Chapeter 9

62 4 1
                                        


*MINHYUK's P.O.V*

Hi! Ako lang naman ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo. Mamatay man si Spiderman ako ang taga mana nang kagwapohan, kakisigan, at katiponoan nya. Great power comes with great responsibility. So, kailangan ko talagang bigyan responsibilidad tong kagwapohan ko. Mahirap na baka di nako maka spread ng beautiful at handsome lahi nito.

Para sabihin ko sainyo di naman talaga kami mga bad guys gaya ng pagdescribe ng iba jan samin. Tao lang din kami may nararamdaman din, gaya ng pagmamahal ko sa mga nagmamahal sakin.

"Hi Minhyuk!"

"minhyuk mahal kita"

"Minhyuk akin ka nalang"

"Minhyuk pakasal na tayo sige na"

"Minhyuk I'm willing to give everything for you"

Yan ang lagi kong naririnig kung dadaan nako. Nagkukumpulang mga babae na nagkakarandapa sakin. Ako naman kaway dito, kaway doon. Para talaga akong artista nito na papalakad sa red carpet. Flying kiss doon, flying kiss dito. Sinasabi ko sainyo, Iba na talaga pag gwapo.

"I need to be on class now girls kaya see you later nalang ha" and before we proceed, I leave them a sweet flying kiss.

Nang malapit na kami sa room namin. May nahagip ang mata ko na cute na babae dadaan dito sa way naming. May kasama naman syang isa ring kaibigan na babae, they look like a freshman here. And yeah tama ako, mga newbie nga to. Halos na kasi ng mga babae dito kilala ko na.

Makukuha ko sila sa pamamagitan ng Charms ko. Easying-easy lang to hahaha!

Ayan na sya. Sinadya ko talagang maharangan sila.

"Hi cutie ;) (Insert super-duper amazing wink)"

"I think I know you, Ahm let me guess."

Pause muna para mukhang nag-reremember lang. Pa pogi ganon. Para may thrill at sabay bato ng pinaka cheesy na punchline.

"You are Mine right . . . and oh, by the way I 'am Yours. Nice to meet you (Wink) ;)"

Napatitig nga sya sakin. Haha! Alam ko na to eh, speechless sya sa kagwapohan ko.

"Nakita mo ba Aizany? May sakit yata sa mata ang lalaking to. Kanina pa kindat ng kindat eh noh?"

O.O anong sabi nya?

"O nga, Kuya patingin ka nalang sa clinic ha, bye! Una na kami"

Aaaaaaaaaaarrrrgghh!!!!!!

(>^<)# lintik yung mga yun ah. Binara nila ako. At wala pang nakakagawa sakin nyan sa lahat ng mga babae dito sa campus. SYA PALANG!! BOLLSYEEET!

"Wahahahahahaha!!"

Ay nako, andito pa pala ang mga kwago kong mga kaibigan. Nakita pa nila yung nangyari, eeerr! Kainis.

"Bro, ano na? hahahaha!" – kihyun na tawang tawa sakin.

'Sino kaya yun? Idol ko sya hahaha!"- Jooheon

"Parang nakahanap kana ng katapat mo Minhyuk" – hyungwon

"Heh! Ewan ko sainyo"

At dahil don pumasok nalang akong nakabusangot sa room, habang ang mga mababait kong ka grupo walang kupas ang tawa. Tinatawanan parin nila ko. Hmp!

May araw talaga yung babaeng yun sakin.

- - - - - - - - - - - -

A/N:

Kunting pasensya sa slow update ng storya.

Comment naman dyan para malaman ko kung effective ba kong writer. First time ko lang po gumawa ng ganito sa wattpad. Panay basa lang kasi ako ng mga stories ng ibang mga writer. HEHEHE ^__^ I encourage myself to write my own as well.

Kung pangit ang gawa ko wag nyo nalang basahin, kahiya eh. HAHAHA! Mahiya tayo.

Hi! Nalang ako sa mga babasa nito. Anyeonghaseo!


Rebels vs. Good GirlsWhere stories live. Discover now