Chapter 51: Ano ito?

43 6 0
                                    


*SEOANE's P.O.V*

Ewan anong sumapi sakin kung bakit ako ngayon nandito sa court.


*Flashback*


"Anong akala ng Shownu nayun ma uuto nya ko? Neck neck nya noh... kung makapagsalita kala mo kong sino. Sino ba sya para diktahan ako ng ganun, kaasar sya" >,<

Sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos ng mga gamit sa medical box (Medical box!? Hahaha! ahh basta yung mga box na naglalaman ng pang first aid kit yun na yun) inaayos ko to ng padabog.

Pero in the end...

I found myself here at the court.

*End of Flashback*


Kasalanan to ng mga paa ko eh. Letche to ang daming mga manonoud dito, ang iba may pa banner pang nakasulat 'GO MONSTA X!' at may pa cheering squad pa. Gumastos pa talaga sila para sa monsta x eh ang sinusukli lang ng mga nun eh pangde-deadma, pagsusungit at pangloloko.


"Dumating karin" napalingon ako sa gilid ko. It was Shownu, naka basketball attire na sya, Nagtataka ako eh, ngayon palang sumali ang Monsta X sa mga ganitong event, marunong kaya silang magbasketball? Kasi alam nyo yun... ahmm cause you know... ay ano ba to, diba nga Rebels sila sooooo, Ahmmm? Alam kong masama ang mang jugde ng iba pero kasi... Monsta X to kilala bilang kinatatakotan na grupo, ang alam ko sa mga rebels gaya nila ay basagan ng ulo. Baka lang kasi mabasag ang ring dahil sa kanila.


"Ano pang tinatayo mo umupo kana don sa bleachers" muling sabi nito. Ipaalala nyo nga sakin kung bakit ako nandito? Eeeeeeeerrrr! Kainis ka Shownu. Kung tutuusin pwedeng pwede naman akong tumalikod at umalis nalang dito, pero ewan anong sumapi sakin at napapasunod nya ko.

"Yes your Highness" sarcastic na pagkasabi ko, naalala ko tuloy yung pasyente kong maarteng matanda pwede na silang mag-ama non. So umupo narin ako, sige nga tignan natin kung pano maglaro ang mga halimaw nato.



"Tsk! kainis yung I.M nayun, kung di lang sa minamahal kong Tshirt di sana tayo nandito eh" wait! Kilala ko yung boses nayun. Lumingon ako sa pinanggagalingan ng pamilyar na boses at tama nga ako. Sina Aizany at Taezel nandito. Di kasi naghihiwalay ang dalawang to.


"Aizany?! Taezel?!" tawag pansin ko sakanila.

"Ate Seo!" sigaw ni Aizany. Sinenyasan ko sila na dito maupo sa tabi ko. Sumunod naman din sila.

"Wag mong sabihing ikaw rin?" ika ni Taezel. Anong 'ako rin'? bakit? Anong meron? Napansin yata nila na naguguluhan ako sa mga sinasabi nila, ay ni Taezel lang pala kaya nagsalita si Aizany.

"Binantaan kasi kami ng mga yan kaya we are force to come here" tukoy ni Aizany sa Monsta X na kasalukuyang nag stre-stretching sa isang sulok ng court. Woah! Binantaan? Haha! Bagay nga ang word nayun sakanila mga Rebels kasi sila eh. Eh si Shownu, di naman pagbabanta yung ginawa nya... more like, it's a command. At si Aketch sumunod naman, ako ng TANGA.

"Di naman kasi ako pupunta rito ate Seo kung wala lang sana kay I.M yung Tshirt ko. Bagong bili payun ni papa" tumingin naman ako sa gawi ni I.M. At yun nga, may hawak syang SkyBlue shirt at nakatingin din sya samin... no, kay Aizany lang pala. Ngiting-ngiti si I.M habang nakatingin sya kay Aizany... tumingin naman ako kay Aizany, sya naman magkasalubong ang kilay na nakatingin din kay I.M.

Kung may powers lang ang mga to, iisipin ko nag-uusap sila through their eyes. Ano ngang tawag sa ganun? Telephaty?

Nakita ko namang kumaway si Minhyuk sa gawi namin. "Hi Miss Liit!!!" kaway kaway parin sya. Okey, ano naman din tong sakanila?

Pinagtagpo ni Taezel ang mga palad nya at nakapikit na nakatingala sa langit at sabay sabi nyang "Lord sana matalo sila para ako ang magwagi sa pustahan"

Hindi ko sila maintindihan... might as well manuod nalang.



"Ano ba tong ginagawa natin Micheca?" isa na namang pamilyar na boses ang narinig namin.

"Ate Lena, Ate Micheca?" ika ni Taezel. Present din sila? Ano to?

"Andito rin kayo?" ika ni Micheca. Ano bayen di rin sila makapaniwala? Ano ba tong nangyayari?


"Wow! Andito na kayo... wait? Bat kulang kayo?" sabat ng isang boses at agad naman kaming napatingin sa harap.

"Wonho?" we said in union.

"Wala pa sya dito? wala rin yung isa?, nasaan kaya ang dalawang yun? malapit na magstart ah" palinga-linga pa sya at mistulang may hinahanap. DI MAN LANG KAMI PINANSIN! Ay Kaembyerna. Sino ba kasi ang tinutukoy nya?


"Hoy Wonho! Ano to? Pinapunta nyo lahat kami dito? para saan?" alam kong plinano nila to eh.


"Wala lang... para daw masaya sabi ni ShowNu" yun na yun at muli syang bumalik sa mga kasamahan nya.

So si ShowNu ang may pakana ng lahat ng to? para daw masaya? SAN BANDA ANG SAYA NITO HA!! Pigilan nyo ko kukuyugin ko yang ShowNu nayan!


WOOOOOOOOOOOOOOOOAAAAHHHH!!! Biglang nagsigawan ang lahat ng pumasok na sa court ang......... GOT7?


Maglalaro sila Jaebum?


Magkakalaban sila ng Monsta X??


Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now