuluyan.

"I.M? kaw may gawa non?" si Miss Liit

Oh no?Sila yung- sila yung? Sila yung inatasan ni Mrs. C


"Pano kung tinamaan ako non ha! Sagot mo ang pagpapalibing sakin? talagang makakaabot to kay Mrs. C" ika ni aizany.

At bago paman sya makaalis ng tuluyan ay pinigilan ko na sya. Hinawakan ko sya sa braso at pinabalik sa kinatatayuan nya.

"Ano ba bitiwan mo ko, papatayin mo ko kaya habang buhay pa ko ay naisumbong na kita sa katas-taasan" pilit nyang kumawala sakin, pero sorry sya diko sya bibitawan.

Wait? Walang meaning yun ah.

"Diko kasalanan yun, malay ko bang dadaan kayo dito"

"Wow! At kami pa talaga ang may kasalanan ngayon"

"Kayo naman talaga, bat ba kasi kayo dito dumaan?" kaya nga pinili ko tong spot nato kasi wala masyadong mag-aaral ang dumadaan.

"Ay sorry sayo ha! Wag kang mag-alala makakarating parin kay Mrs. C ang ginawa mo" naitulak nya ko at kumiwalas sa hawak ko. Nagmadali naman syang lumakad paalis pero nahawakan ko naman syang muli.

"Ano ba!"

"Try mong magsumbong kay Mrs.C ipapalapa kitang muli kina Ursula"

Napatigil naman sya at nanlaki ang mga mata.

"Nakalimutan mo naba? May utang na loob ka sakin"

"Uh? Oo na di na..." there you go, Good girl. Kailangan lang pala may banta eh.

"Ano? Ang saya mo noh? Che!" she did grin at me.

"Sya nga pala, dahil may utang na loob ka sakin" kinapa ko sa bulsa ko ang phone ko.

"Ito"

"HA? Ibibigay mo na sakin ang iphone mo? WOW thank You!"

"Tange, type mo yung number mo dito" yung mata nya nanlaki na naman uli. Ano ba sya? May lahing owl?

"Bakit gusto mong kunin ang number ko?"

"Kasi ma- -"        "Aha! Gusto mo kong maging katextmate noh? Nakuuuu... magpapa-hard to get muna ako di ako pa easing babae noh"

Anong sinasabi nya?

"Para sabihin ko sayo wala akong interest sayo. Kukunin ko lang ang number mo dahil baka may ipapagawa ako sayo"

"Ipapagawa? Umaaboso kana ah!"

"Mamili ka, Buhay mo o ipapalapa kita kay Ursula?"

"Na naman? Akin nanga yang phone mo kainis" gayun din ay tinaype nga nya ang number nya.

"Oh!" I save it ang nilagay kong phone name ay 'SkyBlue Monster' bakit?

Pansin ko lang kasi sakanya lahat yata ng gamit nya SkyBlue. Mula unang pagkikita namin matagal ko nang napansin sakanya yun. Nung nasa bukid kami skyblue din pati tshirt. Nagsimula tuloy akong magtaka sakanya kung anong meron sa SkyBlue.

"Oh? Tapos na kayo sa love story nyo? Ok na?" singit ni Miss Liit. Buhay pa pala sya?

"Love story ka dyan, tayo na nga Taezel. May blockmailer dito"

I let them pass this time. Ang importante may contact nako sakanya.

^_^ wag kang mag-alala SkyBlueMonster. May papatunguhan ang pagbibigay mo sakin ng phone number. Gagawinkitang Slave. Nyahahaha! Alam ko kasing isusumbong nya parin ako kay Mrs. Cpustahan tayo.     

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now