Chapter 49: Girlfriend??

55 5 0
                                    


*TAEZEL's P.O.V*

Kakatapos lang namin magpractice uli sa dance attack, ngayon sinamahan ko muna si Aizany maghanda kasi laro nila ngayon. Sa school ground sila maglalaro at paniguradong marami ang manonood. Kaya ito, ako muna ang personal julalay nitong si Aizany.

Tagapag-keep ng bag nya, ako ang taga abot ng tubig pag uuhawin daw sya sa laro, ako ang tagahawak ng basa sa pawis nyang towalya. Kaderder!

Pero sinabi naman nyang babawi daw sya sakin, sa darating na dance attack namin sya naman ang magiging julalay ko. Hah! Humanda ka Aizany... *evil plan*


"Oh ayan tapos na ang game 1 ng volleyball women, BsCs vs department na natin ang maglalaro WAAAAH! Kinakabahan nakoooo"" ika ni Aizany na pakagat-kagat pa sa daliri nya. kaderder talaga nito.

"Oo at dapat lang na galingan nyo. Nakakahiya pag talo tayo" sabi ko.

Nagpalit muna sandali si Aizany ng damit, kasi kailangan jersey ang suotin nilang mga players. At ang concervative kong kaibigan ayun tinakbo ang Cr para don magpalit. Nakaupo ako ngayon dito sa bleachers para sa kung sino yung manonood ng volleyball games... mag isa.


"Ang tagaaaaal!" bulyaw ko. Para magpalit lang ng jersey ang tagal tagal ng babaeng yun ah.

Nakaramdam ako na may tumabi sakin. I'm sure di si Aizany yun kaya nilingon ko ito.

Diko sya kilala pero bahagya nyang napatigil ang takbo ng mundo ko. Bahagya nyang napatigil ang paghinga ko. He takes my breath away.

Sheyt kasi Ang gwapo nya! O///O


"Oh? Makikiupo lang ha" sabi nya. Eyy! Tumango lang ako bilang sagot ko. Kekeke okey lang tabi tayo. Ano ba to ang landi ko, bat ba kasi ang daming gwapo rito sa eastwood, heaven ang lugar nato.


"M-may kasama kaba?" sheeeeet! Ang landi ko. Umiling lang sya. Meaning???? Yeeees! Masosolo ko sya *witch laugh*

"Papanoorin ko lang kasi ang girlfriend ko maglaro eh"

O___O

G-girl friend???

O__O

Di nga??

Talaga??

Huh??

No way!

May kinawayan sya, sinundan ko naman ng tingin kong sino ang kinakawayan nya. At ayun may kumakaway din na babae sakanya.

Ouch! Sya na yata si girlfriend. Huhuhu saklap naman oh. Bakit lahat ng gwapo may Girlfriend??


 

"Hoy Miss Liit!" ang boses nayun. Walang ibang nang-iinis sakin at tawagin ako sa ganung pangalan.


"Anong ginagawa mo dito?" di nya pinansin ang tanong ko bagkos ay lumapit lang ito.


"Tabi dyan"

Ano? Ako pinatatabi nya? mukha nito, ako na una dito ah. Tatalakan ko sana sya pero pansin kong di pala sakin sya nakatingin. Sa katabi ko pala.

Akala ko di papatinag ang gwapong katabi ko pero dumistansya nga sya gaya ng sabi ng ungas nato. Taezel naman alalahanin mo may gf na ang gwapong yan kaya okey lang. Kaya ang tumabi na sakin ay si ungas. Laking gulat ko rin na tumabi sakin si I.M. Oh geezz pinagtitinginan ako ng iba. Pano ba kasi nasa gitna ako ng mga rebels nato. Anong ginagawa ni I.M dito? anong ginagawa nila dito? bat ganyan sakin makatingin ang ibang babae? Bat ba ang dami kong tanong?


"Ah?? Anong ginagawa nyo dito?" aware kaya sila na pinagtitinginan na kami ng iba?


"Sinasamahan kang manood bakit bawal ba?" ika ni Minhyuk. Neck neck nya, alam kong di yun ang rason noh.


"Ang sabihin mo gusto mo lang makita ang mga volleyball women na naka 'short' shorts at expose ang mga legs nila" nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha nya.


"Galing mo Miss Liit ah, nahulaan mo yun?! grabe ka ikaw na" at may papalakpak pa syang nalalaman. Anong nahulaan? Ang dali lang kaya nyang basahin. Tsaka kilala kaya sya bilang dakilang playboy.


Tiningnan ko naman si I.M, sa kanan ko sya nakaupo. Bakit ba andito to?

Gusto ko syang tanongin pero baka deadmahin lang ako nito kaya siniko ko nalang si ungas sya nalang ang tatanongin ko.


"Hoy, bat nandito si I.M?" bulong ko lang kay ungas. Pero nabigla ako ng si i.M ang sumagot. 


"I'm watching on my girlfriend" ika nito.

"Bubulong karin lang make sure diko maririnig" ika muli nito sa malamig nitong tono. Yaayy! Katakot talaga nito.

O.O wait what did he say?

"May girlfriend KA?" napasigaw ako sa nalaman ko, actually di naman sya sigaw... yung mahinang sigaw lang ganun. (Sigaw tas mahina?) ok keber nalang.


"Watch your mouth idiot, kailangan bang ipagsigawan sa lahat?" sabi nya. Idiot? Tinawag nya kong idiot?


"Maka idiot kaha! Sino ba kasing di magugulat na may GF kana. At sino naman ang malas na babaeng yan?"


May hinigit sya sa kanan nya.

At may inilahad nya sakin na isang.....................T shirt?

At di lang yun basta kaninong Tshirt... itong tshirt nato... ang huli kong nakitang nakasuot nito ay si....


"AIZANY????" 

Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now