*YURIL's P.O.V*
Nong sinabi palang ni Mrs. Cutamura na ipapadala nya kami sa isang lugar para sa gagawing punishment nya samin ay natahimik nako. Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga parents ko.
Expected ko rin naman na babagsak itong si Wonho eh. Di kasi kami nagre-review. Akala ko sila yung mapaparusahan kasi bagsak sila yun pala kasali pa kami.
Kaya nong umuwi ako ng bahay kinumusta ako nila papa kung kamusta ang takbo ng araw ko. Sinabi ko nalang na may tree planting kami at ipapadala kami sa isang lugar. Diko kasi alam kung anong lugar yun at matatagalan ako kasi marami kaming itatanim na mga halaman. Nakalusot naman ako at napapayag ko sila. Haaaay sorry lord.
At nang nakita kong van pala ang sasakyan namin which is may motion sickness ako at likas na mahihilohin ay hinanda ko nalang ang sarili ko. Pagbukas ng van bumungad sakin ang lamig ng aircon mula sa loob. Waaaaah!! Ayaw ko ng aircon kapag nasa byahe.
"Ate okay ka lang?" tanong sakin ng magandang babaeng kasama ko sa pagtutor sa mga ugok.
Tumango nalang ako kasi ang sama ng pakiramdam ko dahil sa aircon. Habang sila ang sarap ng tulog.
Laking pasalamat ko ng makarating na kami. Hinatid na kami ni mang hayme sa pahingahan namin. Buti dahil pagod nako at umiikot pa paningin ko. Pero yun pala ipinagtrabaho na kami agad. Huhuhu! Diko na talaga kaya.
"Mauna na kayo" sabi ko sa mga kasamahan kong girls.
Hinanap ko muna yung gamot ko sa bag. At lintik lang diko pala nadala. Ang sama na talaga ng pakiramdam ko.
Pumasok ako sa banyo ng bahay nato at diko talaga napigilan pang masuka.
"adhjdsnkbluudajbxjanj ahk! Ahk! Uhg!" yuuuck...
"Ate napano ka?" biglang sumulpot itong aizany.
"Masama lang ang pakiramdam ko, nahihilo pa ko" sagot ko sakanya.
"Oh My Gad!" at bigla syang tumakbo sa kung saan. Nako ano kaya ang iniisip non?
Lumabas nako ng banyo at nakita kong andun pala si Mang Hayme at mga kasamahan ko.
Whats with their face? Bat ganyan sila makatingin sakin.
"Iha, magpahinga ka muna di mo naman sinabi agad na may kakaiba kanang nararamdaman" sabi ni Mang Hayme
"Okay lang po okay na naman po ako eh. Magtratrabaho napo ako" sabi ko ng walang kaenergy-energy kasi nga lahat ng energy ko naubos na.
"Hindi pwede Yul, nakakasama yan sa bata. Sasamahan ka ni SeoAne since Nursing ang course nya. Marami syang alam sa ganitong sitwasyon" sabi ni Soojen.
Teka, ano nga uli yung sinabi nya? Sinong bata?
"Oo yuril, hali ka magpahinga ka muna" sabi sakin ni SeoAne at dahan dahan nya kong hinila papasok sa kwarto ng bahay nato.
Te-teka nga lang. naguguluhan ako.
"Teka ilang months naba yan ate?" sabi ni Micheca
Months? Alin? ang pagigi ko bang mahihilohin ang tinutukoy nya?
"Uhmm? Ngayon lang" sagot ko
"Ah-? Sinong may gawa nyan sayo?" tanong naman sakin ni Soojen.
"Si-sinong may gawa?" naguguluhan na talaga ako. Ano bang tinutukoy nila.
"Ewan diko na alam" kasi diko na talaga alam ang nagyayari dito.
"Wag nyo na syang kulitin pa, mas mabuti nang magpahinga na sya okey?" ang bait nitong si SeoAne oh. Hehehe J gusto ko na talaga magpahinga eh.
"Wag kang mag-alala ate Yuril, kami na ang magtratrabaho dito. Di mo naman sinabing buntis kapala eh." Ika ni Lena.
O_______________________________O WHAT DID SHE JUST SAID????
"Anong sinabi mo?" just to make sure kung tama ba ang narinig ko.
"Sabi ko, dimo naman sinabi na buntis ka" ulit nga nya.
"GAD DAMN IT! DI AKO BUNTIS NOH!" yeah dahil don napalakas yata ang boses ko.
Yung mga mata nilang lahat ganito O___O
"Sino bang may sabing buntis ako? Di ba pwedeng mahihilohin lang ako sa byahe kaya ako nagkakaganito?"
At tinuro nila ang salarin ng lahat ng maling impormasyong ito.
(^_____^?)v aizany na naka peace sign pa.
"Alien ka talaga Aizany... sana tinanong mo muna bago ka sumigaw don na Buntis si Yuril" sita sakanya ng maliit na babaeng nagngangalang taezel.
"HUHUHUHUHU! T,T patawarin nyo na ko! Ganito talaga pag magaganda nagkakamali rin minsan I'm sorry... ate Yuril patawarin mo ko huhuhuhu" at may paluhod-luhod effect pa sya.
"Alam mo Aizany, minsan ganito rin ang magaganda eh, nanakit" at piningot ni Taezel yung tenga ni Aizany cause her to scream out loud.
"Onga aizany, ganito rin ang magaganda minsan" pinisil naman ni SeoAne ang pisngi ni Aizany.
"OUCH! My face!" sabi ni Aizany
"Alam mo yung magagandang sinasabi mo? Ganito yun eh" piningot naman ni Lena sa tagiliran si Aizany.
"HUHUHUHUHU!! It Hurts. Patawari nyo nako" aizany
"O sya, di buntis si Yuril, nagkamali lang si Aizany at di naman nya sinasadya yun. Kaya maliwanag na ang lahat" said Soojen.
"Thank you ate Soo," ika si Aizany.
At bumalik na silang lahatsa trabaho. Di muna nila ako pinagtrabaho kasi masama pa ang pakiramdam ko.
YOU ARE READING
Rebels vs. Good Girls
FanfictionPaano kaya mapapabago ng mga girls ang campus rebels. At kung ano ang epekto ng mga boys sa buhay ng mga girls. Starring Monsta X and Girls Attitude (Yuril, Soojen, SeoAne,Lena,Micheca,Aizany,Taezel)