Chapter 16

52 6 2
                                        

*MICHECA's P.O.V*

Ito ulit kami, pinatawag nanaman ni Mrs. C sa naudlot nyang info kahapon samin. Isa-isa kaming nagsidatingan. Nakompleto naman agad kaya sinimulan na ni Mrs. C magsalita baka daw may emergency call nanaman uminterrupt samin.

"Mga iha, kayo talaga ang pinatawag ko dito dahil may mission ako para sa inyo" – ika ni ni mrs.c

"Anong mission po? Magiging Charles Angels po ba ganern? Isa po kaming SPY at ipapadala nyo kami sa hideout ng kalaban? May mga custome po kami ganun? Yeeeeeii! Ecxited nako!... kalian pa kami mag sisimula?"

Napa facepalm nalang si Mrs. C sa inasta ni Aizany. Yaap umandar nanaman ang imagination nya.

"Eh' bakit pa kami nandito"—reklamador na si Minhyuk

"Di pa ko Tapos!"—insert super-duper nakakatindig balahibo death glare ni Mam kay minhyuk, kaya tiklop sya. Haha! Ang yabang kasi, kahapon pa to eh.

"Kayo ang inaatasan ko para maging tutor sa Monsta X boys."

"HUUH?" – reaksyon naming lahat sa sinabing yun ni Mrs. C. Pano ba naman kasi, sinong gusto maging tutor ng mga hambog sa school. And take note, Senior namin sila at anong alam naming mga subject sa Senior college eh, practicing na ang mga yan.

"Mrs. C di kami papayag N O- NO!"—sabi ni Jooheon na may pa Ex-ex pa nang mga kamay nya.

"Mam! Di rin kami papayag, sinong gusto magturo kung bulakbol ang tuturuan."—Lena

"Mam! Ayaw rin namin, At ayokong magtutor sakin si Miss Liit"—Minhyuk

"At sino naman nagsabing gusto kitang tutoran?"—Taezel

Kitams. Di naming gusto ang isa't isa. Para kaming mga aso't pusa na kahit kalian di magkakasundo.

"TAHIMIK!.." – muli namang sabi ni Mrs. C at tumahimik na uli kami.

"Oo, kayo ang mga tutor ng mga boys nato. At sa ayaw at sa ayaw nyo. You are going to be partner up para magkasundo kayo kung saan at kalian kayo magkikita at simulant ang tutorial"

"But Mam, bakit kami?"—tanong ni ate SeoAne

"Well, we base it by your performance. Humahanga ako sa determinasyon nyo sap ag-aaral.malalaki ang mga grades nyo at outstanding ang mga feedback ng mga instructor nyo. Kaya namin kayo pinili para ma impluwensyahan nyo ang mga to para mapabuti ang kanilang edukasyon sa buhay"

"Haay mam Malabo pong mangyari yun"— sabi ni Miss Soojen.

"Hoy miss SSG President ng katakawan. Akala nyo gusto rin naming magpatutor sa inyo? Baka mabagsak lang kami lalo.. booo!"—sabi ni Jooheon na naka thumbs down ang kanang kamay nya.

"Hoy lalaking walang modo na may pulang buhok na mukhang gorilla na mukhang kapatid ni Majembo. Respeto nga, SSg President yang sinasagt sagot mo"—pagtatanggul ni Lena

"Oh nga, tama si Mrs. Cutamura na wala kayong maayos na edukasyon. Siguro cutting kayo ng cutting sa klase" – sabat ko dahil parang minamaliit na nila kami. Syempre diko hahayaan yun.

"Excuse me, kasalanan ba naming ang boboring ng mga instructor? Dapat silang mag retire noh" – sagot naman sakin ng Cute sana pero mayabang na lalaki. Sya si Kihyun

"Hulaan ko grades nyo sa values. Zero noh?"— Taezel

"Kaw hulaan ko height mo. Pandak ka noh!"—Minhyuk

"Hoy! Grabe ka sa kaibigan ko ha! Oo matangkad ka nga compared sa kanya. Pero ang pangit mo naman, sya naman kagandahan. Nasan ka nong nag buhos ng kagwapohan si Lord sa Earth? I bet tulog ka kaya ganyan mwuhahahahahaha!"

-- nagsitawanan naman ang dalawa. Si Taezel at Aizany. At kitang-kita napikon na si Minhyuk. Tawa pa sila ng tawa tas may pa aper-aper pa ang dalawa.

"Marunong kabang manalamin?"—nagsalita bigla yung kanina pa mukhang kalmado at tahimik na si I.M. Oh noh, Aizany wag mo syang kalabanin. Delikado yan.

"Ah? OO, bakit dika marunong? Gusto mong tutoran kita pano manalamin? Mag lagay ng make-up and everything? Nyahahaha!" – haay Aizany, di yata to takot kay I.M. Si I.M kaya ang nakakatakot sa kanila. Tahimik lang yan pero. Nasa loob ang kulo.

"Kaw rin kaya, ang pangit mo. Kaya I ask you kung marunong kabang manalamin."—I.M

"Pwede ba, sumusobra na kayo ha. Nakikipagtalo rin kayo na parang babae, ang tataas ng mga pride nyo. Mga bakla yata kayo eh"—Soojen

"Ganito ka gwapo magiging bakla lang? ... Baka kayo"—HyungWon. Ang hilig nya talagang sitahin si Miss Choi Soojen.

"TUMAHIMIK KAYONG LAHAAAAAAAAAAAAAT!!!!"

Parang yumanig ang buong office sa lakas ng boses ni Mrs. Cutamura. Lahat napatakip ng tenga at napatigil ang lahat sa bangayan.

"Jusko kayong mga kabataan kayo. Ang hilig nyo sa mga komplikadong bagay. Ang simple simple lang nang problema pinapalaki pa. Ngayon! Umayos kayo or else kayong lahat SUSPENDED at ipapaalam namin to sa mga magulang nyo."

"Maam hindi naman ako nakisali sa kanila ah"—wika ni Miss transferee diko pa sya nakilala eh.

"Nanahimik rin po ako dito"—ayon naman kay Wonho.

"Kasalan ng isa, kasalan ng lahat"—sabi ni Mrs. C na ikinalungkot ni Miss Transferee

"I regret pumasok ako sa school nato"—bulong ni miss transferee na naka cross arms pa, but enough naman na marinig namin yung sinabi nya.

"Ako rin"—wonho

"tignan mo to gaya-gaya"—ika ni Miss Transferee

"Assuming naman nito"—sagot ni Wonho

"Oh see? Nag-aaway narin kayo. Isang maliit na pabor lang naman to mga girls. Ega-guide nyo lang naman sila eh. Turuan at bigyan ng disiplina, kung sa dadaang mga araw hindi nyo na kaya. Eh sorry, wala kaming magagawa kundi ibagsak rin kayo"

"MAAM?" sabay naming sabi. Hala ano to? pag di namin nagawang patinuin ang mga to bagsak na kami? Gano ba ka espesyal ang mga to para pagtuonan nila ng pansin bukod sa anak si Hyungwon ng may-ari. Dinamay pa talaga kami.

"Ang unfair naman yata po nyan ma'am, labag po yan sa batas. May right po kami bilang mga estudyante na kasohan kayo at maari kayong makulong"—pagdedepensa ni Miss transferee

"TAMA SYA MAM!... diko naisip yon ah, galing mo talaga miss transferee. Pwede ikaw nalang magtutor sakin? alam mo na, mukha kasing bagay tayo eh. Maganda ka, gwapo ako. Were very compatible"— Minhyuk, babaero talaga.

"Nangarap sya! Nangarap sya...." – pang-asar na kanta ni Taezel. At umaktong parang wala syang pinariringgan pero meron naman talaga.

"Tumahimik ka nga Miss Liit"—minhyuk

"Sorry pero I already partnered you up. At ito babasahin ko"—sabi ni Mrs. C

- - - - - - - - - - -

A/N

Hi to all Girls Attitude members... I dedicate these next chapter for Aizel.

Thanks! ^_-

 

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now