Chapter 12

40 4 2
                                    

*Still YURIL's P.O.V*

Tapos na klase ko these day, kukunin ko nalang yong naiwan kong gamit sa locker ko bago umuwi. Pero teka, nasan na uli yong locker area?

Nagtanong-tanong nalang ako sa mga studyanteng madaanan ko.

And finally, I found it. . . .I sigh in relief. Nagmamadali kasi ako kaya binuksan ko na agad para kunin yung gamit na naiwan ko. But, kung pinaglalaruan ka talaga ng tadhana.

May trap pala yong locker ko at nabuhusan ako ng malagkit na slime. Pasalamat ang kung sino man ang gumawa nito kasi wala nakong klase pa. Maraming nakakita sa nangyari, may ilan tawang-tawa sakin, may ilan shock. But I still remained calm.

"Ohh, Welcome to EastWood Miss Transferee. Did you like our welcome party for you?"

-Isang lalaking may pulang buhok ang nagsalita sa harap ko. Ah! O nga pala sya yung akala mo Malaki ang kasalanan ko dahil nag explain lang ako ng ideas sa History class. Dipa pala sya naka recover don? And then, sa likod nya may anim na lalaki na parang mga kasamahan nya ang lumapit samin. Oh, sila pala yung mga kaklase ko, anong meron? Bigdeal ba sakanila yun? Napahiya ko ba sila?

Sakaloob-looban ko kumukulo na dugo ko sa kanila. Pinipigilan ko ang galit na namumuo sa mga kamao ko na gustong-gusto nang manakit ng taong unggoy na may pulang buhok.

"OO, sobra nga eh, thank you dahil nag effort pa talaga kayo para e-welcome nyo ko ha, I appreciate that."

-At diba nga puno ako ng slime, hahaha! Tinalsikan ko rin sya ng slime mula sa mga kamay ko at napunta ito sa mukha ng unggoy sa harap ko. Pasensya sya kasi nga sya tong unang-una lumalapit para lang asarin ako. Akala nya gustong-gusto ko pinaggagawa nila. Heh!

"Ayan! Para patas na tayo. Let's party!!"

-Hahaha! Sabi ko na pa sway sway pa paalis mula sa kanila. Party nga raw diba. Ano yun sila lang mag-eenjoy sa ginawang welcome party nila. No way!

Pero nang makalayo nako sa kanila don ko nalang pinalabas lahat ng sama ng loob ko sa CR. Buti naka longsleeve ako at yung sando sa loob ko di masyadong naapektohan, hinubad ko yung sleeve ko at hinugasan ang buhok ko na puno ng slime. Shit talaga.

"WAAAAAAHHH!!! Nakakainis mga tao dito. Bat pa kasi dito ako napunta sa paaralang ito. Sana makasurvive nga ako dito kahit One month lang. Diko matiis makita mga pagmumukha ng mga nilalang nayon. Atat na atat nakong manontok non eh. Buti nakapagpigil pako, kung hindi nakuuuuuu! May babalik talagang mga gorilla sa Manila Zoo"

"Ang gwapo naman yata ng mga gorillang pinagsasabi mo?"

WOOOO! Jusko ko, may tao pala sa pinto. Kaloka napatalon ako don. Kanina paba sya dyan? Bat diko napansin? Teka girls CR to ah. Anong ginagawa nya dito? Nambubuso sya!

"Oh, pamalit mo"

Mag rereact pa sana ako bat andito sya kaso nauna syang maghagis ng isang p.e shirt, at sa mukha ko pa talaga nag landing. At ang masasabi ko lang ang gentleman nya sa kabaliktaran.

"Teka, bat ginagawa mo to sakin? Ang bait mo yata?"

"Suotin mo nalang yan para makauwi kana"

Tas sabay walkout nya, naiwan nalang ako dito na di makapaniwala sa inakto nya.

Weird. . . 

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now